Chapter 4: Mission

Start from the beginning
                                    

To be honest, I don't know a lot about him. Ang alam ko lang ay kabanda siya ni kuya at kahit na suplado at pa-mysterious type siya ay hindi maikakailang dumadaan lang ang ilang babae sa kaniya at wala siyang siniseryoso sa mga iyon. He even dated my brother's wife before.

"Hindi...hindi ko nagawa lahat ng kaya ko. It's all my fault..."

Hindi ko nagawang pigilan ang sarili ko at natagpuan ko na lang ang mga paa ko na dinadala ako papunta sa kaniya. I lean down towards him and before I can stop myself, as if my hand has a life on its own, I reached for his cheek and wipe the tears falling from his closed eyes.

'She's really dead isn't she?'

He asked me that last night. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin but I don't need to be a genius to put things together. He probably lost a person. I just don't know how.

Hindi ko magawang isipin na magkaroon ng isang mundo na wala ang taong mahal ko. Kahit na masakit na isipin siya, na makita ang kahit na ano na nakakapagpaalala sa akin ng mga bagay na tungkol sa kaniya, at makita siya na kasama ang iba...mas pipiliin ko pa siguro 'yon kesa ang gumising araw-araw na alam ko na wala na siya...that he's not somewhere out there happy happy even if not with me.

Siguro noon hindi magagawang pumasok ang isipin na 'yon sakin. I didn't even think that there could be a choice like that. A world with him but not with me...or a world without him at all. But looking at Archer made me think how lucky I am to still have the chance to love Mateo even from a distance, to miss him, to be angry at him, to hate him, and someday...to finally move on.

"You're going to be okay. We're going to be okay." I whispered to him.

Hindi ko alam kung kailan. Hindi ko alam kung paano. Pero hindi naman siguro gano'n kasama ang mundo samin para parusahin kami ng matagal. Alam ko na mahirap isipin na dadating ang panahon na 'yon. I can't even grasp the thought of me facing a day without thinking of Mateo. Nakakatawa man para sa iba na kumakapit parin ang puso ko sa taong matagal ng bumitaw...pero gano' naman talaga diba? Pag hindi ka na ba mahal ng taong mahal mo, automatic na ba agad na mawawala lahat ng nararamdaman mo para sa kaniya?

I don't think so. If that's that easy then maybe my love for his is shallow. We don't just erase all the feelings we have for someone just because they stopped loving us.

Nanatiling nasa pisngi niya ang kamay ko kahit pa na wala ng luha na nagmumula doon. I don't understand why I'm doing this. I know I shouldn't. Pero bakit pakiramdam ko hinihila niya ako palapit ng palapit sa kaniya?

The spell pulling me and trapping me to its web suddenly rip apart plummeting me to reality when his eyes suddenly snapped open. Kasabay ng paninigas ng katawan ko ay ang pagkawala ng pakiramdam sa mga paa ko dahilan para hindi ako makagalaw agad para makaalis. His eyes looks blank as if he's still dreaming which turned into confusion when the sight of me finally registered to him.

"Anong ginagawa mo-"

Napatigil siya sa gagawing pagtatanong nang walang salitang basta ko na lang siyang sinampal. Umalingawngaw ang lagapak niyon sa tahimik na paligid. Napaupo siya kasunod ng malutong na mura at matalim ang mga matang tinignan ako. "What the hell?!"

"W-What the hell ka diyan? Tinulungan lang kita kasi binabangungot ka na! " nauutal na sigaw ko sa kaniya.

Mabilis na lumayo ako at inis na bumalik ako sa pwesto ko para kunin ang mga gamit ko. Lumingon ako kay Archer para sana muli siyang bulyawan pero parang nalulon ko ang sarili kong dila nang makita ko siyang hinuhubad ang suot niya na t-shirt.

"Are you crazy?! Bakit ka naghuhubad diyan?!"

Kunot noong pinagpatuloy niya ang ginagawa habang nakatingin sa akin na lalo pang nagpalala ng sitwasyon. I can feel heat gathering at my cheeks as if it's on fire. Seriously? Hindi ba siya pwedeng pumunta man lang sa kwarto niya para magtanggal ng damit? Dito pa talaga sa harapan ko?

BHO CAMP #7: The MoonlightWhere stories live. Discover now