Umupo ako malapit kay Ethan kung saan ako nakaupo kanina..

"Kumain ka kayo.." sambit ko at nagsalin na ng juice sa mga baso..

Buti nalang dinagdagan ko yung sandwich at basong dala ko..

"Alam mo Kathlyn , maswerte siguro ang mapapangasawa mo noh?.Maganda ka , mabait at--A-Aray!" hindi na natapos sa pagsasalita si Nathan ng bigla siya sikuhin sa tiyan ni Stephanie

Halos mailuwa niya pa nga ang kinakain niya dahil dun..

Muntikan na rin akong matawa sa reaksyon niya.

"Tumahimik ka nga diyan..Salita ka nang salita." masungit na sabi ni Stephanie

"Alam mo , ang sama mo talaga sakin.Pasalamat ka kaya kitang tiisin.." nakangising sabi ni Nathan at kumindat kay Stephanie

"Tumigil ka nga!" si Stephanie at inirapan si Nathan

Napangiti naman ako kasi magkapareho talaga si Ethan at Nathan..

Napatitig nalang ako kay Nathan dahil iba ang ngiti niya habang nakatingin kay Stephanie..

Marami silang pagkakaiba ng kambal niya..Kasi si Nathan , palangiti , mabait , at malalaman mo agad kung kailan siya magkakagusto sa isang tao..

Pero si Ethan , masungit , minsan mabait , at hindi mo alam kung ano bah talaga ang totoo..Laro lang bah ang lahat , o may halong katotohanan na..

Laro lang bah yung pagiging sweet niya sakin..O totoo talaga at may ibang ibig sabihin..

"Kathlyn.." cold na tawag ni Ethan

Napalingon nalang ako kay Ethan na matalim na nakatingin sakin..

Wait , may nagawa bah akong masama?

Wala naman diba?

Diba?

Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumayo at hinila ako paalis doon..

"T-Teka..A-anong meron?" tanong ko sa kanya

Pero imbis sagutin ako at dinala niya ako sa garden at doon ako hinarap..

"Bakit ganun ka makatitig kay Nathan?.May gusto ka bah sa kanya?Kinalimutan mo na bah ang feelings mo para sakin?!.Tang*na naman oh , ngayon mo pa nakalimutan..Alam mo bang nahuhulog na ako sayo?!.Pwede mo bang ibalik yung feelings mo sakin , Kathlyn?Sagutin mo ako!" sunod sunod niyang sabi

Dug dug..Dug dug..

Lumakas nalang ang tibok ng puso ko dahil sa mga sinabi niya..

T-Tama bah yung pagkakarinig ko?

Nahuhulog na siya sakin?

Nabibingi na atah ako! >.<

"Ethan , seryoso ka?.Wag ka ngang magbiro.." nakangiting sabi ko

"Sa tingin mo magbibiro pa ako ngayong alam ko na may gusto ka sa kapatid ko?!" galit niyang sigaw

Napalunok nalang ako dahil mukhang seryoso nga talaga siya at hindi nga talaga ako nabibingi.

"I-Imposible naman atah y-yang sinasabi mo Ethan..Hindi ka pwedeng magkagusto sakin lalo na't may girlfriend ka--"

"Nakipaghiwalay na ako sa kanya!.Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala na kami?.At naaalala mo naman siguro yung araw na sinabi mo saking gusto mo ako diba?.Sinabi ko sayong wag mong kakalimutan ang feelings mo sakin kasi baka may magbago..At ito na yun , Kathlyn..gusto na rin kita.." aniya at humakbang papalapit sakin

"Nakipag hiwalay ka na sa kanya , wala na kayong dalawa..At gusto mo ako?.Pero bakit kanina nung hinalikan ka niya at pinagbintangan ako ni Eliza , wala ka man lang ginawa..Hindi mo man lang ako ipinagtanggol sa kanya.Sumama ka pa nga diba?.Tapos sasabihin mo pa sakin na may gusto ako sa kapatid mo kahit wala naman talaga..Gusto mo bah talaga ako?.O laro lang lahat nang toh..Pinaglalaruan mo lang ako diba" seryosong sabi ko

"May dahilan ako kung bakit hindi kita naipagtanggol sa kanya..At oo , gusto talaga kita..Hindi ko alam kung paano nangyari lahat ng toh pero isag araw nagising nalang ako na gusto na pala kita..Na iba na pala ang tibok ng puso ko kapag nakikita kita.." aniya

Napa iwas nalang ako ng tingin sa kanya..

"Tapos kanina , grabe ka kung makatingin kay Nathan..Wala ka bah talagang gusto sa kanya?"

Napabalik ang tingin ko sa kanya..

"Wala nga!" medyo naiinis kong sabi

Ba't bah pinipilit niya ako sa iba eh alam niya namang siya yung gusto ko?

"Sigurado ka?" ulit niya pa

"Oo nga!.Ang kulit naman eh!" 

Aalis na sana ako ng bigla niya akong niyakap at bumulong..

"Hintayin mo , magiging akin ka rin.." aniya at kumalas sa yakap tyaka ako iniwan dun

A-Ano daw?

W-Wait..Mababaliw na atah ako ngayon! >.<

Ba't parang mas gumugulo ang lahat?

Ano nang nangyare sa mundo?!


My Cold BoyFriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now