Chapter 17: Ela's Career

Start from the beginning
                                    

"Sino ba yung nasa kabilang sasakyan?"

"Ah  si Lexa lang yun." Natigilan ako ng marinig iyon mula kay Ela. Hindi ko lang pinahalata dahil alam kong tutuksuin na naman niya ako sa lesbian niyang make up artist.

.
.
.
.
.

Nang makarating ay agad ding bumaba si Ela, hindi na ako bumaba dahil saglit lang naman daw siya. Habang naghihintay napansin kong nakababa na pala si Lexa. Nakatingin ako sa side mirror ng kotse ko habang nakatanaw kay Lexa na busy sa kausap niya sa kabilang linya.

I rolled my eyes and simple yawn, then close my eyes for a while when I heard a knock into my car's window. Ibinaba ko ang bintana ng kotse ko at agad namang bumungad sa mukha ang nakasmirk na si Lexa.

"What do you want?" Bungad kong tanong sa kanya na agad naman niyang ikinasimangot.

"I just need to talk to you."

"Teka...

" Just for a minute." Napatigil ako ng bigla niyang buksan ang pinto ng kotse. Pinababa niya ako na para bang siya ang nagmamay ari ng sasakyan ko.

"Pwede ba?!"

"10 minutes?" Kumunot ang noo sa suggestion niya.

"No!"

"5 minutes?"

"Ano ba kasi ang kailangan mo?!" Sumigaw ako sa mga sandaling iyon, nakakainis na kasi siya.

"Kahit 30 seconds?"

"30, 29, 28....

" Wait teka lang. Okay gusto ko lang sabihin sayo na....

"20, 19, 18...

" Pwede bang ikaw ang kunin kong model?"

"15, 16. At para naman saan?" Nakataas kilay kong tanong sa kanya.

"Para sa project ko, this week na kasi ang pasa no'n. Please?"

"Alam na ba ni Ela ito?"

"Oo naman. Tsaka promise, hindi maaapektuhan ang duty mo sa station."

"Okay, text mo na lang ako."

"Sige salamat." Nginitian niya ako pero ako naglakad na lang pabalik sa sasakyan, paano ba naman kasi sa sobrang kulit ni Lexa naglakad ako ng naglakad tuloy napalayo ako sa sasakyan.

"Oh Kai saan ka galing?"

"Ang magaling mong make up artist sobrang kulit." Inis kong sambit.

"Tara na." Sumakay na ako sa sasakyan pero agad namang pinindot ni Ela ang GPS patungo sa paborito niyang bar.

"Kailangan ko ng umuwi."

"Nakalimutan mo yata na may sasabihin pa ako sayo."

"Pero pwede namang dito muna sabihin."

"Please saglit lang ito." Hindi na ako makatanggi dahil napindot na niya ang GPS ng sasakyan ko. Napahilot na lang ako sa sintido ko habang tinatahak ang daan papuntang bar.

Pumasok kami sa bar at agad na umupo sa first table. Medyo nagugutom na ako kaya omorder na ako ng makakain. Si Ela naman halatang kinakabahan sa gusto niyang sabihin sa akin.

"So ano ba yung sasabihin mo?"

Uminom muna siya ng tubig bago sagutin ang tanong ko.
"It's about my career."

"I already knew that." Nanlaki ang mata niya kaya hindi na siya nagsalita pa.

"Kai sorry di ko nasabi sayo ng maaga."

"Yun ba ang dahilan kaya ka umuwi ng Pilipinas?"

"May iba pang dahilan."

"Speak it out."

"Ma'am ito na po ang order niyo." Sambit ng waitress na kausap ko lang kanina. Nagsimula na akong kumain dahil gutom na talaga ako. Si Ela naman nakatingin lang sa akin.

"Aren't you going to eat?" Nginitian niya lang ako kaya itinuloy ko na lang ang pagkain. Maya maya pa ay bumalik ang waitress, may dalawang baso ng tequila siyang ibinaba kaya medyo nagulat ako.

"Kaunti lang ito." Itinuloy ko ang pagnguya at uminom ng iced tea.

"Nga pala, remember my ex?"
Tumango tango lang ako sa tanong niya.

"She is one of the reason why I came here in Philippines." Napatigil ako sa ginagawa ko at nagfocus sa gustong sabihin ni Ela.

"Sorry hindi ko masabi sabi kung sino ba talaga ang ex ko. Ang hirap kasi humanap ng tamang oras at panahon."

"Okay lang kahit hindi mo muna sabihin, ang mahalaga is important." Napangiti siya sa waley kong joke.

"Promise sasabihin ko din sayo, soon."

"Okay kahit hindi na. Wait nakita mo na ba siya?"

"Actually, kilala mo siya." Napaisip naman ako sa sinabi niya kaya nawalan na ako ng ganang kumain. Ininom ko na lang ang tequila na nasa table namin.

Binayaran ko na ang inorder kong pagkain at lumipat kami sa bar counter, isang bartender ang nagbigay ng isang inumin sa amin ni Ela. Napansin ko namang may nakatingin sa aming dalawa kaya agad akong lumingon, si Lexa lang pala na nasa kabilang counter habang may iniinom.

"Bakit ba kasama pa siya?"

"Huwag mo na lang pansinin yan. Siya nga pala, pumayag ka ba sa offer niya?" Tumango tango na lang ako bilang sagot sa tanong niya.

Maya maya pa ay lumapit na si Lexa sa kinaroroonan namin. Pero pansin kong may iba pang nakatingin sa amin. Kaya iginala ko ang paningin ko sa buong bar, pero hindi ko mahagilap kung sino ba ang nakatingin sa aming tatlo. Iniinom ko ang bawat alak na ibinibigay sa amin ng bartender, iniisip ko kasi kung sino pa ang nakatingin sa amin.

"Okay ka lang?" Tanong ni Ela.

"Lexa may iba ba kayong kasama?"

"Huh? Wala naman, tatlo lang tayo ha. Bakit may nagmamasid ba sa atin?" Balik na tanong ni Ela. Napayuko na lang ako habang nakatingin sa bartender na nagpapasikat sa harapan naming tatlo.

Someone's POV

So kaya ka pala hindi namamansin kanina. Humanda ka sa aking babae ka. May iba pa lang iniisip ha?

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now