CHAPTER 17 ~ Nightmare ~

Start from the beginning
                                    

"Are you okay?"

"No."

"You just said-"

"Sigurado ako na gusto kong magtrabaho. But I'm not okay. I'm far from it."

May dumaan na kung ano sa mga mata ni Dawn at pagkatapos ay tahimik na naglakad ng paalis. Siguradong pupuntahan na naman niya ang alaga niyang si Twinkle. Ganiyan iyan kapag umiinit ang ulo.

It almost makes me want to smile...to see how they care for me. Pero halos hindi ko maramdaman ang kasiyahan na iyon. Dahil iba ang nananaig sa nararamdaman ko. Dahil kahit anong pilit ng mundo na maging masaya ka, kung puso mo mismo ang sumusuko sa sakit...wala ka ng magagawa.

Sinong mag-aakala na ganito pala kahirap magmahal? Iba kasi ang inaasahan natin diba? Na magiging masaya lang ang lahat. Pero hindi din pala.

Sabi nila, aral daw ito. Aral daw ang masaktan para malaman natin ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Gusto kong gumigaw at sabihin na 'Tama na! Natuto na ako!'. Pero may mababago ba? Mamahalin niya ba ako?

"Hey."

Nilingon ko ang nagsalita. Comet. Nakapalumbaba siya habang nakatingin sa akin. "Ikaw na naman."

"Bakit nagsasawa ka na?"

"Medyo."

He chuckled. "You can reallly make me laugh, Freezale."

"Pareho lang pala tayo."

"Na napapatawa ang isa't-isa?"

Sinalubong ko ang mga malungkot niyang mga mata. "Hindi. Pareho lang tayo na nagpapanggap."

Nawala ang ngiti sa mga labi niya. "He's right."

"Who?"

"He said that you can make him feel see right through him. You have a pure soul, Miss IDK. And he's not worth it. Not worth breaking for."

Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Freezale-"

"Wala ng saysay kung ano man ang sabihin mo. He already broke me. And he didn't just broke me into pieces. He crushed me until not even one tiny piece exist."

"He loves you."

I smiled bitterly and shake my head. "What a best way to show it."

"Are you giving up on him?"

Gusto kong sumagot na hindi. Dahil malaking bahagi ng puso ko ang gusto paring umasa. Ang gusto paring magpakatanga. I'm not used to having these feelings. Pero gano'n pala 'yon. Kapag kumawala na...parang dam na sa bilis ang pag-agos na hindi ko na magawang pigilan.

"Maybe I am, Comet. Kahit man lang iyon siguro pwede ko ng gawin. Kahit na wala naman akong isasalba. Wala na akong sarili na isasalba. I gave it up all. There's nothing left of me to be broken. I'm just holding on to the fact that I need to stop pinning for him...for my family. Dahil ayoko na silang masaktan. Ayoko na silang masaktan dahil sa pagkakamaling ginawa ko."

"Hindi mo kasalanan."

"Hindi nga ba? I let him trample me. Hindi ako masasaktan kung hindi ko siya pinapasok sa buhay ko. Alam ko na iyon sa simula pa lang. Na hindi ko siya dapat mahalin." bulong ko sa kaniya.

"You can't control love-"

"I know. God knows, I know. Because If I could choose who to love...I won't choose, King. Dahil alam kong hinding-hindi niya ako magagawang mahalin. Hindi niya hahayaan ang sarili niya. Ang sakit, Comet. Hindi ko na alam kung paano ako gumigising sa umaga. Hindi ko alam kung paano ko siya nahaharap. I never felt so helpless in my life."

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal AssistantWhere stories live. Discover now