CHAPTER 24

2.1K 41 0
                                    





Camella point of view;







Makalipas ng dalawang araw, naging busy ako kakaaral dahil malapit na rin ang 1st sem exam namin. Nandito ako ngayun sa kwarto ko nag-aaral.


" Ate!!" Tawag sa akin ni Chrisy sa labas ng kwarto ko. " Nandito si Kuya Andreo!!." Sigaw niya uli, tumayo ako at binuksan ang pintuan.



" Ang hilig mo talagang sumigaw no!." Pataray kong sabi sakanya.



" Eh kasalanan ko bang bingi ka!?." Sigaw rin niya sa akin.



" Che! tabi nga diyan!!." Sabi ko at binungo ko siya at bumaba na. Dumiritsu ako sa sala dahil alam kong nandoon si Kuya Andreo.



" Hello Kuya, buti dumalaw kapa." Sabi ko at niyakap siya.



" Pwede ba naman 'yan? hindi no." Sabi niya at kumalas sa yakap. " Nga pala, anong plano mo sa birthday mo?" Tanong niya.



" My birthday?naku, 'wag na nating e celebrate 'yon Kuya alam mo naman na.." Hindi ko na tuloy ang sasabihin ko dahil sa lakas ng singhap niya.



" Camella, kailan kaba titigil? matagal na 'yon and please e celebrate mo naman 'yang birthday mo, hindi yung iniiwasan mo." Sabi niya.
" Mahirap sa'yo oo, pero paano mo makakalimutan yung mga malas na araw na iyon sa birthday mo kung hindi mo papalitan ngayun ng bago?" Dagdag pa niya.




" Kuya Andreo, intindihin mo nalang ako, ayaw kong mag celebrate baka may mangyayari na namang masama.." Sabi ko.


" Alam mo ang negatibo mo!!hindi porket 'yon ang nangyari dati ganun din ang mangyayari ngayun." Sabi niya, umiwas ako ng tingin sakanya.



" Ah--Kuya, bakit ka nga pala nandito?." Pag-iiba ko ng topic, napabuntong hininga naman siya.




" Napadaan lang talaga ako dito at aalis na rin ako, babalik nalang ako siguro dito pag okay kana." Sabi niya, niyakap niya ako at umalis na siya..ka agad.



Napaupo nalang ako sa couch, habang pinipigilan ang mga luha na tutulo na.



Many many years ago when I was turning into 10, nung araw ng birthday ko my mom and dad died at that day or at my birthday, they died because of a car accident, habang papunta sila sa venue ng birthday party ko nadisgrasya silang dalawa, at sa punto ng mga oras at araw na 'yon, natatakot na akong ecelebrate ang birthday ko..



Pinunasan ko ang mga luha ko na tumutulo na pala, huminga ako ng malalim at umakyat na sa kwarto ko at nakasalubong ko pa si Chrisy.




" Umuwi na si Kuya Andreo?" Tanong niya, tumango naman ako. " Bakit? ang dali naman, akala ko pa naman dito siya matutulog." Dagdag pa niya.



" Sabi niya, babalik lang daw siya." Sabi ko at nilampasan siya at pumasok na ng tuluyan sa kwarto ko.



Pumunta ako sa bintanang malaki na nasa kwarto at tumingin sa mga langit..



" Mommy Daddy, sorry.." Napahagulgol ako sa sinabi ko.." And happy birthday to the both of you.." Sabi ko at pilit na ngumiti.



Hindi ako makapaniwalang ngayung araw din na ito, birthday din nilang dalawa. Tapos, malapit na rin ang birthday ko kung saan sila namatay.



~ Ting ~



Tinignan ko ang phone ko kasi may nag message sa akin.




From: Andres

~ Nandito ako sa labas ng bahay niyo, kung gusto mong umalis pwede mo akong isama.~




Matapos ang nangyari sa kapatid niya, palagi na kaming nag tetext dalawa at hindi pa rin siya tumitigil sa pagsasalamat sa akin.



To be Continue..

Should I Let Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon