CHAPTER 38 ** LOVE VS. LIES **

Start from the beginning
                                    

" Is it because of her? Tell me Harley, do you still have that feelings for her? " Napahawak ako sa sentido ko dahil sumakit bigla ang ulo ko sa mga pinagsasabi ni Celine. Kinalma ko ang sarili ko at pilit na nag concentrate sa trabaho ko.

" Silence means yes! What the fuck Harley?! All this time siya parin pala ang mahal mo. Anu bang meron sa haliparot na yun at hindi mo siya makalimutan? " Sigaw ni Celine sa akin. Nagpanting naman ang tenga ko sa pag tawag niyang "haliparot" kay Joshane. At doon na ako hindi nakapag timpi!

" Will you shut up? " Bulyaw ko sa kanya na ikinagulat naman niya. Punong puno na ako sa mga insecurities at tantrums niya.

" I hate you Harley! Pag may nangyaring masama sa baby natin kasalanan ito ni Joshane. Simula nung bumalik siya naging cold kana sa akin. " Hysterical na si Celine at hindi ko alam kung paano siya pakalmahin. Ayoko naman na may mangyaring masama sa baby namin dahil lang sa pagiging selfish ko. Mas vulnerable ngayon si Celine at mas lalo niya akong kailangan lalo na at this moment na buntis siya. Nahahati ang puso ko sa babaeng mahal ko at sa babaeng nagdadalantao sa magiging anak ko.

" Please calm down! Makakasama sa baby kapag na stressed ka. I'm sorry, i didn't mean to hurt your feelings. " Pero mas lalo lang siyang nagsisigaw at nagalit sa akin.

" Concerned ka lang sa anak natin pero sa akin hindi. You're so cruel Harley. Why can't you just love me and forget about Joshane? "  Humagulhol na si Celine na nakasalampak sa floor. Awang-awa naman ako sa kanya pero hindi ko alam kung anung gagawin ko. Mahal ko si Joshane at ayokong masaktan siya pero ayoko namang masaktan ang mag-ina ko. (Nakakainis na kelangan kong isulat itong line na'to. Sorry!)

" I'll promise i will avoid Joshane at all cost. Sa inyong dalawa nalang ako mag fo-focus, so please calm down! Ayokong may masamang mangyari sa inyong dalawa ng baby natin. " I kissed her on her forehead and brushed her back, back and fort. She smiled at me and wiped off her tears.

" Promise mo yan ha? I love you Harley! " Hindi ako nakasagot sa sinabi niyang " I love you" parang hindi ko pa kayang sabihin yun sa kanya plus hindi ko pa nararamdaman na mahal ko siya. Naaawa lang talaga ako sa kanya at siguro kapag nakasal na kami i will anyhow learn to love her along the way.

CELINE'S POV

Bakit kailangan pang bumalik ni Joshane at guluhin ang tahimik na buhay namin ni Harley? Bakit hindi nalang siya manahimik sa pinanggalingan niya at hayaan nalang kaming maging masaya ni Harley. Nakakainis dahil up to now apektado parin si Harley ng presence ni Joshane. I can sense na may feelings pa si Harley kay Joshane pero hindi ko hahayaan na bumalik si Harley kay Joshane. Gagawin ko ang lahat na mapanatili lang sa tabi ko si Harley kahit na nagkukunwari lang akong buntis.

Hindi ako buntis, nagpapanggap lang akong buntis para hindi ako iiwan ni Harley. In two months time, ikakasal na kaming dalawa at hinding-hindi na siya maaagaw ni Joshane sa akin kahit kailan.

Nandito ako ngayon sa mall at makikipag kita ako kay Joshane. Gusto ko lang siyang balaan na iwasan niya si Harley dahil pag aari ko na siya ngayon at ayoko na shinishare ang para sa akin. Nakita ko na siyang pumasok sa loob at hinahanap ako. Sakto namang tumingin siya sa gawi ko at lumakad na palapit sa akin.

" Anung kailangan mo? Bakit mo pa ako pinapunta dito? " Deretso niyang tanong sa akin. Sinenyasan ko siyang umupo baka kasi isipin niyang napaka rude ko at walang manners.

" Sit down please! What do you want to eat? " Tanong ko sa kanya na ikinataas naman ng kilay niya.

" I'm not here to make friends with you. So don't bother to order some food for me coz i'm not staying long. Just tell me what do you want from me?! " Tinitigan niya ako sa mata at hindi naman ako nagpatalo sa kanya.

" Okay! Gusto mo ng straight to the point? Sige! I want you to STAY AWAY to Harley. Ayoko na makikita kang lumalapit sa kanya dahil ikakasal na kami in two months time. "Straight to the point na sabi ko sa kanya. Nag smirk lang siya sa akin at tinaasan niya ako ng kilay niya.

" And who are you to tell me what to do or not? Are you threatened with my presence? " Nag smirk parin siya na ikinainis ko naman.

" Threatened? Are you kidding me? Ofcourse not, why should i? Nasa akin naman si Harley plus magkakaanak na kami soon. " Ako naman ang ngumiti sakanya at ikinagulat niya ang huling sinabi ko.

" Surprised surprised! Nagulat ba kita sa sinabi ko? " Tumayo na siya para umalis na. Pero bago siya umalis may sinabi siya sa akun na ikinainis ko.

" Hindi na ako nagtataka kung sakaling buntis ka nga. Gagawin mo ang lahat makuha lang ang taong gusto mo kahit may masasaktan kang tao. Ang tanong, buntis ka nga ba or baka napapanggap ka lang? Kilala na kita from head to toe! " Tinalikuran na niya ako at umalis na siya samantalang naiwan akong nakatulala sa loob ng restaurant. Grrrr. Bwiset kang Joshane ka, mamatay ka sa inggit dahil na sa akin na si Harley.

***

Pumunta kami ni Harley sa club republiq dahil may gimik ang Gforce and since Fiance na ako ni Harley lagi na akong sumasama sa kanya pag may mga gimik sila. Pag dating namin sa bar hinanap namin kung nasaan sila nakapwesto para lang magulat na nandun din pala si Joshane at ang mga ka grupo nito kasama ang mga Gforce.

Kumapit ako sa braso ni Harley habang papalapit kami sa table nila. Nagtatawanan pa sila habang may pinag uusapan. Hindi naman nila kami napansin dahil busy sila sa pag tawa. Napalingon naman si Tristan sa gawi namin at saka kami tinawag dahilan para mapatingin silang lahat sa amin. Tama yan, dapat center of attraction ako hindi kay Joshane.

" Dude! Buti at nandito na kayo, kanina pa kaming naghihintay sa inyo. " Nakipag bro-fist si Tristan kay Harley. Dumako naman ang tingin ko kay Joshane at sa katabi niyang babae. Teka, si Jomania ba yan? Yung sikat na model sa Australia. Siya nga!

Lumapit ako sa kanya at nagpakilala at sa sobrang tuwa ko hindi ko na pinansin ang mga tao sa paligid ko.

" Jomania right? I'm Celine, i'm a fan of yours. " Yayakapin ko na sana siya ngunit umiwas siya sa akin at napahiya naman ako sa ginawa niya. Nag smirked naman si Joshane sa ginawa ni Jomania sa akin.

" Oh? Really? Well, thank you for being my fan but tell you what? I don't get close to someone i just met! Plus, i heared a lot about you from my cousin Joshane! " Taas kilay niyang sabi sa akin. Napahiya naman ako sa sinabi niya. So, pinsan siya ni Joshane? Kaya pala ang sama ng ugali!

" Please excuse my cousin's behavior. She's really like that when she doesn't like the person who approached her especially to a total stranger. " Napaismid ako sa sinabi ni Joshane. Para niyang sinasabi na hindi ako gusto ni Jomania. Well, its obvious naman kasi na ayaw niya sa akin. The hell i care! Wala namang mawawala sa akin kung hindi niya ako gusto. The feeling is mutual by the way!

" Sorry guys, but we need to go! My pictorials pa si Jomania tomorrow and she doesn't want to look wasted during her pictorials. " Tumayo na silang lima at nagpaalam na sa mga Gforce. Sinulyapan ako ni Joshane pero blangko ang expression ng mukha niya. Tinaasan naman ako ng kilay ni Jomania na hindi naman nakalampas sa paningin ko. Hindi ko nalang siya pinansin dahil ayokong masira ang gabi ko dahil lang sa letcheng Jomania na'yan.

Mr. Heartthrob meet Ms. ScholarWhere stories live. Discover now