"Anyway." Pagsasalita ni Mom. I looked at her. "Baby, pasensya ka na ah? Hindi na kami makakapunta sa inyo ng asawa mo. Hindi na kasi makapaghintay 'yong Lola mo roon eh."

My forehead creased. "What do you mean?"

Ngumuso si Mom. "Pupunta kami ng Daddy mo sa Canada, ngayon." dagdag pa niya.

Nagtataka naman akong napatingin sa kanila. 'Yon lang ba ang pinunta nila rito? Tss. Bakit hindi na lang sa tawag?

"And?"

Nagtataka naman siyang tumingin sa akin.

"Anong and? Nagpapaalam kami, Drake!" Si Mom.

Napailing na lamang ako. Yeah right. She's really my mom.

"Alright, Mom. I thought it was really important. Tss." Medyo naiinis kong saad ngunit hindi ko ipinakita.

Nagmadali pa ako. 'Yon lang pala ang sasabihin nila. Great.

"Sinabi ko na 'yan sa Mommy mo but she insisted na personal siyang magpapaalam sa'yo." Mahinahon na sambit ni Dad.

Napanguso naman si Mom at agad na lumapit sa akin.

"Baby, gusto kasi kitang makita." Ngumuso pa siya at niyakap ako. "Pakabait dito ha? One week kami roon. Imagine that? Huhuhu I will miss you!" Aniya habang nakayakap pa rin sa akin.

Wala naman akong nagawa kundi ang yakapin siya pabalik. I really love my Mom, well.

"Yes, Mom. I'll be okay here. Enjoy yourselves." Malambing na bulong ko sa kaniya.

Kumalas naman siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ako sa balikat.

"Baby, huwag mong pababayaan ang asawa mo ha? Hmp! Lagot ka talaga sa akin!" Napatango na lamang ako.

Yeah right, Mom.

Tss. Botong-boto talaga sila sa babaeng 'yon. Ano bang pinakain noon at gustong- gusto siya ng parents ko. Sana ipakain niya na rin sa akin.

What the fuck?

Ipinilig ko ang ulo dahil sa naisip. Bumaling ako kay Mom nang humalik siya sa akin.

"Sige na. Alis na kami, baby."

Tinapik lang ako ni Dad sa balikat at sabay na silang lumabas ni Mom ng office.

Napahinga ako nang malalim. Hindi ko na muling binisita ang naisip ko kanina. Napatingin ako sa likod ko nang may tumikhim.

Narito pa nga pala si Luhan. Hindi ko na napansin eh.

"Dude." Tinapik niya pa ako sa balikat at agad umupo sa harapan ko.

"Ang cute talaga ni Tita." napapailing niyang saad.

Tumango na lamang ako at naglakad papunta sa aking table.

"Oh nga pala. May itatanong nga pala ako." sambit niya sa harapan ko.

Ang bilis naman nitong makarating dito! Tss. Tiningnan ko siya.

"What?" Kunot-noong tanong ko.

"Magkaibigan naman kayo ni Erin diba?" My forehead creased when I heard her name. What about it?

Hindi ako nagsalita. Nanatili akong nakatitig sa kaniya.

"Alam mo ba kung saan siya nakatira?" Interesadong tanong niya.

Halos hindi naman ako makapaniwala. Seriously?

Ngumuso siya nang mapansin ang titig ko. "What? Anong klaseng tingin 'yan? Nababakla ka na 'no?" Tumatawang aniya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Tss.
"Why are you asking?" I sighed.

Lumawak agad ang ngiti niya at inilapit ang upuan niya sa akin. Napairap ako

"I will go to her later." Nakangiting aniya.

I almost vomit. Nasamid pa ako. Hindi ko alam kung saan! Matalim ko siyang tiningnan. Nangunot ang noo niya.

Lakas ng tama ng tukmol na 'to sa babaeng 'yon. Tss. Akala mo naman ubod ng ganda!

"I don't know!" Inis kong saad.

"Really? Bakit magkasama kayo sa party? Naku ah! Pag nalaman 'yan ng misis mo, yare ka!" Pananakot niya pa. Idiot.

Kung alam lang niyang ang gusto niyang pormahan ay ang asawa ko.

"Sige na, Drake. Parang hindi naman kaibigan eh." Pangungulit pa nito.

"Hindi ko nga alam! Huwag ka ngang makulit!" Sigaw ko. Nanlaki ang mga mata niya.

"Bakit sumisigaw ka? Tinatanong ka lang naman."

"I'm not!"

"Ang KJ mo!"

"Bakit mo ba kasi kailangan pang puntahan 'yon?"

Tumingin naman siya sa akin at ngumisi.

"I will court her." Nakangiting aniya.

Napatayo ako. Tss.

"What?!"

Napatakip naman siya ng tainga. "Ano ba!Ang lapit-lapit ko sa'yo oh!" Naiinis niyang sambit.

Peste! Bakit niya naman liligawan 'yon? Dahan-dahan akong umupo.

Umayos din naman siya ng upo at tumingin sa akin.

"Sige na. Kahit ngayon lang dude. I really like her. Tulungan mo naman ako oh!" Nagpuppy eyes pa ang loko.

Napapikit naman ako sa inis. Alam ba ng lalaking 'to na asawa ko 'yong babaeng gusto niya? Of course hindi! Fuck it!

"Tss. Hindi puwede." mariin kong sambit at tumayo.

Tumayo rin naman siya. Tiningnan niya ako ng seryoso.

"Umamin ka nga sa akin. May gusto ka ba sa kaniya?" seryosong tanong niya.

Napairap naman ako. Tinatanong niya 'yon?

"Wala." Tipid kong sagot at lumabas ng pinto.

Peste! Bakit ba kasi kailangan pang ligawan? Dapat kasi hindi ko na isinama ang babaeng 'yon doon eh! Tss.

Subukan mo lang, Erin. Humanda ka sa akin, pag nalaman kong nagpaligaw ka!

Natigilan ako sa paglalakad.

Teka nga? Ano bang pakialam ko sa kanila? Tss. Magligawan pa sila diyan wala akong pakialam.

Wala akong pakialam. Huwag makulit.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now