CHAPTER 17 ~ Nightmare ~

Magsimula sa umpisa
                                    

"I love Lisette."

"Wala na siya dito, King!"

"I love her."

"Are you telling that to me or are you convincing yourself?"

Pakiramdam ko ay may kung anong sumuntok sakin dahil sa sinabi niya. Ilang beses ko bang sinabi na sa sarili ko na mahal ko parin ang babae. Ilang kanta ko na ba ang tungkol sa kaniya? Ilang taon na ba na siya lang ang iniisip ko. Ilang taon ba na alam ko...na siya lang ang mahal ko?

Gaano ba kabilis na wala lahat ng 'yon ng dumating si Freezale sa buhay ko?

"Mahal ko si Lisette, Comet. Isa siya sa mga taong naiintindihan ako. Hindi siya humingi ng sobra sa akin. At tanggap niya na hindi ko siya mabibigyan ng normal na pamilya."

Comet looked at me vehemently. "Hindi humingi ng sobra? Sa tinatawag mo na pagmamahal, oo. Pero sa laman ng bank account mo marami. And the only thing that Lisette cares about is her body that won't be damage when you knock her up."

"Hindi mo ba naiintindihan, Comet? Freezale live her whole life surrounded by a big family. That is one thing that I cannot give her. I can't have a child. Do you want me to rob her the chance of having a family of her own?"

Nanatiling nakatingin lang sa akin si Comet. Pagkaraan ay tinanggal nya ang kamay ko na nakahawak parin sa damit niya. Tinapik niya ako sa balikat.

"And you say you didn't love her." he said sarcastically. "I don't know what to say anymore, King. You're too caught up to that idea that you still love your clandestine, denying yourself who you really love. I can't wait for the time that you'll tell me how right I am. Pero payo lang. Kung wala ka din naman balak na itigil ang katangahan na pinapaniwala mo sa sarili mo, 'wag mo ng idamay ang isang mabuting babae. Don't give her false hope, don't go near her, don't touch her. At least try to be a man for her sake."

Sinundan ko siya ng tingin ng tuluyan na niya akong nilagpasan. Nang mawala siya sa paningin ko ay nilingon ko ang dalawa ko pang kabanda. "What?!"angil ko sa kanila.

"You can't keep on venting your frustration to Freezale, King." Archer said.

"I had enough of this shit." tinalikuran ko na sila at kinuha ang gamit ko. Nang maayos ang mga iyon ay naglakad na ako sa pintong nilabasan ni Comet.

"King." tawag sa akin ni Rushmore.

"What?" hindi lumilingong tanong ko.

"Stop hurting her."

Hindi na ako sumagot at tuluyan na akong lumabas. They don't understand. They can't understand. Archer is happy to be single, Comet is married as well as Rushmore. Hindi nila ako maiintindihan kahit na anong gawin ko. Hindi ko mahal si Freezale. May nararamdaman ako sa kaniya, oo. I already solved the problem, right? She's out of my system now.

Iisa lang ang babaeng mahal ko. Iisa lang. At hindi si Freezale iyon. There's no way in hell I would love her. I won't let myself.

I'm gonna prove it to them.



FREEZALE'S POV

"Sigurado ka ba?"

Nilingon ko si Dawn na nakataas ang kilay na nakatingin sa akin. Katulad ng dati ay mataray parin ang dating niya sa pagsasalita. Hindi katulad ng iba na parang ingat na ingat sa akin ngayon.

It's not like King violated me. His actions didn't...but his words did.

"Yes. Ginagawa ko na naman ito dati." sabi ko habang pinupunasan ang mga display sa counter ng 'Craige'.

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon