"A-a-anong ginagawa mo dito?!" Bulyaw ko sa kanya habang turo-turo ko ang mukha niya.

Nakangiti lang siya and I really hate that smile!

"Sam! Ba’t ganyan ka magsalita sa bisita natin? Where's your manners?!"

Lumapit sakin ang Mom ko sabay kurot sakin sa tagiliran.

"A-a-aray naman, Ma. Eh bakit ba kasi nandito ‘yang hambog na ‘yan?"

Tinuro ko si Chase na nakaupo sa swiveling chair habang halata mong nae-entertain siya sa nakikita niya.

"I came here to fetch you." Naka-cross arms niyang sagot. IN YOUR DREAMS MR. YABANG!! Inirapan ko lang siya.

"So, magkakilala na pala kayo?" Sabi ng Mama ko na mukhang aliw na aliw at may nakakakilalang lalaki sakin bukod kay Kiel.

"OF COURSE NOT MOM!" Mariin kong sagot.

Siya naman ngiting ngiti lang habang sitting pretty.

Sinabi ko kasi kay Mama na wala akong inabutang tao sa unit ng friend niya kaya umuwi ako ng maaga ng araw na ‘yun. Kaya ang alam ni Mama hindi ko pa nakikilala ‘yang hambog na pervert na ‘yan.

Tyaka—hindi ko naman talaga siya kilala. He doesn’t exist in my world, remember?

"Tita, ako na po ang bahala dito."

Wow. Lakas ng loob maka-tita. Napakatindeeee.

"O’sige.. Teka ha? Iwan ko muna kayo para makapag-usap kayo ng ayos." Kumindat ang Mama ko kay Chase tapos binulungan niya ako. "Ayusin mo ‘yang ugali mo ha? Maging mabait ka kay pogi.." Pogi ka dyan Ma. Yuckkkk!

Umalis na siya tapos naiwan ako kasama ang hambog na 'to. Nakakainis! I can't believe this is happening!!

"Anong ngini-ngiti ngiti mo diyan?” Tinaasan ko siya ng kilay.

Tumayo siya at tinapatan niya ako. "Ang payat-payat mo pero ang lakas mo kumain. Nakalunok ka ba ng buwaya?!"

Sabi ko na eh. Nagpunta lang ‘yan dito para sirain ang araw ko. Akala ko pa naman matiwasay nang lilipas ang mga araw ko ng hindi ko siya nakikita pero heto siya ngayon sa mismong bahay ko pa. How nice. Isn’t it?

"Ano bang pakialam mo ha?" Ismid ko sa kanya.

"Napakasungit mo! Alam mo ba ‘yun?!"

"Alam ko. At kung hindi mo alam, sa mga TAONG AYAW ko lang ako nagsusungit."

Ngumiti lang siya bilang tugon then after ilang seconds.. "Diyan ka na nga! See you later. TUTOR!!!"

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Where stories live. Discover now