Hour 108

9 2 0
                                    

Hour 108

Jan 8|12:00
Astrea Jane

NANG TUMUNOG ang school bell ay mas lalo ko pang prinessure si Tristan na hindi pa tapos magbura ng lapis sa one-half cartolina namin. Mindmap ang pinagawa sa amin ni Madam Rico at sinasabi ko sa inyo, mas marami pa ang calligraphy ni Tristan kaysa sa hinihinging sagot ni Madam.

"ANG BAGAL MO, TRISTAN! BILIS NA!" Sigaw kong muli. Nagkakanda-gusot-gusot na ang one half cartolina namin sa ginagawang pagbubura ni Tristan. Yinugyog ko nga ang arm ng armchair niya para mas lalong mainis.

"WALA KA NA NGANG TINULONG!" Sumbat niya habang nagbubura pa rin.

"WOOOOOOOY!!!" Sigawan ng buong klase. Doon ako walang nasagot. Eh 'di wow ka, Tristan.

"Guuuys!" Tawag ni Nilo na nasa labasan na ng pintuan. "Wala nang magpapasa?"

"NILO!!! HAWAK KO ANG PAMILYA MO, UMALAT KA!!!" (MAGHINTAY KA!!!) Grabe ang halakhak ko sa reaksyon ni Tristan. Hindi talaga ako maaawat kapag nagsimula nang humalakhak. Mamula-mula na ang kamay ko kakahampas sa arm ng armchair ko habang pinapanood ang pagdurusa ni Tristan.

Narinig ko ang pagmura niya ng mamali siya sa pagcalligraphy niya. "Jane! Correction tape!"

Kinalkal ko sa bag ang hinihingi niya at inabot sa kanya. "May tape ako rito, i-correct mo na lang."

At nabato niya sa akin ang tape.

Si Tristan 'yung taong kasabay ko sa lahat ng trip ko. Mas nauna ko siyang naging kaibigan kaysa kay Augustus pero hindi tipong kaibigan na napagsasabihan ko ng problema ko. Hanggang tawanan pa lang, gano'n. Ang gusto ko rito ay kahit na tama dang nakapalibot sa kanyang boys simula Grade 7 hanggang ngayon ay hindi siya sumasabay, konti lang. Perfectionist din. Kapag output, output talaga 'yan. Hindi pwedeng basta may maipasa lang. Siya ang larawan na paborito ni Sheila, 'yung lalaking laging nakasunod sa haircut length nila. Malinis tingnan ang gupit niya, lagi.

"Oh, ihabol mo na!" Napakurap ako ng iabot niya sa akin ang output namin. Inungol ko ang angal ko at sinabing, "Ika naaa!"

Kaysa makipagtalo sa akin ay tumayo na ito at agad na tinakbo papuntang faculty room ang output namin. Syempre, nang mararaan siya sa gilid ko ay pasimpleng pinatid ko siya na lagi ko nang ginagawa sa kanya.

"Kahit kailan ay 'di 'to mahuhulog sa 'yo!" Tinawanan ko lang ang muntik-muntikan niyang pagdapa. Sayang!

Abala ako sa pagpapakalma sa sarili dahil natatawa pa rin talaga ako at sa pag-aayos ng mga gamit na ginamit namin para sa mindmap.

"Jane, usap tayo." Paglingon ko sa nagsalita, napa-omg ako nang makita ko kung sino.

Si Augustus nasa gilid ko.

Hindi ako nakasagot agad. Ito na ba 'to? Tumitig ako sa itim na mata ni Augustus. Nangangapa ng sasabihin.

"Sige. Kailan?" Sagot ko na lang kay Augustus.

"Stairs. Tara." Paanyaya niya ngunit tinuro ko ang nagkakalatang gamit ni Tristan.

"Sandali lang. Ayusin ko muna 'to." Naupo siya sa arm ng armchair na inupuan ni Tristan kanina sa tabi ko sa kanan. Tahimik kong inaayos ang mga gamit. Tahimik din siyang naka-upo sa arm ng armchair.

Lumingon ako sa kanya at nakitang pinanonood niya lang pala ako kaya agad ko siyang pabirong tinulak.

"Huy!" Halatang nagulat din siya at muntikan na siyang matumba kasama ang upuan kaya natawa kami pareho.

"HAHAHAHA!" Halakhak ko. "Nyata seryusuhon ka?" (Bakit ang seryoso mo?)

Nakita ko ang munting pagngiti niya at ang mahina tawa niya. Akala ko ay may sasabihin siya pero nanahimik lang siya. Ang tahimik niya, sobra. Hindi lang naman ngayon, noon pa mang magkaibigan pa lang kami. Hindi naman siya cold o tipid sumagot, sadyang tahimik lang talaga siya na may sariling paraan ng pagbibiro. Medyo pacool kid din 'to dahil nakajacket pa. Akala ata aircon ang buong classroom.

Exactly Hour 120Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang