Tinulak ko siya ng bahagya para makadaan ako dahil nakaharang siya sa pintuan. Hindi naman ako tutol sa kanya, sadyang wag muna sa ngayon dahil kaibigan niya ang isa sa mga gustong manakit sa kapatid ko.

"Pire!!"

"What now, Chasey?"

Chasey is the reaper from the Island at hindi ko alam kung bakit siya isinama dito ni Death.

"Wala lang, ang sungit mo naman." hindi ko na siya pinansin dahil ganyan yan palagi, nangungulit ng mga wala namang kwentang bagay. "Tsaka nga pala Pire, i got some tiny information about kay Grover Elliot, so siya pala ay katulad ni Nigel na hindi tunay na anak ng mga Elliot but unlike Nigel, wala siyang connection sa kahit na ano mang naging reaper nila, pero ang nakakapagtaka doon ay walang nakalagay sa kung sa anong pamilya siya galing. Hindi siya konektado sa mga dating reaper ng Maiden ngunit napag alaman kong survivor siya sa naganap na unang assasination ng pamilya Maiden."

That made me stop, he's one of the survivor of the first assassination?

"Ilang taon na yang si Grover?"

Kasi sa pagkakaalam ko, walang ibang bata ang nasawi sa assassination na iyon kundi ang...

"About 19 to 20, bakit?"

Kuya ni Death.

So there is a posibility na si Grover ang kuya ni Death na inakala nilang patay na-si Drevor Maiden. Pero paano?

Tang*na, unti-unti ng lumalabas ang lahat.

♡♥♡

Tinatapik tapik ni Death ang mesa habang naghihintay kay Pire, may mahalaga kasi itong sasabihin sa kanya.

Lahat ay isang malaking pagkakamali. Mula sa naganap na unang assassination sa pamilya niya hanggang sa pagpaplanong paghihiganti ni Nigel.

"Death..."

Napatayo siya ng dumating si Pire, kaagad niya itong hinila at pina upo sa couch.

"Pire!! Everything was planned by those fvckers!! Nalaman ko na ang lahat..."

"Me too, may nalaman din ako, not so sure pero baka makatulong."

"Ako muna... The first assassination was planned by the other elite families that wanted the spot higher than what they have. The Elite family na nasa spot 5 down ang nagplano ng lahat kaya malakas ang pwersa nila ng mga panahong iyon. But they can't do it without any help of any member of our family or anyone na malapit samin."

"And that is?"

"My cousin, Moki Marien."

"Asan ba siya ngayon?"

"Pinatulog ko na at ikinulong, i can't kill any member of my family."

Hinawakan niya Pire ang balikat niya at tinitigan siya mata sa mata.

"Death, i have something to tell you.. Kasi, sa palagay ko...-"

Nahinto ang pag-uusap nila ng bumukas ang pinto at niluwa nito si Nigel.

"Nigel.. What are you doing here?"

Napansin ni Death ang paglibot ng mata ni Nigel sa kwarto bago siya pagtuunan nito ng pansin.

"Gusto ko sanang ayain ka lumabas, ililibre kita."

Naisip ni Death na baka may pinaplano nanaman si Nigel na masama... Siguro ito narin ang oras para matapos ang lahat ng ito. Matagal na ang isang buwan na palugit para sa kanya, pasensyahan sila dahil pamilya niya ang kinalaban ni Nigel.

"Sige.. Maiwan ka muna dito Pire, hintayin mo si kuya Moki.." pinanlakihan niya ng mata si Pire para makuha siya sa tingin.

Bumuntong hininga si Pire tsaka sinamaan ng tingin si Nigel.

"Ingatan mo yang kapatid ko, pag may nangyaring masama diyan, papatayin kita gamit lang ang mga kamay ko."

"Haha oo, tsaka magkapatid pala kayo sa Ama. Kwinento na sakin ni Rav ang lahat kaya naiintindihan ko na. Sige na, iingatan ko siya pangako!!"

Lumabas na sila ng eskwelahan at sa kasagsagan ng biyahe ay nagtulog-tulugan si Death dahilan para nagpakampante si Nigel, ang hindi niya alam, nilagyan ng tracker ni Death ang kotse niya at kasalukuyan ng nakasubaybay sa kanila ang buong Mafia nila.

Tumigil ang sasakyan sa isang abandonadong masion sa gitna ng kagubatan. Dahan-dahang binuhat ni Nigel si Death sa pag-aakalang mahimbing ang tulog nito, hinulugan ni Death ng maliit na time bomb ang bawat madadaanan nila. Maliit lamang ito pero kaya nilang sumira ng gusali.

Inilapag siya ni Nigel sa isang kama. Hindi siya nagmulat ng mata hanggat hindi pa nakakalabas si Nigel.

"Hindi sana ganito ang mangyayari sayo kung hindi ka lang isang Maiden. Pasensya na, pero kailangang magbayad ng pamilya mo sa ginawa nila sa mga magulang ko."

Naramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang noo bago siya iniwanan sa loob ng kwartong iyon na nag-iisa at nakagapos na.

So..... I conclude na na kidnapped ako... Hayyy tang*nang buhay to.

Mafia 1: Badass Heiress (Under Revision/Editing)Where stories live. Discover now