Chapter 16: Perfume

Start from the beginning
                                    

"Nga pala, pwede bang doon mo na lang ako itutor sa bar ni Anne?" Napatigil ako sa paglalakad palabas ng magsalita siya. Hindi ako lumingon sa kanya sa halip ay napabuntong hininga na lang, pumikit muna ako sandali bago muling humakbang palabas.

Si Anne, ang dati niyang kaklase. Na ngayon ay successful na, halos nasa 50 branches na ang restaurant at bar niya sa buong Pilipinas. Hindi ko pa siya namemeet, pero I already knew her background. E kasi nakita ko name niya sa mga dating DJ ng RMF station.

"Kai, natanggap mo ba gift ko sayo?" Nagulat ako ng biglang lumitaw sa harap ko ang isang lalaki na may katangkaran, mistiso, mahilig sa polo shirt at isa sa mga DJ ng RMF station. Hindi ko na lang siya pinansin, sa halip ay dire diretso akong lumapit kina Venise at Caren na naghihintay sa may tabi ng table ko.

"Kai, hoy ano na naman yan? Galit ka ba sa akin?" Hinabol niya ako hanggang makarating sa may table ko.

"Pwede tigilan mo na ako?"

"Ha? Bakit? Teka may ginawa ba akong mali?"

"Basta!" Sigaw ko sa kanya.

.
.
.
.
.
.

"Kai, nakailang balik na si Racel kaninang umaga."

"Hayaan mo siya, huwag mo na lang pansinin. Sige aalis na ako."

"Teka, pinabibigay niya nga pala."
Isang paper bag na kulay pink ang iniabot sa akin ni Caren. Umalis na din agad ako ng tanggapin ang paper bag na iyon. Naiinis na ako sa lalaking iyon, sinabi ko na ngang tigilan na niya ako.

"Kai, huwag mong kakalimutan mamaya ha? 6:00pm onwards doon pa rin sa bar ni Anne." Hinarang ako ni Jane papasok ng elevator, nakangiti siya na akala mo ay nakakatuwa. Kahapon pa siya ganyan, ewan ko ba kung ano ang nakain ng babaeng ito.

"Oo na, mamaya na lang!" Sagot ko sa kanya ng maisara ang pinto ng elevator. Katatapos ko lang sa duty ko, nagtext ako kay Ms. Hikari na hindi ako makakapunta sa photoshoot ngayon. Gusto ko muna magpahinga kasama si Tita.

.
.
.
.

"Tita, totoo po ba ito?" Hindi ko makapaniwalang sambit habang nakatingin sa isang sasakyan na kulay gray na nasa harap ng bahay namin.

"Surprise haha, nagustuhan mo ba?"

"Opo naman, pero parang nakakahiya naman pong tanggapin."

"Sorry late ako sa pagkakabigay."

"Okay lang po, this is the best gift ever." Sabay yakap sa Tita ko na palaging nandiyan sa tabi ko, unlike my Mom who is always busy at her business.

"Gusto mo bang itry?"

"Sure Tita." Agad akong sumakay sa kotseng nasa harapan ko, I started the engine and begin to drive slowly. Hanggang sa makarating ako sa kanto, nagpalinga linga muna ako bago lumiko sa kanang bahagi ng lugar namin para makaikot pabalik ng bahay.

"Thank you talaga Tita." Pagkababa ng kotse ay muli kong niyakap ang maganda at mabait kong Tita.

Maghapon kaming nagbonding ng Tita ko, shopping dito, shopping doon, kain dito, kain doon. Hahaha ang sarap lang sa feeling dahil wala ang magaling kong kaibigan na si Ela, busy sa bago niyang trabaho.

Pero bago kami umuwi ay dumaan muna kami sa isang shop kung saan bumibili ako ng perfume.
.
.
.
.

Ela's POV

"Ela huwag kang magtago, alam ko naman na papatawarin ka ng ex mo. Remember hinanap ka niya after mong umalis ng bansa." Nakakunot pa rin ang noo ko habang naghahalo ng chocolate shake na inorder ko.

"Lexa hindi naman iyon ang pinupunto ko, pero hindi ko pa kayang humarap sa kanya lalo pa at siya pala ang makakasama ko sa new project ko here in Philippines.

" Nasabi mo na ba sa best friend mo?"

"Isa din iyon, Lexa kilala mo si Kai at katrabaho niya ang ex ko." Mas lalo lang nasakit ang ulo ko sa pinaggagawa ng make up artist kong si Lexa.

"Bakit ko pa kasi tinanggap ang project na iyon?"

"Kasi si Ela na maganda ay professional, hindi siya tumatanggi sa mga project lalo na kapag malaki ang offer. Tama ba?"

"Pwede ba Lexa, imbes na makatulong ka sa kalagayan ko mas lalo mo lang pinapalala."

"Ito naman di na mabiro. Kaya mo yan, nandito lang ako hahaha. Basta yung promise mo sa akin, tutuparin mo pa 'yon."

"Oo na, basta hanggang doon lang ang gagawin ko?"

"Sure." Napasnob na lang ako sa nakangiting si Lexa na akala mo naman ay magugustuhan ng crush niya.

Bakit ko ba kasi siya nakita kanina sa mall?
Hayy sabi na nga ba at mali ang plano naming pumunta sa mall ng ganoong oras.

.
.
.
.
.
.

Trisha's POV

"Nagustuhan mo ba?"

"Oo naman, ikaw pa. Basta galing sayo." Napangiti na lang ako habang naglalakad  kasabay ang lalaking matagal ko ng hindi nakita sa loob ng mahabang taon, pero ngayon nandito na siya sa tabi ko at masayang nagcecelebrate ng aming 4th anniversary, nakahawak ako sa kamay niya ng marating namin ang isang shop na kanina pa namin hinahanap. Nga pala day off ako ngayon kaya kasama ko ang boyfriend ko.

"Miss Vanilla Lace nga po." Isang bote ng perfume ang iniabot sa akin ng sales lady na nakatayo.

"May pagbibigyan ka?" Tanong sa akin ng kasama ko.

"Yes, birthday niya ngayong araw. Wala kasi akong maibigay na regalo, kaya ito na lang. Favorite niya kasi ito."

"Ano ba ang scent niyan?" Nag spray ako ng kaunti sa braso ko at kinuskos sabay itinapat sa ilong niya upang kanyang maamoy ang scent. Napakunot ang noo niya ng maamoy ang perfume na iyon.

"Pangit ba ang amoy?"

"Ah hindi, may may naalala lang ako. Sigurado akong maswerte ang pagbibigyan mo niyan."

"Maswerte? Bakit naman?"

"Kasi, kasi galing sayo." Nawala ang mata niya ng ngumiti siya dahil sa sinabi niya. Kumuha na ako ng isang bote ng perfume at nagbayad sa cashier. Lalabas na sana kami ng shop ng tumigil si Lian sa paglalakad.

"Bakit?"

"Pwede ba tayong bumalik? May bibilhin pa pala ako." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Kanina pa kami paikot ikot sa shop na ito, then kung kailan aalis na kami tsaka naman siya hihirit ng pagbili.

.
.
.
.
.

Kai's POV

Isang hindi karapat dapat na tao ang nakita ko sa loob ng shop matapos kaming bumili ni Tita ng perfume ko. Napalunok na lang ako ng makita siya at biglang bumalik sa shop, hindi ko alam kung sino ang kasama niya dahil nakatalikod siya palabas ng shop.

Ano naman ang ginagawa niya dito? Kailan pa siya pumunta sa lugar na ito? Ang lakas naman ng loob niyang pumunta dito sa Pilipinas, tapos makikita ko pa na may kasamang babae. Teka sino ba ang babaeng iyon? Bakit kasi nakatalikod siya? Manloloko, magsama kayo.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now