My daily vlog

3 0 0
                                        

Hello yeorubun welcome back to my YouTube Channel!! this is Sana Minatozaki, Ngayong araw ay pupunta ako sa lilipatan kong dorm. Dahil lilipat nako ng school which is surprise ko muna sainyoo, hehehe. Ako ay babalik mamaya kapag nakarating na ako byeeee~ *aegyoooooooo*

Tinakpan ko na ang aking camera, at nag handa ng aking mga dadalhin sa bagong lilipatan na dorm. Sobrang na eexcite na ako dahil highschool pa lang ako ay pangarap ko ng makapag aral sa isang university.

Habang nasa biyahe ay nilabas ang aking laptop para mag edit, sa traffic ba naman sa edsa, quiapo, at espanya? paniguradong aabutin ako ng siyam-siyam. Habang nag eedit ako nakatanggap ako ng text mula sa GC ng mga kaibigan ko.

Momo,nginamo: Sanaaaaaa!
Sana,lahat: yesss?
Momo,nginamo: hmm sino dormmate mo?
Sana,lahat: di ko pa alam eh.
Momo,nginamo: See you there!
Sana,lahat: wait!!!! ikaw dormmate ko?
Momo,nginamo: Tsk tagal mo andito nako!
Sana,lahat: woaaaaah! yas. sorry traffic eh pero pa espanya nako :)

Kinuha ko ang camera ko at pinindot ang record

Hi yeorubun, so ayon na stuck ako sa traffic. Mga tatlong oras nadin, btw. ang bagong dorm ko ay located sa espanya *aegyoo* hulaan niyo hahaha and guess what guys, may dormmate ako which is my bestfriend Momo Hirai hahaha di ko alam pero kasi sinurprise lang den kami ng parents namin mag kakaibigan, buti nga eh lahat kami nakapasa sa entrance exam ng bago naming school which is paguusapan naten later pag dating ko sa dorm kaya see you there!

pinatay ko na uli ang camera, yes ganun ako bawat bagong ganap nakakwento na agad ako sa aking vlog. Well passion ko talaga siya :)))))

After 30 minutes ay nakarating na ako sa harap ng aking dorm, na mayroong ikalimang palapag. Nag dali dali nakong umakyat upang makita na ang kanina ko pang kaibigan na nag iintay sakin. Mukhang magiging masaya ang aking bagong school year, bagong life, dahil first time ko ang lahat na ito.
Umakyat na ako sa palapag ng dorm ko
                       4th floor, room 119

Momo: Sanaaaaaaa
sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni momo
Sana: Momooooo!
Momo: kamusta kana antagal kitang di nakita!
Sana: eto busy sa vlogs. eh yung iba?
Momo: magkakatabi lang tayo ng dorm, kaso baka bukas pa sila lumipat
Sana: sobrang excited nako pumasok, di ko ba alam hahahaha
Momo: ang sabihin mo excited kalang makakita ng pogi!
Sana: ano kaba hahahahaha dream ko lang talaga makapasok sa university
Momo: sus nako pag nakita mo mga schoolmates and classmates naten ishhh hahahahahaha
Sana: ano kaba, o siya mag vlvlog muna akoooo

kinuha ko ang camera ko at pinindot ang record

Hi guys andito na ako sa aking dorm! Malapit sa aking new school which issssssss. UST!!! hahaha matagal ko na talagang gustong lumipat dito, kaya ayon pinayagan nadin ako ng parents ko dahil lilipat nadin yung friends ko. Grade 11 this school year yaaay haha. So kasama ko pala dito si Momo ang aking dormmate! Anddd lets have a mini room tour.

Nag gawa ako ng montage sa aming semi mini dorm room, at after non nag paalam nadin ako sa aking vlog dahil masyado ng magiging late at kailangan ko pang mag handa para sa first day namen bukas. Ginawa ko na ang night routines ko at inayos na ang kwarto ko, nakakain nadin kami ni Momo at nag skin care nadin. Hinanda ko na din ang aking bag at mga dadalhin bukas. In short all set na para bukas, humiga na ako sa aking kama at hinihintay nalang na mapost ang aking vlog at pagkatapos at handa ng matulog. Sobrang kabado ako dahil nasa mas malawak na paaralan na ako ngayon, ano ano kaya ang magiging ganap ko? ano kaya ang nakatakdang kaganapan sakin sa bago kong buhay? bagong mundo? haaaaaaay

🖤🖤🖤🖤🖤🖤🖤🖤🖤🖤🖤
hi guys!!! sana ay mas magustuhan niyo pa ang mga susunod, pasenya na at napaka boring ng aking simula pero wag kayo mag aalala dahil itatry kong mas pagandahin pa. sa susunod ay dadating na sa buhay ni Sana ang mag trtropa na bts. ano kaya ang mangyayaree?????
ready naba kayo?

Own ways of beauty Des histoires addictives. Découvrez maintenant