Chapter 46

34.8K 1.4K 226
                                    

Shuffle

♡♥♡

Lahat ay nagtatakang nakatingin sa pagbabago ng kanilang paaaralan, mapa struktura man o kagamitan. Nawala na ang nakaharang na gate sa pagitan ng dalawang building. Malaya ng nagkakakitaan ang mga elite at base.

"What the fvck is happening here?" natatakang tanong ni Chloe at napairap naman si Samantha.

"Sa tingin mo alam namin? E sabay-sabay tayong dumating dito." mataray niyang tugon.

"Tumigil nga kayo, isa lang ang makakasagot niyan." sabi ni Nigel at hinihintay ang paglabas ni Death.

Lahat ay nag-aabang sa kung ano ang mangyayari at nagtatanong kung ano ngaba ang nangyayari. They were too confused. Ang mga base class ay namangha sa itsura ng elite building na ngayon ay kitang kita na nila.

"Goodmorning stupidents!! Hahaha chaaar." rinig nila mula sa mga nakakabit na speakers sa buildings.

"Stupidents my ass." naiinis nanamang sambit ni Samantha. Naiinis parin kasi ito kay Death.

"Goodmorning. There will be a big changes in our school. Kung napansin niyo, nawala na ang harang na naghihiwalay sa base at elite class. And another thing is yung classrooms. Parehas na ang structure ng classroom ng nasa base class at elite class. We made it to treat you equally, hindi yung mas advance ang sa mga elites and the biggest change for our school is...."

Tahimik lang ang lahat para mapakinggan ang pabitin na announcement ni Death. Ayaw nilang may mapalagpas na kahit na isang salita.

"Reshuffle of classes!!!"

Huni ng hangin ang tanging maririnig ng sabihin niya ito. Para bang nabato ang lahat ng estudyante sa kanyang balita.

"What the fvck" mahinang turan ni Jamvi Gustav na nagpatawa kay Aidan. He already knows that Death's mind is unpredictable.

"So i already calculate everything. 15 per classrooms at, hindi na magkakasama ang mga elites sa iisang room lang. Your assigned room is now posted in the screen board ng Academy, hanapin niyo nalang ang pangalan niyo. Ang may kontra o angal, well dig your own grave because i don't give a fvck. Feel free to drop out. Mga g*go!"

*toot*toot*

Ang mga mag c-comment sana sa pagbabago ay naitikom bigla ang kanilang mga bibig dahil sa huling sinabi nito. Ayaw pa nilang mamatay ngunit ayaw rin naman nilang umalis sa paaralan, dahil ito ang natatanging paaralan na kapag dito ka nagtapos, automatic ang kinabukasan mo. Kahit mayayaman sila ay maaaring isang pitik lang ay pulutin sila sa kangkungan.

Lahat ay napunta sa big screen boards na nakalagay sa gitna ng eskwelahan.

Ang iba ay masaya dahil may tsansa silang maging kaklase ang mga S elite. Samantalang ang iba ay hindi sang ayon dito dahil may mga klaseng may mga hidwaan at kapag nagkataon, malaking ramble ang magaganap sa eskwelahan.

Samantala, sa isang bahagi ng paaralan, nakatingin si Death sa mga estudyanteng papunta na sa kani-kanilang mga rooms.

"Are you sure about this Death? Malaking gulo ang pwedeng mangyari sa loob ng classroom kapag pinagsama mo ang Upper, Middle elites at base  sa iisang lugar lang." nag aalalang turan ni Moki

Bilang tagapangalaga ng eskwelahan ay natatakot siya na baka bigla nalang magkaroon ng pagsabog dahil sa matinding away.

"I'm sure about this kuya Moki. And besides, kapag nagkagulo. Ako mismo ang papatay sa kanila."

Kinilabutan si Moki sa boses ni Death. Ibang iba ang Death na kaharap niya ngayon sa pinsan niyang isip bata noon, yung puro gulo ang hanap. Sa ngayon, isang future empress ang nakikita niya. Ang babaeng magpapatiklop sa sino mang naghahari harian.

⭐Ravaneal⭐

Every room was a mess. Halos kada minuto ay nagkakaroon ng away sa loob ng classroom. This changes is not that easy.

"Ano bang iniisip ni Death at ginawa niya ang nakakabaliw na shuffle nato?"

Sinamaan ko ng tingin si Samantha. She doesn't have the right to question my love's decision.

"She have a plan and no body knows what is it."

Tama si Grover, she has a plan. Haays, parang kailan lang nung inis na inis ako sa kanya, and now. I'm fvcking deeply inlove with her.

Ang pang-aasar niya ay nagbunga ng matinding pagmamahal ko sa kanya. Damn so corny but true.

Parang kailan lang nung una ko siyang makita, she's a badass that nobody can stop. Her playful smile,her damn smirk and her deadly glare when she's pissed.

Nakataas ang kilay ni Chloe na pumasok sa loob ng office namin. Pssh, kala mo naman kung sino.

"May nag-aaway nanaman sa isang room. What the fvck really is her plan? Gusto niya bang magpatayan silang lahat dito?"

Magsasalita sana ako ng may tumunog galing sa mga nakakabit na speaker. Hindi pa man natatapos ang araw, mukang marami na kaagad ang problema dahil sa pag shuffle ng mga klase.

But i don't give a fvck kung magpatayan sila. I trust her decision and she can fixed this right away.

"Get your ass out of your fvcking classroom and assemble on the field right NOW!!!"

Rinig ko ang mga yapak ng mga estudyanteng nagtatakbuhan papunta sa field. Alam kasi nila kung ano ang mangyayari sa kanila kapag sumuway sila, pero hindi pa nila nakikita ang tunay na galit ni Deathalé. She's more than you can imagine.

Lumabas kami sa office at naki linya sa iba pang mga estudyanteng nakatingin sa entablado at inaabangan siya.

"Umusog ka nga don tang*na"

Napalingon ako sa gilid ko at nakita ang dalawang mukang magpapang umpisa nanaman ng away. Isang middle elite at base.

"Tang*na mo din, g*go."

At doon na sila nagsapakan. Maging ang ilan sa kanilang mga kasamahan ay nagsisisapakan nadin habang kaming mga s-elites ay nakatayo lang sa gilid at ayaw mangialam sa away ng may away.

Sa kalagitnaan ng away ay isang tunog ng armalite ang bumalot sa field. Napahinto ang lahat sa pakikipagsapakan.

The person behind that sound is Deathalé, who's holding an armalite and a shotgun in her both hands.

"Gusto niyo talaga magpatayan? Then kill each other." malamig niyang turan sa lahat. Walang ni sino man ang nagsalita at gumalaw. "Ano na!!!? TANG*NA NIYO!! AKALA KO BA GUSTO NIYONG MAGPATAYAN!! MGA B*BO!! NGAYONG BINIBIGYAN KO KAYO NG PERMISO PARA PATAYIN ANG ISA'T ISA HINDI KAYO GAGALAW!!"

Binitawan niya ang armalite at itinutok sa amin ang shotgun na hawak niya.

"Magpapatayan kayo o ako ang papatay sa  inyong lahat para siguradong walang matira?"

A big balloon appeared up in the sky, nagulat kami ng bigla itong pumutok at naglabas ng mga pulang likido.

Blood.

"Wahhh dugo!!"

"Ahhhhhhh!!!"

"Shut the fvck up b*tches!! Ang aarte niyo!! Baka gusto niyong humalo ang dugo niyo sa mga yan!!"

That made us speechless. Ginagawa niya ang kung ano man ang sinasabi niya. She's playful but when it comes to this, she's serious.

"Ayusin niyo yang mga pag-uugali niyo. Isa pang mabalitaan ko na gulo, i won't give mercy and fvcking break your bones from head to toe para hindi na kayo makagalaw kahit kailan. GOT IT!!?"

Walang sino man ang sumagot kaya kinasa niya ang hawak niyang shotgun.

"SAGOT!!!"

"YES MA'AM!!'

Kahit na natalsikan ako ng dugo. Natawa ako sa pagtawag ng mga estudyante sa kanya ng ma'am. Hayyys, iba ka talaga mahal kong Victoria.

Mafia 1: Badass Heiress (Under Revision/Editing)Where stories live. Discover now