💕 NOBODY'S BETTER 30 💕

Start from the beginning
                                        

Pinupuntahan ko isa isa ang mga shops na nandirito, nagbabakasakaling makahanap ng magandang bagay na pupuwedeng iregalo ko ngayon kay Kelso since last day na ng laban nila ngayon. Though alam ko naman na marami na siyang natatanggap na regalo galing sa akin, mas gusto ko lang na mahigitan pa ang mga 'yon para naman marealize niya na worth it lahat ng pagod niya.

Hingal na hingal akong lumabas sa huling shop na pinuntahan ko pero kahit isa sa kanila ay wala akong makitang bagay na perfect na ibigay kay Kelso? Kung 'yong matamis na oo ko na lang kaya? Ay huwag! Ibibigay ko lang 'yon sa tamang oras at pagkakataon.

Napa buntong hininga naman ako. Maiintindihan naman siguro ni Kelso na hindi ko siya mabibigyan ng regalo. Mabait naman 'yon at marami na siyang natatanggap sa akin kaya hayaan ko na. Pero mabigat pa rin 'tong puso ko eh! Gusto ko talaga siyang mabigyan ng regalo pero wala eh! Wala talaga akong mahanap.

"Hey! Bakit naka sibangot ka diyan!" nabigla naman ako sa nagsalita sa likod ko at nakitang si Ceejay pala 'to. Naka tshirt siyang puti habang naka suot ng short na uniform nila sa basketball. At mukhang ilang oras na lang ay laban na nila.

"Ha? wala wala 'to!" wika ko sabay wagayway ko ng kamay sa harap niya. "Teka? Bakit ka nandito? Hindi niyo pa ba laban? Atsaka nasaan si Kelso? Di mo ba siya kasama?" napatawa naman siya sa mga tanong ko dahil sunod sunod ito.

"Easy. Nandito ako para sunduin ka. May nagpapasundo kasi sa'yo baka daw hindi ka makanood ng laban namin at isa pa si Kelso may ginagawang napaka importante kaya ako na lang inutasan niya." napa tango na lang ako.

Ilang oras din kaming naglakad hanggang sa nakarating kami sa gym.

"Pasok ka na! May pupuntahan pa ko." biglang sabi ni Ceejay sa likod ko. Napakunot noo naman ako at ibubuka ko na sana ang bunganga ko para tanungin kung bakit pero umalis na siya sa tabi ko. Napa buntong hininga naman ako pagkatapos ay pumasok na sa loob ng gym kung saan sinalubong ako ng malakas na hiyawan.

❌❌❌

"Hey! Saan ka galing?" tanong ni ate Resse pagka upong pagka upo ko sa tabi niya. Sa right ko siya habang nasa kaliwa ko naman si Cela at Diana. Si Momo naman katabi ni ate Resse at ngumunguya ng popcorn.

"Ummm, may dinaanan lang ako saglit." wika ko sabay sagot sa tanong niya. "Ummm okay."

"Kamusta naman ang mga tinda niyo? Nagtinda kayo?" tanong ni Momo sa akin habang pasimpleng kumukuha ako ng popcorn sa kanya. Nakalimutan ko kasing bumili eh.

"Okay lang. Kakaubos lang kasi ng tinda namin kanina kaya medyo natagalan ako."

"Buti pa kayo nagtinda. Kami kasi hindi eh." sabat ni ate Resse. Napa kunot noo naman ako.

"Bakit naman ate?"

"Ewan ko. Ayaw na kasi nila. Gusto daw kasi nilang ienjoy ang last day ng event na 'to kaya ayon, hindi na kami nag tinda."

"Ahhh okay."

Napatigil kami sa pag uusap ng mas lalong naghiyawan ang mga tao. Nagsipasukan na kasi ang bawat members ng magkalaban na basketball team kaya ganoon.

"Nasaan si Kelso?" bulong ko sa sarili ko habang tinitignan ko ang bawat member ng basketball team namin. At kahit isa walang bakas ni Kelso. Nasaan na ang mokong na 'yon!

"Baka mamaya pa siya maglalaro." wika ni Momo na may lihim na ngiti. Napa sibangot naman ako at tahimik na pinanood ang kakaumpisa pa lang na laban.

❌❌❌

Last quarter na ng basketball pero wala pa ding bakas ni Kelso. Last five minutes na lang ang natitira at lamang ang kalaban ng sampo. Pagod na pagod na rin sila Ceejay ngunit ginagawa naman nila ang best nila para makabawi. Nasaan na ba kasi siya! Nag aalala na ko dito oh!

NOBODY'S BETTERWhere stories live. Discover now