Kailangan na naman nyang pagtyagaan ang kakulitan ng Boyfriend nyang nasobrahan sa asukal .. sa sobrang sweet nito sa kanya ..

“Good morning Ma’am ..” bati ng Secretary nya ..

“Morning ..”

“Ay Ma’am sabi po pala ni Sir Iko pumunta daw po kayo sa office nya .. “

Hindi kasi sila nagsabay dahil sumabay sya sa Daddy nya pumasok .. nagtatrabaho pa din ito bilang Personal Assistant ni JD.

“Uh ok ..” malamang sa malamng tatawagan agad ng Secretary nya si Iko para i-inform na dumating na sya ..  at hindi na nya kakailanganin na pumunta sa office nito dahil ito na mismo ang lalapit sa kanya .

Ganun naman lagi eh .. pero sya pa ba ang magrereklamo? Nagkaroon sya Ng super-duper hot na boyfriend .. na fifty percent masungit nga lang ..

After ten minutes .. wala pa ding Iko na dumadating s a office nya .. Usually kakaupo lang nya nandyan na agad ito .. tapos may dalang breakfast  o kaya aayain sya para magbreakfast sa labas.

Nagpasya na syang lumabas at puntahan  ito ..

“Mishel, natawagan mo na ba si Iko?”

“Ah yes ma’am ..  kaso mukhang may dumating na bisita si Sir..”

“Bisita? Ng ganito kaaga?”

“Yes Ma’am .. “

Nagtataka man sya ay mas pinasya na nyang puntahan na lang ito ..

“Si Iko?” tanong nya sa Secretary nito ..

“Ay Ma’am! May biglaaan  po syang bisita ..” sagot ng secretary nito.

Sino naman kayang bisita yun na sobrang aga kung dumating? Nagtatakang tanong ni Dara sa isipan nya ..

Maya maya lang ay bigla ng lumabas ang bisita nito .. wow BWISITA naman pala  eh ..

Malanding tinignan sya nito na parang nagmamalaki . “Oh I’m sorry .. nandyan ka pala .. sorry pinag antay ka namin ni Iko .. nasarapan kasi kamisa-“

“Kara!” agad na saway ni Iko sa kanya ..

Walangyang Kara na ito .. at hanggang dito pala sa Aragon Empire ay naghahasik ng kalandian ..

“Oh talaga? masarap ba?” tanong ko sa kanya ..

She smiled sweetly .. “Yap masara-“

“Di pa ako tapos magsalita .. sabi ko masarap bang ingudngod kita sa pader ha?” sabay hila ng buhok nya at idinikit ko sa wall ng building yung pagmumukha nya .. yung tipong close na close sila .. “Ano masarap ba?”

“Sheez!” tanging nasabi ni Kara habang sinasabunutan siya ni Dara .. agad naman na inawat ni Iko si Dara.

“Sa uulitin kapag gagawa ka ng istorya gandahan mo ha? Hindi yung gasgas na ..” inis na sabi nya ..

“Your boyfriend is cheating on you!” sigaw din nya ..

Pero bago pa lumapit si Dara ay mas nauna si Iko na lumapit ..

“Damn you Kara .. wag kang mag assume ng mga bagay na walang katotohanan at hindi mangyayari sa totoong buhay .. Now... You choose.. I will make your fvcking life miserable or babawiin mo ang sinabi mo and you will leave this place peacefully? ..” kitang kita ni Dara ang higpit ng pagakahawak ni Iko sa  braso ni Kara ..

“You’ll pay for this!” at nagmamadali na itong lumayo ..

Nagkatinginan sila ni Iko ..  Remind Dara na wag gagalitin si Iko.

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon