KABANATA 2

2.1K 119 56
                                    

KABANATA 2

They were killed.

Nagpabalik-balik sa aking isipan ang katagang iyon. Wala sa plano ko ang mapili para sa magiging paupahan nito. Ni sa hinagap ay hindi sumagi sa isip ko na magkakadaop palad ko ang sinuman sa mga Hesus. At hinding hindi ako papayag na mahaluan ng mga walang kaluluwang Hesus ang dugo ko. I don't want to bear a child with a blue blooded demons!

"Magkakaroon kayo ng tig-iisang kwarto. Ang bawat kwarto ay mayroong sariling tagapangalaga na siyang magiging personal niyong tagabantay. Ang lahat ng anumang kailangan ninyo ay maaari niyong hingiin sa inyong sariling tagapangalaga."

Lihim akong napailing sa narinig. Paano ako makakapagsimula sa aking mga plano kung tila'y isa akong presong nakabinbin sa apat na sulok ng kwartong sinasabi nito.

Nagpakawala ako ng hininga. This is much harder than what I thought it is. Hindi pa naging sapat ang tracker na nakakabit sa aking paa't talagang meron pang sariling tagapangalaga. Kung sa karaniwang araw ay masisiyahan ako sa isiping magkakaroon ng sariling tagapangalaga. Magbububay prinsesa ako kung ganoon. Ngunit...hindi ito isang ordinaryong araw lamang. Bilang lang ang araw ng pananatili ko rito at wala akong balak na magtagal pa. Mas maganda kung maaga kong malalasap ang tagumpay sa pagbawi ng Alwana.

"Sa hapunan niyo lamang makakasama ang Emp sapagkat may mga mas importante itong trabahong inaasikaso."

Malamang ay ang mga maitim na negosyo ang inaatupag nito. The organization is known for that.

"We have one strict rule here..." tumigil siya sa paglalakad nang makarating kami sa tantya ko'y ang manor. Hinarap niya kami at tipid na ngumiti "...Never beg for the Emperors time...wait till he visits you." Pagkasabi niyon ay binuksan nito ang bakod na gawa sa kahoy.

Humantad sa paningin ko ang naggagandahang mga bulaklak. Hindi ko mapigilang mapangiti sa ganda nito. Tinalunton namin ang mga parihabang sementong siyang nilalakaran namin. The cold wind embrace me as my hands meet the petals of a long steamed white rose.

This manor is heaven. The kind of place I want to be with...ngunit kung gaano ito kaganda ay siya rin namang kadilim nang may'ari nito.

Nagpatuloy kami sa paglalakad papasok hanggang sa makarating sa isang silid. The room screams elegance in every corner. Naglalakihan ang mga aranyang nakasabit sa ibabaw. May mga gintong figurines sa paligid. Sa gitna ng silid ay may isang parihabang mesa na may limang silya.

Maraming pagkain ang nakahanda. Sa gilid ay naroon ang limang lalaking propesyonal na tagapagluto base sa unipormeng suot ng mga ito. Kapwa sila nakayuko na sinamahan pa ng anim na tagapagsilbi.

"Please take a seat ladies." saad ng headmaiden na siya rin naman naming sinunod.

Masasarap ang mga nakahaing pagkain. Bigla akong nakaramdam ng matinding gutom nang maamoy ang mabangong aroma nito. Hindi pa ako kumakain simula kaninang umaga kaya't kumakalam na ang aking sikmura.

"The Emp will join you in a minute. " anunsyo ng isa sa mga tagapagsilbi. Napatuwid nang tayo ang lahat ngunit nanatili namang nakayuko ang kanilang mga ulo.

This is it! Emanuelle Hesus. Makakaharap narin kita sa malapitan. Lihim akong napangiti. Ngunit ang ngiting iyon ay kaagad rin namang napawi nang magbukas ang malaking pinto.

Emanueal Hesus stood there with his well fitted Armani tux, radiated an air of a devil master. Tumayo ang dalawa kong kasama hudyat nang pagbati para sa pinuno. Sinabayan ko ang mga ito sa pagyukod. Taas noo itong naglakad palapit sa hapagkainan at pumwesto sa unahan.

Umugong ang katahimikan sa buong silid.

Hindi ko maipaliwanag ang pag rigodon ng aking dibdib. Marahil ay sa matinding galit na nakapaloob dito. Hindi ko makalimutan ang araw na una ko itong nasilayan. Iyon ay ang araw na dumating sila sa isla kasama ang apat na naglalakihang barko.

HESUS: The New KingWhere stories live. Discover now