lahat tayo ay may kanya kanyang buhay, ang iba simple, ang iba mahirap, at ang iba ay medyo hindi karaniwan. Wag ka mag alala yung sa simpleng buhay muna ang nasa kwentong ito.
Nasa kwento tayo ng isang bata na si Pietro, na nasa Pilipinas, at ang kwento ay tungkol sa paglaki niya. Isa siyang bata na mahiyain, hindi madalas lumabas ng bahay at palagi nasa gadgets. Wala siyang masyado mga kaibigan maliban doon sa mga nakakalaro niya online. Dahil sa pagiging adik niya sa paglalaro sa gadgets at pagkain ng junk foods, siya ay naging obese pagdating ng grade 3 pa lamang. Dito nagsimula ang madalas na pambubulas sa kanya ng kanyang mga kaklase. Lalo siyang naging malayuin sa mga tao. Di matagal ay naging malungkot si Pietro sa karamdaman na mag isa lang siya sa buhay at walang may gustong tumanggap sa kanya. Hindi tumagal at lumala ang pagbubulas sa kanya sa eskwelahan, palagi siya inaasar pagpasok pa lang ng classroom, nilalalait dahil sa itsura niya, at nilalayuan ng kanyang mga kaklase. Sa sobrang lungkot ni Pietro nagkaroon siya ng Depression sa edad na sampung taon pa lamang, pinatigil na muna siya sa pag aaral dahil sa nagkakaroon siya ng suicidal tendencies at dahil hindi siya makapokus sa kanyang pag-aaral. Pinahome-school muna si Pietro ng kanyang mga magulang dahil ayaw ni Pietro makipag-usap sa kapwa. Nawawalan na siya ng ganang maglaro at hindi na niya nakakausap ang kanyang mga online na kaibigan. Pinapainom siya ng mga anti-depressants ng kanyang doktor pero habang tumatagal ang panahon parang hindi umeepekto sa kanya. Nagpatuloy ito ng tatlong buwan.
Si Pietro ay nasasawa na sa pag iyak gabi-gabi, sawa na sa pakiramdam na mag-isa, at sawa na sa sarili niya. Dahil sa kasawaan niya sa pamumumuhay niya, ginawa niya ang lahat ng kaya niya para baguhin ang sarili niya at para hindi na ulit siya mabulas. Ang kanyang kalungkutan at karamdaman na mag isa siya ay nagsilbing tagasindi ng apoy sa loob ni Pietro. Simula noong nagkamalay si Pietro sa kanyang kalagayan, nagsilbi itong inspirasyon sa kanya para magdiet, masanay sa interaksyon sa tao, at tumigil muna sa kakagadgets. Laking gaan sa loob ng kanyang magulang nang makita nila na dahan dahang nagbabago ang kanilang anak. Sa tulong ng kanyang therapist, nagawa niya na baguhin ang pagiging mahiyain niya at gawing mas confident siya. Nagkusa naman si Pietro sa kanyang diyeta, hindi na siya kumakain ng junk foods, binabawasan na niya ang ulam at kanin sa tuwing kakain siya at nakahiligan niya ang gulay. pagkatapos ng ilang buwan na pagrerecover, malaki na ang binago ni Pietro, naging normal na ang kayang timbang at naniniwala siya na kaya na ulit niya harapin ang mundo. Pagdating sa grade 4 inenroll na ulit siya sa ibang eskwelahan, dito natuto si Pietro na makipagkaibigan, nagsimula siya ng bagong buhay. Hindi na siya nahihiya makipag-usap sa mga tao dahil hindi na siya obese. Madaming sinalihan na clubs si Pietro, sumali siya sa SSG ng kanyang eskwelahan, nagtry-outs siya para sa varsity team, at sumali din siya sa journalism. Sa huli nakilala din si Pietro bilang isang lider, nananalig, masayahin at matalinong estudyante, mabait na kaibigan at responsableng tao. Naglalaro parin siya sa kanyang gadgets dahil dito siya nasanay at dito niya nakilala ang una niyang naging mga kaibigan, pero limitado na ang paggamit niya nito at prioridad niya ang kanyang pag-aaral.
YOU ARE READING
Ipaglaban mo ang iyong kasiyahan
Short StoryTungkol ito sa storya ng isang bata na nabulas dahil sa kanyang pisikal na katangian. Basahin niyo kung paano niya babaguhin ang sarili niya at kung paano niya haharapin o sosolusyunan ang kanyang mga problema.
