"Oo na. Diyan ka magaling eh. Sige na, bukas ah? Eight in the morning. Sunduin kita riyan."

Tumango na lamang ako kahit alam kong hindi niya makikita.

"Hoy! Bruha?!" Sigaw pa niya.

Punyemas naman. Ang sakit sa tainga.

"Oo nga. Gaga 'to. Sige na, bye!" huling sabi ko saka binaba ang tawag.

Gosh! Ang kulit-kulit. Nilagay ko na lang ulit 'yong phone ko sa table at humiga. Napagod ako roon ah. Kailangan ko muna ng pahinga.

Pipikit na sana ako nang may kumatok sa pinto.

Hala siya. Inaantok na ako eh. Mamaya na lang.

Pinikit ko na lang ulit ang mga mata ko. Ngunit hindi pa nagtatagal, mas lalong lumakas ang pagkatok.

Shutanginamers!

"Punyemas! Sandali!" Sigaw ko at pikit-matang nagtungo sa pinto.

"Ano?!" Nakapikit kong saad. Gosh! Pagod na pagod talaga ako ngayon.

Inantay kong magsalita ang taong nasa harap ko. Pero wala pa rin. Sinilip ko ito at laking gulat ko nang si Red ang bumungad sa akin. Nga naman, alangan naman kung sino? Kami lang namang dalawa ang tao rito 'no? Gosh! Bobo lang, Erina?

Tiningnan ko si Red at napansin kong nakatingin siya sa ibaba. Sinundan ko kung saan siya nakatingin at muntik na akong mapamura nang marealize kong sa katawan ko siya nakatingin.

Hala.

Naka maiksing short ako at nakasandong black. First time niya 'kong nakitang nakaganito. Siyempre, hindi naman ako nalabas ng ganito ang suot. Lagi kasi akong naka pajamas at tshirt.

Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at nakatingin pa rin siya sa katawan ko. Gosh! Nagulat ka ba? Ganda ko 'no?

May pumasok na namang
kapilyahan sa makitid kong utak.

"Tama na. Baka matunaw ako." Nakangising sambit ko.

Kitang-kita ko naman ang pagkagulat sa mukha niya. Hala siya.

Ipinilig niya ang kaniyang ulo at tumingin sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. Kumunot naman ang noo niya. Hmm, guwapo.

"Bakit ganiyan ang suot mo?" Kunot-noong tanong nito at pinasadahan ako ng tingin.

"Gusto mo ba hubarin ko?" Nakangising balik-tanong ko.

Namilog ang mga mata niya sa gulat. Hala, magugulatin na pala 'to?

Pinasadahan niya pa muna ako ng tingin bago ipinilig ang ulo.

"Tss. Anyway. Let's go downstairs. Dinner's ready." Aya nito sa akin.

Ako naman ang gulat na napatingin sa kaniya. Sige mag-gulatan tayo!

Nakakagulat lang talaga! Pumunta ba talaga siya rito sa kuwarto ko para lang yayain akong kumain? Hala Gosh! Ang babaw ng kaligayahan ko 'no?

Nakagat ko ang labi. "Sige hehe."

Umiwas naman siya ng tingin at nauna nang bumaba.

Sinarado ko muna ang pinto ng kuwarto ko saka bumaba na rin sa hagdan. Hindi na ako nagpalit ng damit. Nakita niya na namang nakaganito ako eh. Saka hindi 'yan maakit sa akin 'no? Sexy at hot ang gusto niya, e ako? D'yosa lang.

Nang pagbaba ko, naabutan ko siyang nakaupo na. Hindi pa siya nagsisimula sa pagkain. Bakit kaya?

Tumikhim ako."Bakit hindi ka pa nakain?" Tanong ko habang papalapit sa kaniya.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now