Trex's Pov
"*Burp* Salamat kuya ah!" sabi ni Jasp.
"Walang anuman. Basta para sa inyo." nakangiti kong wika. "O siya, alis na tayo?" dugtong ko.
"Sige kuya tara na?" wika ni Jenny.
"Tara."
Sa bahay.
"Oh. Masaya ba kayo?"
"Opo Opo Opo."
"Oh. Tulog na tayo. Para bukas may energy. Tapos na ba mga assignments n'yo?"
"Kanina pa po kuya. Atsaka wala pong pasok bukas. Holiday daw po."
"Ah ganun ba? edi mabuti. Si Jam?"
"Tulog na po kuya."
"Kung ganon ay tulog na tayo. Bawal mag puyat lalo na't bata pa kayo."
"Opo kuya :)"
ZzzzzZZzz
Pinikit ko na ang mata ko. Ngunit biglang bumalik sa alaala ko yung text message kanina.
You're one luckily unlucky man :* See yah soon.
Ah basta. Wrong sent lang yun. Wala naman nagbabanta sa buhay ko 'no?! Pinikit ko nalang ang aking mga mata hanggang sa naging unconscious na ako.
"Happy Third Monthsary Diyamante ng buhay ko." Sabi ko habang tumutulo ang unang luha na lumabas sa mata ko.
"Sorry! Sorry. Sorry. Sorry talaga..." sabi ng boses babae. Di ko naiinttindihan kung anong nangyayari. Bakit biglang ganito na ang mga pangyayari? Hindi ko masyado naaaninag ang mukha ng babae ngunit patuloy pa rin siya sa pag iyak. Hanggang sa lumalabo na ang sinasabi ng babae at nagsimulang gumuho ang paligid at unti unting lumiliwanag, bigla kong hinanap ang babae ngunit wala akong natagpuan. Naaaninag ko na lamang ang kaunting ilaw galing sa araw.
"KUYA KUYA!! GISING NA! MAY SUNOG!!"
"KUYA! GISING NAAA!!" napakurap naman ako ng mga mata dahil sa pagsisigaw at pagyuyugyog ng kapatid ko sakin. Uhh. Teka.
"SUNOG?! SUNOG! SAAN ANG SUNOG? TARA ALIS NA TAYO! BAKIT BA?! HOY BAKIT BA KAYO NAKANGITI?! DIBA MAY SUNOG. JASPER! JAM! JENNY!" Nataranta naman ako dahil sa sinabi ng kapatid ko kanina.
"Kuya. Hinay hinay lang. Wag ka ngang mataranta." Sabi ng kapatid ko.
"Eh diba may sunog?! Ano ba kayo!" napasuklay ako ng buhok at sinimulang ayusin ang mga gamit ko.
"Kuya! Walang sunog! Haay nalang kuya. Hindi ka kasi nagigising eh kaya sinabi namin na may sunog. Ano kayang napanaginipan mo at mukhang sarap na sarap ka?!" sabi ng kapatid kong may mapaglarong ngiti. Ano nga ba yung napanaginipan ko. Wala na akong naaalala eh.
"Wala naman. Teka nga. Ang labo n'yo. Bakit n'yo ako ginising eh wala naman pasok ngayon diba? Lalong walang sunog." may pagkainis na sabi ko.
"Eh kasi kuya. May tao sa labas! Ikaw daw ang hinahap eh. Hala kuya! Ang gwapo n'ya. Hihi." tumingin ako kay Jane na nakaupo sa sahig.
"Hoy ikaw bata ka pa. 15 ka palang. Dapat pag aaral ang atupagin mo. Paano nalang kung magkakasintahan ka? Pano kung mabuntis ka? Pano kung hindi ka panindigan nung lalake? Pano kung.. Diba sabi ko studies--" Hindi ko na naituloy ang sinabi ko dahil bigla nyang pinutol ang sasabihin ko.
"First before you enter the kingdom of love. Ang OA mo kuya ah! Sinabihan lang ng gwapo ang dami mo ng sinabi." nagcross arms nalang s'ya at ipinagpatuloy ang pagtitingin sa cellphone n'ya. Teka? Bakit ang lawak ng ngiti n'ya? Sino ba--
YOU ARE READING
Expect the Unexpected
Teen FictionThere will always be a time... When everything seemed to be perfect... Where everything has a time slot, an expiry date... When time comes for an unexpected revelation... When unexpected things happen... And Where everything's meant to be broken... ...
