Chapter Nineteen: Unforgotten

Start from the beginning
                                    

I was stunned. Arlo's words were like a rock that hit me right through the face. But what else matters more than my wife? Who else matters more than the woman I love who once saved me from myself? She matters the most. Chances means the world to me.

On my way home, I received a call from Anthony. Hindi ko muna sinagot dahil nagmamaneho ako. Pero tumawag naman ako agad pagdating ko ng bahay.

"I love you."Bulong ni Chances matapos akong yakapin mula sa likuran.

Hindi ko siya namalayang nakalapit dahil nga tinatawagan ko si Anthony. Hindi pa ito sumasagot.

"I love you more, babe." I whispered back to my wife after kissing her.

"I love you most."

"I love you."I murmured before leaning down to kiss her.

"Sir Zacc?" Anas ni Anthony nang sagutin ang tawag.

Narinig yata 'yon ni Chances kaya umamba siyang aalis. Nahuli ko ang kamay niya bago siya nakalayo. I gestured her to stay and she did. Habang kinakausap sa phone si Anthony, yakap-yakap ko siya.

"This is bad news." Pahayag niyang nagpatayo sa'kin ng maayos. Gano'n din ang asawa ko.

"Ano'ng problema?"

Napatda rin si Chances. Nagtatanong ang mga mata niya.

"Si Mr. Castillo. Wala na siya sa hospital. My men didn't know if he escaped or someone took him out."

Bumitaw si Chances nang sabihin 'yon ng detective. Hindi. Huli narin naman para magalit sa mga tauhan ni Anthony kaya pinatay ko nalang ang tawag.

"Babe, we'll find him."

"Zacc? Paano kung..." Umiling siya dahil di niya mabanggit ang salitang gusto niyang lumabas sa bibig niya. I know what she exactly wanted to say.

"Hindi. Chan, hindi mangyayari kay Nero 'yon." I immediately interefered her thoughts.

"Kapag may nangyaring masama sa kanya, kay Sephy at sa anak niya, hindi ko mapapatawad ang sarili ko." Wika niya habang panay ang pagdaloy ng luha sa mga mata niya. "Hindi sila dapat nadadamay e. Zacc? Ano'ng buhay meron ako noon? Ba't may gustong pumatay sa'kin?"

Ano'ng buhay meron ka? Chances, isang tahimik na buhay. Tahimik na gumulo lang nang dumating ako.

"Chan? Okay ka lang? Chan!?" Nagpanic ako nang mapahawak siya sa ulo niya at umungol na para bang may masakit sa kanya. "Babe? Hey, babe. Babe? Look at me. Babe, look at me." Nakahawak ako sa magkabilang balikat niya. I am clearly panicking. "What is wrong?"

Tumitig siya sa'kin. May butil ng luha na namumuo sa mga mata niya.

"Babe-"

"Zacc? Zacc. Naaalala ko na." Umiiyak niyang sambit. "Si lola. Si Lola Carmella, naalala ko na."

"Oo. Oo, mahal ko. Si lola. Gusto mo dalawin natin?" Wala sa sariling naisagot ko dahil sa narinig mula sa kanya. She's slowly remembering things and that just made me really happy within.

Umiling si Chances bilang tugon sa'king tanong. Humawak siya ng mahigpit sa braso ko kaya kinabahan ako ng wala sa oras.

"Yong sunog sa condo." Utal niyang nagpalakas pang lalo sa kabog ng puso ko. "Zacc, hindi si lola ang dahilan. Hindi siya. May nakita ako. Anino ng isang taong feeling ko kilala ko. Hindi ko lang maalala sa ngayon."

"Chan." Hindi makapaniwalang bigkas ko habang niyayakap siya. Oh goodness. Matagal ng may nagbabanta sa buhay niya na hindi lang namin napansin. "I'm sorry. I should have known, right?" I said apologetically as guilt ate me up.

"Naaalala mo ba? Wala akong malay nang pumasok ka sa nasusunog na condo? That man I saw tried to... He covered my mouth with something. Iyan lang 'yong naaalala ko." Patuloy niyang salaysay. "Pakiramdam ko, inutusan ang lalaking 'yon para patayin ako."

It's making sense! Hindi pala dahil natutulog si Chances kaya hindi siya agad nakalabas no'n sa sunog. Someone clearly wanted her dead. Heavens. I should have known about this. Nakaramdam ako ng galit sa sarili ko dahil hindi ko man lang naisip 'yon noon.  

"I'm sorry, babe." Naisatinig ko nalang matapos ang ilang segundo ng malalim na pag-iisip. Niyakap ko siya ng mahigpit at paulit-ulit na hinagkan sa noo. "Babe, nandito na ako. Hinding-hindi na mauulit pa 'yon. Pangako ko, poproteksiyonan kita."

Tumango siya. It lightened me up a bit, knowing that she trusts me.

"Zacc, kapag naging magulo ang lahat. Kung ang solusyon ng lahat ng 'to ay mawala ako-"

"Shh! No! Hindi ka mawawala ulit sa'kin!" Naiiyak na tugon ko. Hinawakan ko siya ng mahigpiti, 'yong tipong hindi siya makakawala kahit pa bumitaw siya.

"Makinig ka. Babe, makinig ka. Kung kailangan kong mawala para sa ikakatahimik ng buhay mo, para sa kaligtasan ng mga anak natin-"

"Chan, 'wag. Wag kang magsalita ng ganyan." Putol ko kaagad sa kanya. "Hindi mo alam kung gaano kahirap huminga matapos kong gumising at malamang wala ka na. Makakaya mo ba Chan na saktan ako ng gano'n? Ulit?"

"Promise me, you'll do it for our kids."

"Chances. Please don't do this to me. They will not take you again from me! Kahit hanggang kamatayan Chances, ipaglalaban kita. Kasi kung mawawala ka ulit, pipiliin kong 'wag nalang din mabuhay."

Maingat na pinunasan niya ang luhang namutawi sa mga mata ko.

"Ang gwapo kong asawa." Sambit niya habang hinahaplos ang pisngi ko. Nagpakawala rin siya ng ngiti. It somehow kept my heart from beating. "Sana worth it lahat sa huli."

"It will be worth it. Just promise to stay with me, Chan. Promise me."

Hindi siya sumagot. Niyakap niya lang ako.

"Mahal na mahal kita, Zacc. Kahit kailan, hindi ko nakalimutan 'yon."

Author's Corner:
🎶🎶🎶🎶🎶

I am listening to Lukas Graham's Love Someone while writing this chapter and definitel the rest as well. Anyways, we are a few chapters away from the ending. Soon, we will know who is behind Chancess' death. Except that it's obviously meeeee. Duh. 🙄

Magcomment ka! Hahahahahahaha. Demanding.

Chasing Chances [TSC Book 2]°KathNiel° ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now