"Ang ibig niyang s-sabhin ay Bak--bak? Ayy oo bad boy yang si Ej. Oo tama, bad boy daw kasi si Ej. Hehehehehe" sabi ko kay Kiray habang si Kathryn, pigil na pigil naman sa pagpiglas ng kamay ko sa bibig niya. Sorry kathryn. Agad naman tumingin si Ej sa amin nang parang may tinatagong katauhan. Kung sabagay totooo naman.

"Ah oo, badboy yang si Ej" sabi ni Kathryn after niyang makawala sa kamay ko. Mukhang nagets naman ni Kathryn yung ekspreyon na pinakita kanina ni Ej.

Agad naman ngumisi si Kathryn kay Ej. "I smell something fishy" sabi ni Kathryn na may tonong mapang-asar. "Fishy?" tanong naman ni Kiray.

"OO MASYADONG MA-FISHY DITO EH. DIBA EJ?" mapangasar na sabi ni Kathryn. Ang sakit na nga ng tyan kakapigil ng tawa. Kawawang Ej, hindi tuloy makakibo.

"Oh,bat ganyan ang suot mo?" tanong sa akin ni Kathryn. Tinignan ko naman ito. Oh anong masama.

"Sabi sayo eh, di bagay" sabat naman ni Ej ngunit gamit ang panlalakeng boses.

"Girls Things lang" sagot naman ni Kathryn saka ngumiti ng nakakaloko kay Ej. Ayun si Koya, napahiya.

"Let's go" sabi naman ni Kathryn at hinatak ako papunta sa banyo.

"Oh suotin mo" abot naman sa akin ni Kathryn ng makarating kami sa Cr ng pambabae. Tinignan ko naman ito. Isa itong white na floral dress at leggins with matching high heels.

"Sigurado ka?" di makapaniwalang tanong ko 

"Oo'' walang kurap niyang sagot.

"Naka-shabu ka ba?" tanong ko

"Ha? Bakit?" tinignan niya naman ako ng kunot noong expression.

"Orphanage ang pupuntahan natin, hindi fashion show" sabi ko tsaka ibinalik sa kanya ang gamit pero binalik niya rin sa akin.

"Suotin mo na lang, wag ka ng umarte" sabi niya kasabay ng pagtulak sa akin sa loob ng cubicle.

Ano ba naman 'tong naiisip ni Kathryn, nakakajologs naman pero dahil maganda ako. Suuotin ko ito. Char lang.

Paglabas ko ng cubicle, nagulat naman ako sa reaction na ibinaling niya sa akin. Na-concious naman ako sa katawan ko? Anong meron? Halata ba yung bilbil ko?

"Hala, huy okay ka lang" tanong ko sa kanya. Nakakapanic kasi.

"Ahh Okay lang ako. Ang ganda mo lang sa damit na yan" sabi niya sa akin. Halos parang na-out of balance naman ako sa sinabi niya. Hindi talaga ako sanay sa takong

Agad naman akong pumunta sa harapan ng salamin. Agad naman nanlaki mata ko. Totoo nga, mas maganda 'tong damit na 'to, kesa kanina. Ako ba talaga 'to?

"Maganda ba ako?" nagulat naman ako sa tanong ni Kathryn kaya naman tinignan ko naman si Kathryn gamit ang repleksyon ng salamin.

"Oo naman, ba't mo naman natanong?" tanong ko sa kanya.

"Talaga?" parang nabuhayan ng dugo si Kathryn sa tono ng pananalita niya.

" Oo naman, ikaw ay aking hinahangaan. Ba't mo naman natanong" sabi ko sa kanya.

"Kung ganon, ba't hindi ako nagugustuhan ng taong mahal ko?" tanong niya

"Sino naman yan?" tanong ko.

Para naman siyang nabuhusan ng tubig. Ha? Weird naman.

Infinite Love - HTTYB (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora