Chapter Fourteen: Suspects

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ah. Hi-hindi. Kakarating ko lang. Tara, matulog na tayo."

Halata ang pagtataka at pagtatanong sa mga mata niya, pero pinili niyang manahimik at tumango nalang. Mayamaya pa, ilang minuto na kaming nakahigang pareho pero mulat na mulat parin ang mga mata ko. Hindi ulit ako makatulog dahil sa pag-iisip. Hindi ko alam kung natutulog na ba si Chances dahil nakatalikod siya sa'kin.

"May problema ba Zacchary?" Tanong niyang nagpakaba ng puso ko. Nanatili siyang nakatalikod sa'kin.

"Chan—"

"Okay lang. I should have prepared myself for this, right?" She asked; her voice trembled.

"Ano'ng sinasabi mo?"

Umiling siya habang umiingos. Napilitan akong bumangon. Hinila ko siya papalapit sa'kin pero inilalayo niya ang sarili niya sa'kin.

"Chan?"

"Matulog na tayo. Inaantok na ako." Pagdadahilan niya. Nakahawak siya ng mahigpit sa dulo ng kama para lang 'wag mapalapit sa'kin. Nawawasak ang puso ko. Hindi ko siya kayang nasasaktan kahit na hindi na ako tiyak kung siya ba talaga si Chances.

"Kausapin mo 'ko. Chances—"

"Naniniwala ka parin ba talaga diyan?" She asked, this time looking at me. Bumangon narin kasi siya. "Wag kang magsinungaling." Patuloy ang pagdaloy ng luha sa mga mata niya. "Tanginang alaala na 'to! Gusto ko ng maalala lahat-lahat kasi nasasaktan na ako."

"Babe."

"You don't believe anymore in who you first think that I am."

"Chan—"

"Okay lang. Kasi gano'n nadin naman ang nararamdaman ko. Ang saya-saya ko kasama 'yong mga anak nat—mga anak mo. Sa sobrang saya ko feeling ko hindi ko deserve 'yon kasi 'yon ang pinaparamdam mo. You were so different for the last days that it made me thought that maybe, afterall, I am no one else. If I am someone, I am definitely not your wife. Maybe, Nero was one of the badguys who wanted revenge and used me. Maybe he copied your wife's face. Or maybe if he didn't, someone did. Maybe, right, that—that doctor. Maybe, your mom. Or maybe your bestfriend. Baka wala talaga akong maalala kasi hindi ako siya—"

"Chances, makinig ka sa'kin."

"No." Pinunasan niya ang luha niya at tinitigan ako ng matama. "Hahanapin ko si Sephy. Baka may alam siya. Baka kilala niya ang tunay na ako."

"You're not leaving!" I blared in fear of losing her again.

"For almost a week, it's what you want me to do Zacchary."

"Hindi 'yan totoo."

"Nagsisinungaling ka sa sarili mo." Giit niyang nagpatahimik sa'kin. "I will do everything to remember who I am and how I ended up forgetting everything. On your end, I suggest you reevaluate your life. Baka naman kailangan mo ng tanggapin na may mga taong nawawala at hindi na babalik."

"No. Please." I pleaded as I held her arm. "Chances."

"Alam ko kung ano ang ginagawa mo. Ayaw mong lumabas sa ilusyon na nandito pa ang asawa mo. Pakiramdam ko ngayon, mali ako. Hindi naman kasi ako ang totoong mahal mo. Si Chances. Siya 'yong nagmamay-ari ng puso mo. Hindi naman tayo sigurado na ako si Chances e. Pero alam mo kung ano ang alam ko, mahal kita Zacchary. Mahal na agad kita kahit hindi kita kilala. Sobra kitang mahal kaya kayang-kaya kong umalis kahit na masakit."

"Hindi mo 'ko iiwan ulit Chan. Hindi. Ang mga anak natin o, ang saya nila na nandiyan ka."

"Pero paano kapag nalaman nilang hindi naman talaga ako ang mommy nila? Zacc, okay lang na naloloko mo ang sarili mo. Pero utang na loob, 'wag mong lokohin ang mga anak mo."

Chasing Chances [TSC Book 2]°KathNiel° ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon