"Pero aminin! Nagseselos ka!"
"Hindi ah!" wika ko sabay suntok sa balikat niya. Mahina lamang ito pero alam ko masakit din 'yon. Narinig ko na lang ang ngiwi niyang 'aray' kaya napatingin ako sa direksyon niya.
"Sorry! Sorry! Ikaw kasi eh!" sabi ko habang dahan dahan kong hinahamas ang balikat niya. Nakaramdam naman ako ng biglaang pagdampot ng kamay ko at nakitang si Kelso lang pala 'to. Masama ang tingin niya kay Ceejay at alam kong kahit papaano ay hindi pa talaga sila in good terms.
"Don't touch him anae! He doesn't deserve it." wika nito sabay hila ako patayo at mahinang kinaladkad ako palabas ng gym.
"Aray ko! Nasasaktan ako!" ngiwi ko ng mahigpit ang hawak ni Kelso sa braso ko. Nararamdaman ko nang namumula 'to at alam kong mag iiwan ito ng marka sa mga susunod na mga araw. Naramdaman ko namang binitawan ako ni Kelso habang naglabas naman ako ng mahabang buntong hininga.
"Sorry. I didn't mean it anae." sincere na wika niya kaya napakirot naman ng bahagya ang puso ko.
"Wala 'yon. Kasalanan ko din kasi. Kung hindi lang ako napikon don sa asar niya sa akin na nagseselos ako kanina edi sana hindi hahantong sa ganito."
"What!? You're jealous?" ngiting sabi niya sa akin dahilan para maasar ako.
"Oo! Selos na ko! Nakakainis kasi kanina 'yong babaeng kausap mo. Andoon na nga ko't lahat lahat sinisiksik niya ang sarili niya sa'yo! Leche!" naiinis na tugon ko sa penguin na kausap ko. Nagchuckle naman siya don sa asal ko.
"Don't be jealous anae because I'm thinking of you. That's all I do. You are always the first and last person on my heart. No matter where I go or what I do, I always think of you. So please believe me." napa ngiti naman ako sa sinabi niya.
"Ofcourse I believe in you."
❌❌❌
Pagkatapos ng mini heart to heart talk namin ni Kelso ay dumiretso kami sa mga rides na nandito sa loob ng school. Dahil daw nanalo at champion daw sila ngayon, ililibre daw ako ni Kelso ng ticket kaya parang batang tumalon ako sa saya. HAHAHA!
"Tara don!" sabi ko sa kanya sabay hila don sa carousel. Pinaka gustong gusto ko kasing sakyan ang carousel kahit na pambata 'to. Feeling ko kasi kapag nakasakay ako sa mga kabayong mga umiikot ay nawawala 'yong mga problema ko. At syempre feeling ko bumalik ako sa pagkabata. HAHAHA!
"You sure?" tanong niya. Natatawang tumango ako.
Agad kaming sumakay sa carousel at parang batang eager na eager ako. Natatawa nga si Kelso dito sa tabi ko at tila nahihiya pero wala eh, hinayaan niya lang ako.
Pagkatapos sa carousel ay dumiretso pa kami sa ilan pang rides. Nang matapos na namin halos lahat ng mga rides ay napag desisyonan na naming kumain.
"Wait here anae ha! I'm going somewhere!"
"Lahhh! Wag mo kong iwan dito!" naiiyak na wika ko nang nagpaalam na siyang umalis at may pupuntahan daw saglit. Naiwan na lang ako dito sa may bench malapit sa may mini stage.
Teka nga? Kanina pa ba 'tong stage na 'to? Bakit ngayon ko lang nakita?
Hinayaan ko na lang ang iyon at tinignan ko na lang ang mga litrato namin ni Kelso na mula sa photo booth na pinuntahan namin kanina. He's so cute here! natatawang komento ko sa aking sarili.
Ilang saglit na paghihintay ay may kumalabit sa akin. Pagtingin ko dito ay isang malaking rillukuma mascot ang bumungad sa akin.
"Wahhh! Rillukumaaaa!" at parang batang niyakap ko ang mascot na ito. Niyakap din naman niya ako pabalik.
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
Teen FictionNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...
💕 NOBODY'S BETTER 30 💕
Magsimula sa umpisa
