I sighed. "Manong, asawa ko ho siya at hindi ho ako katulong doon."

Napatawa na naman siya. Mukha ba akong nagj-joke? Baliktad talaga ang utak ni manong eh. Noong nagjoke ako hindi na-gets! Then ngayon naman, akala niya joke!

"Mam, ayos lang ho 'yan! Libre naman hong mangarap!" Tatawa-tawang aniya.

Kutusan kaya kita diyan. Lalagyan ko ng bukol 'yang noo mo! Punyemas!

"Bahala ka nga diyan, manong! Ihatid mo na nga ho ako." Tumango naman siya at binilisan pa ang pagmamaneho.

Nang makarating kami, lumabas na agad ako. Kumuha ako ng pera sa wallet at inabot sa kaniya.

"Ang laki naman nito, Ma'am." Gulat niyang sinabi. Ngumiti naman ako sa kaniya 'yong kita rin ang gilagid!

"Manong, ayos lang ho 'yan." Nakangiting saad ko.

"Hala. Hindi ko ito matatanggap, masyado namang malaki." Nahihiyang sambit niya.

Sabagay 1000 'yon eh! Nakukyutan kasi ako kay Manong. Hehe.

"Manong, tanggapin niyo na ho 'yan."

Umiling naman siya at inabot na naman sa akin 'yong pera. Punyemas naman oh! Ang arte ni Manong ah.

Minsan lang ako maging mabait eh.

"Ah okay. Sure na kayo ah? Ayaw niyo? Sige, madali naman akong kausap" saka ko kinuha 'yong 1000 sa palad niya. Pinalitan ko ito ng 100 pesos.

Mukha naman siyang nanghinayang doon. Luh ikaw eh.

"Sandali, Ma'am. Binibiro lang kita." Nangingiting aniya.

"Uh-huh! Naa." Umiling-iling pa ako. "Nagbago na ho ang isip ko. Sige po, bye! Ingats!" Huling sambit ko at pumasok na sa gate.

Sinilip ko pa siya at kakamot-kamot na naman siya ng kanyang ulo habang nakatingin sa pera.

May kuto nga siguro si Manong.

Dahan-dahan akong pumasok sa pinto. Gosh! Anong oras na nga ba? Nawala sa isip ko dahil sa kadaldalan ni Manong.

"Where have you been?" Napatalon naman ako sa sobrang gulat nang may magsalita sa likod ko.

Napalingon ako roon at bumungad sa akin ang kunot-noong mukha ni Red na nakatayo malapit sa pintuan.

"Sa pinanggalingan?" Alanganing sagot ko.

Umirap siya at lumapit pa lalo sa akin.

"Where have you been?" Ulit niya sa tanong ngunit mas mariin na. Gosh! Galit ba siya? Pero ang hot niya lang magalit hihi.

"Sa kaibigan ko." simpleng sagot ko at tumingin sa ibang direksyon. Titig na titig kasi siya sa akin. Ang lapit pa niya!

Tinulak ko siya ng kaunti at tumingin sa kaniya.

"Ang lapit mo masyado. Hindi ako makahinga." Sambit ko.

Napairap na naman ang buwisit na 'to!

"Alam mo ba kung anong oras na?" May diin pa rin ang pagkakasabi niya.

Nangunot ang noo ko. "Oo, alam ko. Bakit hindi mo ba alam? Gosh! May orasan diyan ah!" Tinuro ko pa 'yong wall clock.

Lalong tumalim 'yong tingin niya sa akin. Nagbibiro lang naman eh huhuness.

Lalo pa siyang lumapit sa akin. Problema ba nito? Lapit ng lapit eh. Napasandal na tuloy ako sa may pinto.

"Nakipagkita ka ba kay Luhan?" Seryosong tanong niya.

Nangunot ang noo ko sa tanong niya. Hala, bakit nadamay na naman si Luhan? Inaano ba siya noon?

"Hindi ah. Bakit naman?"

Pinagkatitigan niya naman ako. Sa paraan ng pagtingin niya sa akin parang inaalam niya talaga kung nagsasabi ba ako ng totoo eh. Gosh! Hindi naman ako sinungaling 'no?

"Are you sure?" Malumanay na aniya.

Napatango naman agad ako.

"Teka nga. Bakit mo ba kasi tinatanong ha?" Inilapit ko rin ang mukha ko sa kaniya.

Naaamoy ko na 'yong hininga niya. Punyemas ang bango. Sanaol.

"Nothing." Nangunot ang noo niya. "Huwag kang lalapit doon." Seryoso na naman siya

Naningkit ang mga mata ko. Heto na naman siya eh. Pinakikitaan niya na naman ako ng ganyan-ganyan niya! Hanggang aasa na naman tuloy ako. Sad girl.

Nilapit ko pa 'yong mukha ko sa kaniya. Napakunot ulit siya ng noo dahil sa ginawa ko.

"Teka nga. Ano naman sa 'yo kung lumapit ako kay Luhan?" Mahinang ani ko.

Kyah. Ang lapit na talaga namin. Kaunti na lang. Isang maling galaw lang mahahalikan ko na siya. Sana mamali ako ng galaw. Ay charot.

"Tss." Sininghalan niya lang ako at akma na sanang lalayo nang hawakan ko ang dalawang balikat niya para hindi makalayo sa akin.

Ano, gano'n-gano'n na lang? Iiwan mo na naman ako ng hindi nahahalikan? Char.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya dahil sa biglaang ginawa ko.

Inilapit ko pa lalo ang mukha ko. Tumama na 'yong ilong ko sa tungki ng ilong niya.

"Parang may naaamoy ako." bulong ko sa kaniya.

Ramdam ko ang paninigas niya. Bahagya pa siyang tumingala. Gusto kong matawa. 'Yan kasi, wag mo kasi akong simulan.

Nginisian ko siya at malumanay na tinitigan ang labi niya. Kitang-kita ko naman ang paglunok niya.

Hala siya bhie.

Dahan-dahan kong inilapit pa lalo ang labi ko. Muntik na akong matawa nang makitang slowmo talaga ang ginawang pagpikit ng mga mata niya. Hinihintay ang sunod kong gagawin.

Ang sarap niya halikan kung may nararamdaman na siya.

"Naamoy kung nagseselos ka." Mapang-akit kong sambit at lumayo na sa kaniya.

Natatawa ko siyang pinagmasdan. Nakapikit pa rin kasi siya. Oh my gosh, Red. Nakakahiya ah?

"Hoy. Ayos ka lang?" Tinapik ko pa siya sa kaniyang balikat.

Natauhan siya dahil doon at agad na sinamaan ako ng tingin.

"Oh ano 'yan? Akala mo hahalikan kita 'no?" Pang-aasar ko.

Namula agad ang tainga niya at umiwas ng tingin. Hay. Ang cute-cute mo talaga! Sarap laplapin. Ay charot.

Ngumisi ako. "Ikaw ah! may papikit-pikit ka pang nalalaman." Panay tawa pa rin ako. Nakakatawa e, bakit ba?

"Tss. You're insane." Inis niyang sambit.

Nginisian ko pa siya bago naglakad paakyat ngunit bago ko siya malagpasan, tumigil muna ako at hinawakan siya sa balikat.

"Hayaan mo." I smiled at him. "If you are already inlove with me? Then I will kiss you, passionately." I licked my lower lip and winked at him.

Bahagya ko pang pinagpagan ang balikat niya bago tumalikod at nagpatuloy sa pag-akyat.

Nilingon ko pa siya at natawa na lamang ako nang makita siyang nakatulala at hindi pa rin gumagalaw.

Gulat bhie?

Ang laking pagpipigil ang ginawa ko roon ah? Huhuness. Chance ko na 'yon eh. Pero next time na lang.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now