Chapter 2

122 3 0
                                    

Maaga aga pa ng magising ako kinabukasan.
Ang balak ko sana ay matulog nalang maghapon pero nang maalala kong may kasama pala ako ngayon sa kwarto ko ay agad din akong napabalikwas ng bangon.

Wala ng babaeng nakahiga sa sofa.
Nakatupi na rin lahat ng ginamit nya kagabi.
Wala na siya..
Umalis na siya at di man lang ako ginising para magpaalam. "That stupid. Di man lang nagpaalam. Walang manners" nasabi ko nalang habang bumabangon.

Magtu-toothbrush nalang ako saka bababa para mag agahan, ang balak na matulog maghapon ay nawala na sa isipan ko dahil sa babaeng iniwan ako ng walang pasabi.

Nang matapos magtoothbrush ay bumaba agad ako.
Ang balak ko nalang ngayon, tumambay sa sala at mang away ng mga tao sa baba.

Alas otso palang pala. Hmmm.. maaga pa.
Napangisi ako at pumasok na sa kusina.
Napahinto ako sa paglalakad ng magtama ang paningin namin ng taong kinaiinisan ko kani-kanina lang.

"You still here?" Taas kilay kong tanong sakanya.
"Uh, oo?" Medyo patanong ding tugon nito.
Diko man aminin pero parang biglang gumaan ang pakiramdam ko sa kaalamang nandito pa pala to si kapal kilay.
"Goodmorning, himala nak, maaga ka ngayon para sa breakfast."
Tuwang turan ni Mom nang makita nya ako dito sa kusina.

"Oo nga, umupo kana para makakain kana rin." Ayuda naman ni Dad. Nandito narin ang dalawa kong kuya at mataman lang na nakatingin sa akin. Sa tabi naman ni Mom nakaupo ang isa ko pang kapatid na lalaki na mag aapat na taon pa lamang.

"Umalis na si mae." Pang aasar naman ni kuya Theo ang panganay namin. Nang tingnan ko sya ng masama ay tatawa tawa lang ito.
"K." Irap kong pakli sakanya saka humila ng upuan at naupo sa harap na upuan ni Erica.

"Napasarap ka ng tulog no? Kaya nakalimutan mo na ring maligo bago ka magbreakfast."Dagdag pang aasar pa ni kuya Gian, ang pangalawa namin.
Pagkasabi nya nun ay nagtawanan pa sila. Pwera lang si erica, ang kapatid kong bunso at si Mom na patingin tingin lang sa kapatid kong sinusubuan nya.

Nakasimangot na tumayo ako, at akmang paalis na ng pigilan ako ni Mommy at sawayin ang dalawa kong kuya. Agad namang humingi ng sorry ang dalawang shokoy.

"Bilisan nyong kumain at baka ma-late kayo." Mariing utos ni Mom sa kanila.

"Mom, its okay. Anak kaya kami ng CEO ng Kompanya." Tatawa namang tugon ni Theo.

"At pwedeng pwede ka ring tanggalin sa trabaho ng asawa ng sinasabi mong CEO." Nakakaloko namang turan ni Mom kay Theo.

"Mom, joke lang po." Sabi nalang nito at nakangiting nagkamot ng batok.
 
Sa inasta ay napuno ulit ng tawanan sa kusina samantalang ako ay tahimik lang na kumakain. Si Erica naman ay pangiti-ngiti lang.

"Hija, Mamaya dalhin mo na dito yung mga gamit mo. Para makapag-start kana bukas." Nakangiting sabi ni Dad kay erica na tinanguan naman ng huli.
Nakita kong tinapik pa ni Dad sa braso si Erica bago ito umalis para pumasok sa opisina. Kumaway naman ito sa amin ni Mom at sa bunso kong kapatid bago ito tuluyang sumakay sa naghihintay na kotse nito.

Kanina pa nauna ang dalawa kong kapatid na barako, mabuti naman dahil kanina pa ako naiinis sa kanilang dalawa.
Pero ang ipinagtataka ko ngayon ay kung bakit dadalhin ni Erica ang mga gamit nya dito, at bakit kailangang mag start na sya bukas? Mag start saan-?
Saan ba? Naguguluhan ako.

"Hey." Tawag pansin ko sakanya ng tuluyan ng nakapasok si Mom. Naiwan kaming dalawa sa garden.

"Hey." Tawag ko ulit. My gosh,bingi bato ?

"Psst." Nakakunot kong sitsit pero parang wala lang itong naririnig. Nakatanaw pa rin ito sa malayo ng kotse ni Dad. Yung totoo? Napahalukipkip nalang ako sa galing nitong mandeadma.

The spoiled BratWhere stories live. Discover now