CHAPTER 37 : SECOND TEST

Start from the beginning
                                    

Gano'n? So , kailangan laging may sagot? Laging may clear answer. Mukhang mahirap ata maghanap ng sagot pag sarili lang ang iniisip.

Day 3

About friendship naman ang topic namin sa pangatlong araw. "Kapag ba nag-away kayo ni Anne, tinatry mong i-solve ang issue?"

Napangiwi ako. "Hindi ako yung gumagawa niyan. Laging si Anne ang lumalapit sa akin at nakikipagbati kahit na ako yung may kasalanan." Syempre, anghel ang bestfriend kong 'yon! Si Anne laging nag-i-initiate sa mga gano'ng pagkakataon.

Napailing si Delgado. "That's immaturity. You should know how to initiate , Rhea. Hindi yung lagi na lang si Anne. Dapat binababa mo ang pride mo pag nag-a-away kayo ng bestfriend mo. Be mature enough to make the first move."

Gusto kong sabihin na hindi naman kami nag-aaway ni Anne pero napaisip ako. Sa tuwing nagkaka-misunderstanding kaming mag-bestfriend ay hindi man lang ako gumawa ng first move kailanman.

I hate to admit this at that time but he was right. Damn right. Again.

Day 4

About efforts. Pati pala efforts ay kasama sa maturity. Akala ko mentality at sensitivity lang ang step na 'to. I was wrong.

Ang unang tinanong sa akin ni Delgado nung araw na 'yon ay, "If you try to do your best, you you feel good about your effort? Be honest."

Napangiwi ako. Patay. Sablay na naman ata ako.

"Hindi. Lalo na pag ikaw yung kakumpetensya ko. Alam mo naman , di ba? Hindi ako nakukuntento hangga't hindi ako ang nananalo."

Napabuntong hininga siya. "Yeah. At nasabi ko na dati sayo na kung marunong ka lang makuntento sa kung anong kaya mo, matagal kana sanang panalo." umiling-iling siya. "Your answer is an immature act. Sorry. "

Hell, yeah! Alam kong immature talaga iyon pero kainis. Mukhang mas marami na ang alanganin kong sagot.

Day 5

He discussed about problem solving. Hindi ito tungkol sa anumang major subject namin. Hindi ito tungkol sa math o science na maraming formula. Tungkol ito sa pagsosolve ng mga life problems. Umpisa palang, alam kong lagapak na naman ako sa isasagot ko.

"Na-h-handle mo ba ang mga problema mo?" tanong niya.

"Hindi lahat. 50/50 lagi." tugon ko.

"Tsk. Dapat at least 3/4 ng problema na na-i-encounter mo, kaya mong i-solve." sabi niya.

"Agad-agad?" umirap ako. "Hindi ako si Superman!"

Napabuntong hininga si Delgado. "Unang-una, alam kong hindi ka si Superman dahil hindi ka naman lalaki. Buti sana kung Wonderwoman na lang ang sinagot mo o powerpuff girls. Pangalawa, ang maturity ay nakasalalay rin sa pagdala mo ng problema. Kung lagi kang alanganin sa mga problema mo, hindi ka pa talaga mag-ma-mature ng tuluyan."

Oo na. Oo na. Mali na naman ako. Kainis.

Pero yung totoo, paano napasok ang Powerpuff Girls sa usapin anmin ? Tss.

Day 6

Ang topic namin no'n ay jealousy at envy. Gusto ko na lang magbigti. Alanganin na naman ako. Shit! Hindi pa siya nagtatanong, alam ko na agad na ma-d-disappoint lang din siya sa aking isasagot.

"Madalas ka bang mainggit at magselos sa ibang tao?"

Hindi ako nagsalita pero tumango ako. Tinitigan niya ako ng matagal. Nakaka-frustrate pala yung pang-araw araw na pagtatanong niya at lagi na lang pangit ang maisasagot ko tungkol sa sarili ko. Nakaka-down ng confidence. Parang malabo kong maipasa 'tong second test niya. Yumuko ako at nanatiling tahimik.

10 Steps To Be A LadyWhere stories live. Discover now