💕 NOBODY'S BETTER 30 💕

Comenzar desde el principio
                                        

Walang ano ano't tumayo ako sa kinauupuan ko. Nagulat nga sila ate Resse kung bakit eh pero hindi ko na lang sila pinansin. Ang nasa isipan ko ngayon ay tanging mga tanong kong nasaan na ba ang mokong na 'yon at bakit tila nakalimutan niya ang importanteng laban niya ngayon. Nakakaramdam ako ng kakaiba. Baka may nangyari sa kanyang masama! Wag naman sana!

Akmang aalis na sana ako sa pwesto ko ng biglang pumito ang referree at nag sub ang team namin. Napa upo naman ako agad sa upuan ko noong nakita ko kung sino ang ipinasok nila. Walang iba kundi si Kelso.

"Kelso! Kaya mo 'yan!"

Napa tingin naman siya sa gawi ko ng sumigaw ako. Ngumiti siya ng maliit sabay balik ng tingin sa kung ano man ang ginagawa niya kanina.

"Hoy! Nakita ko 'yon ah!" bulong ni Cela sa akin sabay hampas sa balikat ko ng mahina. Binigyan ko lamang siya ng maliit na ngiti kasabay noon ang pag tanggal ng masamang pakiramdam ko kanina.

Nagsimula na ang laro. Na kay Kelso ang bola at seryoso niya itong dinidribble. Ramdam ko ang tensyon na bumabalat sa lugar na 'to. Kahit na sobrang ingay dito sa gym ay halos naririnig ko pa rin ang kabog ng puso ko. Kinakabahan ako. Baka kasi matalo sila Kelso. At ayaw kong mangyari 'yon.

"Kyaaahhhhh!" biglaang sigawan at hiyawan ng mga tao dito sa loob dahilan para mapatakip ako bigla sa tenga ko. "Bakit anong nangyare?" bulong ko kay ate Resse dahil hindi ko na alam ang nangyayari dito sa loob. Masyado na kasing madugo ang laro at masyado na rin akong pre occupied kaya hindi ko na alam ang nangyayari.

"Naka three points si Kelso." bulong din niya dahilan maibalik ko ang atensyon ko kay Kelso na ngayon ay tila pagod na pagod kahit na kakapasok niya pa lang.

Napangiti na lang ako at nag thumbs up sa kanya ng dumako ang paningin niya sa gawi ko. Napa tango naman siya at tila alam niya ang ibig sabihin ng ginawa ko. Nag simula na ulit silang mag laro.

Last twenty seconds na lang at lamang na lang ng dalawa ang kalaban. Akalain mong nakahabol ang team namin sa kalaban. Mas lalo tuloy dumoble ang bilis ng pintig ng puso ko dahil don. Na kay Kelso ang bola at drinidribble niya ito at alam ko inuubos nga lang ang oras. Bigla na lang siyang tumalon dahil sa bigla bigla ding pag agaw ng kalaban pero hindi na nila nakuha ang bola dahil nga tumalon si Kelso. Halos lahat kami ay medyo hindi na makahinga dahil hinintay namin ang pagbagsak ng bola. Tila naging slowmo ang paligid dahil sa nangyari at ilang saglit lang nabuhay ang crowd.

"Nanalo tayo besseu! Nashoot ni Kelso!" sigaw at may halong talon pa na sabi ni Momo sa akin habang ako'y tila nawalan ng lakas sa nangyari.

"Ang galing ni Kelso!" masayang sabi naman ni ate Resse.

"Paanong hindi gagaling 'yon eh may nagchicheer sa kanya kanina." sabat naman ni Cela sa amin. Napa ngiti naman ako ng maliit.

"Tara! Batiin natin sila!" suggest ni Diana sa amin. Tumango lamang sila habang ako'y hilang hila lamang ni Momo. Nanghihina pa kasi ako hanggang ngayon eh. Joke!

❌❌❌

"Congrats hihi~" rinig kong wika ng isang babae kay Kelso. May kausap kasi siyang mga babae at tila gusto din nilang magpapiktor. Hinayaan ko lang na kausapin at intertainin niya ang mga ito. Ano pa nga ang magagawa ko kung mas dumami ang mga fangirls niya.

"Naka sibangot ka na naman." napa tingin naman ako sa nagsalita sa likod ko at nakitang si Ceejay ito. Hindi ko na lang siya pinansin at bagkus ay mas tinuon ko pa ang paningin ko sa scene na nasa harap ko which is sila Kelso.

Naramdaman ko namang tumawa siya dahilan para magroll eyes ako. "You're cute when you're jealous." binigyan ko lamang siya ng masamang tingin.

"Easy, easy!" wika nito habang natatawa pa din habang naka taas ang kamay. "Hindi na kita aasarin dahil alam kong aawayin mo lang ako." wika niya sabay baba ng kamay at wala na 'yong natatawa niyang mukha.

NOBODY'S BETTERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora