Prologue

514K 6.2K 1.3K
                                    

PROLOGUE:

Dear, LoveBug ..

Bakit nga ba nagmamahal ang isang tao?”

napangiti na lamang siya sa nabasang tanong. Bakit nga ba nagmamahal ang isang tao?

Siguro dahil tao lang din tayo. binigyan tayo ng Panginoon ng mga regalo at isa na doon ay ang ating DAMDAMIN. Nagmamahal, nagagalit, nasasaktan, nalulungkot. 

Ilang minuto na niyang pinag-iisipan kung ano ang isasagot niya sa katanungang ito.

Habang malalim ang pag-iisip niya ay may biglang kumatok.

"pasok." sabi niya. Lumingin siya upang makita niya kung sino ba yung kumatok.

ang mommy lang pala niya.

“How’s your check up?” kaagad na tanong nito sa kanya

ngumiti lamang siya sa Mommy niya. Kahit na nasa mga forty's na ito, hindi maitatangging napakaganda pa din nito.

“Ok lang po. sabi ng Doctor... “ lumunok muna siya habang kinukuha sa bag ang isang injection para ipakita sa mommy niya. “I need to inject this on the lower part of my rib everytime na sumusumpong ang sakit ko.”

makikita ang unti-unting pagtutubig ng mga mata ng mommy niya. awang-awa ito sa estado ng anak.  “I’m sorry anak. di kita naalagaan ng maayos. it’s my fault.”  sabi nito.

NO. mariing sagot niya sa isip niya. hindi si Mommy ang may kasalanan nito. kung hindi lang sana kami iniwan ni Daddy 15 years ago, hindi mangyayari ito.

Kung wala lang siguro siyang ganitong sakit edi sana hindi malulungkot ng ganito ang Mommy niya.  Pero itong sakit din na ito ang nagpush sakanya na magtago sa isang katauhan na walang nakakaalam.

siya nga pala si LOVEBUG. Ang #1 love guru ng Zeal Academy.

--

Third person POV

“Nanay! Tatay!” maririnig ang malakas na sigaw ni Miyu sa loob ng kabahayan ng CEO ng Aragon Corporation. well Miyu Dale Aragon was is just one of the Princesses of Aragon.  Expect that she’s a spoiled brat. what she wants, she gets. but she has a kind heart.

“Yes Baby?” tanong ng maganda nyang Ina na si Asha. hindi naging hadlang ang pagkakaroon nito ng apat na anak para mapanatili ang ganda nito.

“Aalis na po ako Mommy! Bye! “ humalik si Miyu sa kanyang ina at nagsimula ng maglakad.

“Oh. hindi mo na ba hihintayin ang mga kuya mo?” tukoy ni Asha sa dalawa nya pang anak na kambal. Si Angelico Aragon at Angelo Aragon na pinananiniwaalaang susunod na magiging CEO ng Aragon Corporation.

“No Nay, mamaya pa po ang klase nila. sasabay na kami ni Kambal kay Sir Ruki.” paalam nito.

“Okay sige, mag iingat ka.” habol tingin ni Asha ang dalagang anak na papalabas ng kanilang malaking gate.

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon