IX. Smile

1 0 0
                                    

Yuki's POV

Nasa kwarto ko ngayon ang kambal at si Dalton. Dalton needed to evacuate his room. Hindi siya pwede sa kwarto ng kambal kaya naman dito siya sa kwarto ko sisiksik. Ayaw din naman niya gumamit ng guest room.

His room will be occupied by that Miki- girl. Excited na excited si Mama sa mga bisita, lalo na isiping may babae siyang makakasama sa bahay bukod kay Nanay Tasing.

Dalton can't stay in the twin's room. They have different study habits and lifestyles.

I can see that Dalton is really pissed off with the idea to share a room with me but there's nothing he can do.

"Bakit ayaw ni Mama sa guest room yun mag stay"nagdadabog na tanong ni Dalton.

"Easy bro." alo sa kanya ng kambal." Pagbigyan mo na si Mama, sabik yun sa anak na babae kaya ganito ang naging kapalaran mo" paliwag ni Roswel.

"Mabuti pa, bilisan mo na dyan, kasi maya-maya tatawagin na tayo para sa dinner" si Rossian.

And right after that words from Rossian, tumawag na si Nanay Tasing. Pinapatawag na daw kami ni Mama.

" Mauna na kayo, sunod ko" utos ko sa kanila. Sumunod naman sila agad at lumabas  na. Sisilipin ko muna ang dating kwarto ni Dalton. Expected ko na ang itsura nito, fairy tale like theme. Sabik na sabik si Mama sa anak na babae, only girl lang din kasi siya sa pamilya nila kaya naman nang magbuntis babae talaga ang gusto nila ni Papa.Kaso, ako ang lumabas and the rest is history.

Katabi lang kwarto ko ang kay Dalton at ibang iba na ang itsura ng pinto nito, alam na alam mo na babae ang occupant. May wooden signage na parang sa mga doctor. Princess is in: out. Binuksan ko bahagya ang pinto, namangha ako sa ayos ng kwarto, ang galing talaga ni Mama sa interior designing.

Simple lang yung design ng kwarto, taliwas sa iniisip ko na extravagant though everything is fairy tale like, mula sa kama, vanity table, drawer , kurtina, wall designs. Pinaghalong pastel pink at purple ang kulay. Wala na ko masabi kay Mama, may pa-banner pa Welcome! Princess Mikaela!. A for effort. All in all, magiging comfortable siya dito. Marahan ko sinara ang pinto at tinungo na ang hagdan pababa.

Ang eksenang inabutan ko pinapakilala ni Mama ang mga kapatid ko. Lahat kami Park ang second  name, gusto kasi ni Mama ang korean surname na yun.

Saktong papasok na ko sa dining area ng may biglang sumulpot sa harap ko, hindi na ko nagulat, pero siya halatang halata ang pagka-gulat. At hindi din nakaligtas sakin ang paghagod niya ng tingin sakin mula ulo hanggang paa. Napa palatak na lang ako ng makabawi siya ng ipakilala ako ni Mama.

Iniwasan ko siya ng tingin at binati ang mga kaibigan ni Papa. Napansin ko na lang na pumitik sa hangin si  Nanay Tasing at tsaka lang siya natauhan at sumunod dito. 

Sumunod na dumating sa dining are ang mga tito ko, Hunter and Lantis. Ayaw nila pa-tawag ng Tito kaya kuya lang ang tawag namin sa knila. Tuwang-tuwa si Tito Greg na makita si Kuya Hunter at ganun  din ito.

Ilang minuto pa, bumalik na ang babae galing rest room. Ngmamadali niyang umikot patungo sa ang kabilang side ng dining table. 

Napansin ko napatitig siya sa mga Tito ko at pinakilala ito ni Papa sa kanya. Nakita ko kung paano tumingin si Kuya Hunter at nagulat ako sa sinabi niya, mahina pero lip reader  ako, madali ko nabasa ang sinabi niya. " Tusukin ko mata nito ii" na narinig ni Kuya Hunter at tinanong siya nito kung may sinasabi ba. Nag alibi siya na pagkain ang gusto niya tusukin. Mabilis siya mag palusot, infaurness. Sinalo naman siya ng Papa, sadyang ganun daw siya pag gutom. 

" Kumpleto na tayo, pwede na tayo kumain, Yuki  anak lead the prayer" utos ni Mama. Sumunod naman ako, pero bago ako magsimula, nakita ko na naman ang expression ng mukha niya, gulat. Gulat na naman siya, ano ba tumatakbo sa utak ng babaeng  to, natulala na.

" Miki, hija ayos ka lang ba?" tanong ni Mama sa kanya at tsaka lang siya  natauhan. Iniling-iling pa muna niya ang ulo siya bago sumagot na ayos lang siya at nag sorry. WIERD.

"Hala, sige na kumain na tayo" yaya ni Papa at ng second the motion naman siya.

Gutom nga ata talaga siya, sunod sunod ang subo niya sa pagkain, tanggap siya ng tanggap sa pinapatikim ni Mama, parang sarap na sarap siya pero masarap naman talaga magluto si Mama. Dalawa ang official cook dito sa bahay, si Mama at Kuya Hunter bilang isa siyang Chef slash Engineer. 

Magana naman ang lahat kumain at nakikinig sa pag rereminisce nila Papa at mga kaibigan niya. Hindi na ako ngre-react dahil mula pagkabata laging kinukwento nila Mama at Papa ang mga kaibigan niya at ang naging buhay nila.

Nagulat na naman ang babaeng ito ng  tanungin ni Papa ang section niya. Napasandal ako sa upuan ng tanungin yun ni Papa, gusto marinig ang sagot niya. Naalala ko tuloy ang sulat  niya, baligtad ang sender at receiver. 

" Naku Tito, lower section po ako, aminado po akong mahina sa academics" hindi ko inaasahan ang sagot niya. Very straight hindi ko napigilan itanong kung yun ba ang dahilan kung bakit baliktad ang to at from niya sa sulat.  Nakita kong namula siya at nagulat. I'm getting bored, I need to leave. 

Tinapos ko na ang pagkain ko at nagpaalam na mauuna na dahil mag re-review pa ako para sa exam bukas at tinapunan ko siya ng tingin. Nagtanong ang Papa niya tungkol sa sulat at narinig ko ng pinabulaanan niya ito at sinabing mauuna na din at mag-aaral din. Dahil dito ako ang inutusan na ituro sa kanya ang kwarto niya. Hindi ko na siya hinintay at nauna na ako umakyat.

Nasa kalagitnaan na ko ng pag-akyat ng may maalala ako kukunin  kaya bumuwelo ako pabalik. Nakita ko siyang mabilis na umaakyat ng nakayuko, huli na para humakbang ako pataas, babangga na siya sakin.

Tumama ang ulo nia sa dibdib ko, naramdaman ko na malakas ang impact ng pag bangga niya at na-out of balance na siya. Maagap ko siya sinalo at mabilis naman siya kumapit sa braso ko. Ang babaeng ito tatangapin na lang ata na mahuhulog siya base sa pag pikit niya.

" Watch where you going idiot" inis kong bulong sa tenga niya. I first made sure na stable na ang balance niya bago ko siya binitiwan at pinagpag ang kamay niya sa pagkakapit sakin. Tulala na naman siya, wala sa sarili.

" Don't just stand there idiot, follow me" inis kong tawag sa kanya. At nakita kong ngumiti siya. Matamis na ngiti and I shake off the adjective that comes to my mind.

" Coming" masigla niyang sagot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Changed My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon