Sinamaan ko siya ng tingin. Kaibigan ko ba talaga 'to?

Ginulo niya ang buhok ko. "Tara na. Napaiyak na rin tuloy ako sa'yo. Magsasaya tayo sa mall para mawala 'yang lungkot mo." sambit niya saka pinaandar ang sasakyan.

Nang makarating kami ay ipinark niya na muna ang kotse niya.

"Let's go! Yeeey!" Sigaw agad ng gagang 'to pagkababa.

Napailing na lang ako at sumunod na rin sa kaniya.

"Teka nga. Ano bang bibilhin mo ha? At bakit kasama pa 'ko?" Mataray kong saad.

Kasi naman, inabala niya pa talaga ako. Patay 'to sa'kin pag hindi naman importante ang bibilhin niya.

"Ano ka ba. Bibili ako ng bag." Abala siya sa pagtingin-tingin sa mga stores.

Napanganga ako. "Talaga? 'Yon lang?" Napatingin sa'kin 'yong nakasalubong kong magbabarkada.

"Hey! Huwag ka ngang sumigaw!"

Inirapan ko siya. Paanong hindi ako sisigaw? Punyeta!

"Psh. Okay! Wala lang kasi talaga akong kasama! And besides libre naman kita, anong problema mo? At ayaw mo ba? Makakahinga ka muna kahit saglit sa asawa mo?" Inirapan niya ako nang ngumisi ako. "Tanga mo talaga."

Nanlaki ang mga mata ko ngunit may point naman siya. Oo nga 'no? Sulit din naman 'to.

"Okay! Tara na! Nasaan na ba 'yang bag na 'yan!" hinila ko na agad siya.

Napasimangot siya ngunit nagpatianod na rin.

"Psh. Napakagaling talaga ni Erina!"

Naglakad na lang ulit kami. Kanina pa kami naglalakad pero hindi pa rin namin makita 'yong gusto niya.

"Ano na? Nakahanap ka na ba?" Naiinip kong saad.

"Psh! Maghintay ka puwede!" Inis na rin ang gagang 'to.

Natahimik ako bigla. Sorry naman.

"Psh! Hindi 'yan!" Kausap niya 'yonng babae rito.

"Eh, Ma'am, alin po ba?" Sagot naman noong girl.

"Kulay pink 'yon eh. I swear, dito ko siya nakita noon." Si Abby.

"Ma'am, ito lang po 'yong available eh." Ipinakita noong girl 'yong kulay pink na bag.

Hmm? Maganda naman ah. Ang arte talaga ng bruha na 'to!

"Sa tingin mo gusto ko 'yan?" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw niya.

Napayuko 'yong babae. Gosh! Ang baliw talaga ng gagang 'to.

Lumapit ako at hinawakan sa balikat si Abby.

"Ikalma mo 'yan." Natatawang ani ko. "Tinatakot mo si Ate eh." Nilingon ko 'yong babae at nakayuko pa rin siya.

Nalungkot ako bigla. Tinapik ko siya sa balikat kaya napaangat siya ng tingin. "Sige  po, Ate. Salamat na lang po. Pasensya na rin." mahinahon kong sambit.

Napatango siya at ngumiti sa'kin.

"S-Sige po, Ma'am. Pasensya na po talaga." tumango na lang din ako.

Natatakot siya umalis sa harap namin. Sinundan ko pa siya ng tingin saka bumaling sa bruhang 'to.

Binatukan ko siya. "Baliw ka talaga!"

"Psh! Ang kulit niya eh." Ngumuso siya.

Hinila ko na siya saka inakbayan. "Dapat kalma lang lagi. Nagtatrabaho siya rito 'no, hindi natin siya pasahod. Tara na nga, kain na muna tayo!" Aya ko.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now