Hour 107

13 2 0
                                    

Hour 107

Jan 8|13:00
Astrea Jane

ARALING PANLIPUNAN. Nagbubura ng whiteboard si Sir Nuñez habang sumesermon ng, "Nasaan ang mga naka-assign sa whiteboard? Isumbong ko talaga 'to kay Mrs. Obusan, makita niyo." nang may pasimpleng pumapasok ng classroom.

Pinanood namin siyang magtago kay Sir papasok ngunit sumigaw na si Rochelle ng, "WOOOH! GO, TRINA!"

Nagtawanan ang lahat at nakikantyaw. Maging si Trina natawa. Lumakad na ito nang maayos at sinaklay na sa balikat ang backpack.

Balik ulit ako kay Sir at pinagmasdanang gwapo niyang mukha. Gwapo si Sir. Sobra. Kahit na siguro malapit na 'tong magthirty ay papable pa naman si Sir. Magaling din siyang magturo. Pati pabibohan ni Rochelle ay napapatahimik niya. Walang nakakapag-ingay sa klase nito maging ang kumain kapag siya na ang nasa unahan. Maganda ang pangangatawan ni Sir. Hindi siya ma-muscle pero hindi naman mataba. Matangkad si Sir na siyang mas nagpapa-papable sa kanya. Idagdag niyo pa ang maganda niyang kamay. Cassava cake!

Ano kayang epekto ng pakikipaghiwalay sa akin kanina ni Augustus sa kanya? Lumingon ako kay Augustus. Na, omg, nakatingin pala sa akin kaya napabalik agad ako ng tingin sa unahan.

Ehe, puso, kalma.

"Oh, settle down na! Trina, upo na. Late ka na nga." Tinawanan lang ni Trina si Sir Nuñez. Nanahimik na kami. Iba pa naman 'to pagnagalit.

"Put out your reseaches, magagroup activity tayo. Go to your groups! Dating lugar."

Papasabi pa lang kami ng, "Wala ka mang sinabi, Sir!" Naunahan na niya kami ng, "Oh? Nagsabi ako sa inyo noong friday. 'Research about Typhoon Jelaika' 'Yan ang eksaktong sinabi ko sa inyo."

"Haaaaa? Wala man, Sir!" Hirit pa namin.

Nagpamewang na si Sir at, omg lang talaga! Kung anong ikinagwapo niya ay ang siyang ikinabakla niya. "No, no, no, no! Nagsabi ako. Nagsabi pa ako sa gc ninyo ilang ulit na."

"Bukas talaga, Sir!"

"Oo, bukas nalang, Sir!"

Pumitik-pitik ang kamay niya habang kumikembot-kembot. May ngisi sa mga labi niyang sinabi, "Oh, sigeeee. I think ize-zero ko nalang kayo since ayaw niyo naman maggroup activity."

Hindi pa natatapos ang sasabihin ni Sir nang nagsitayuan na ang mga kaklase namin. "Meron, Sir, meron!"

"Tirindog na kamo! May group activity daa kita!" (Tumayo na kayo! May group activity daw tayo!)

"Digdi ang Group 3!"(Dito ang Group 3!)

"Hoooy, group 4 dyan!"

Hindi pa ako tumatayo at tinitingnan ang bawat mukha ng bawat kaklase ko. Tuwang-tuwa si Sir dahil napatayo niya ang mga tamad kong kaklase at effortless talaga siya. Saka lang ako tumayo nang tinulak-tulak na ni Jeria ang upuan ko.

"Digdi na ako matukaw. Duman na sa grupo mo." (Dito na ako uupo. Doon ka na sa kagrupo mo.) Aangal sana ako nang tawagin na ako ni Rochelle, leader namin.

"Upo na, Jane." Ngiting-ngiti si Dani at ngiti palang alam kong nantitrip 'to. Tinapik-tapik niya 'yung bakaenteng upuan sa tabi niya at katabi nito ay isa pang bakante.

Anak ng Cassava Cake. Naupo si Augustus sa isa sa mga bakanteng upuan. Nag-angat ito ng tingin at kagaya ni Dani ay kaswal na tinapik-tapik din nito ang upuang katabi nito.

AAAAAAAAAAAA!!!

"Ano, Arcilla?" Pagtataray ni Sir. "Tukawi na tabi." (Maupo na tabi.)

Napilitan akong maupo sa tabi ni Augustus. Malapad ang ngiti ni Dani sabay, "Ayieee!" Ng mga kagrupo namin. Napatampal nalang ako ng noo.

Exactly Hour 120Where stories live. Discover now