Chapter Fifty Nine

Start from the beginning
                                    

He wants to see her so bad. Hindi siya sigurado kung gusto niyang makita siya ng dalaga sa ganoong sitwasyon.. Pero kung hindi niya makikita ito, mababaliw siya. Ito na lang ang nakakapagpatino sa kanya.

She was the light in his world full of darkness. Ang ngiti nito ang nagbigay sa kanya ng panibagong pag-asa.. He could still remember the first time he saw her. She was wearing that sexy dress that could drive every man crazy. She's like the beauty in the middle of forest. And he's the beast who wanted to devour her in every way he could imagine.

Natatandaan niya kung paanong sinamantala niya ang pagkakataon na makilala ito at madala sa unit niya. That's not his proudest moment. But he got to know her. Doon nagsimula ang lahat sa kanila.

Kung babalikan niya ang lahat ng nangyari, para sa isang relasyon na bago pa lang parang ang dami nang nangyari sa kanila. Good or bad, hindi siya makaramdam ng pagsisisi na nakilala ang dalaga. He was very thankful. Grateful. At handa niyang ibigay ang piraso ng puso niya para dito.

And then there's Kristina, his ex. Ang babaeng pinag-alayan niya ng lahat. Ibinigay niya ang puso niya dito, buong-buo. Walang kahati. Hindi siya nagkulang dito. Nangarap siya ng mataas para sa kanila. Handa na nga niyang ibigay dito ang pangalan niya. But she broke him..

Binasag nito ang puso niya sa pinakamasakit na paraan. She destroyed him.. Hindi lang siya. Pati ang mahal niya sa buhay. She was cruel. At hanggang ngayon, ganoon pa rin ito.

"Leave her if you want to be with your son."

Marahas siyang nagmura. Sino ito para bumalik sa kanya at papiliin siya? Parang gusto niyang manakit. Gusto niyang magwala. Thinking of leaving Shamcey for her..

Naikuyom niya ang palad.

"No."

That's what he said to her. Sigurado siya, hindi niya gugustuhin na iwan ang dalaga. He will stay with her. Kahit ano pa ang mangyari, hindi niya ito iiwanan. Tutuparin niya kung ano ang ipinangko niya.

Alam niya mahihirapan siya na makasama ang anak lalo na at hindi siya sumunod sa gusto ng dating nobya. Pero gagawan niya 'yon ng paraan. Kahit gaano pa 'yon kahirap.

Huwag lang mawala sa kanya ang dahilan para maging masaya ulit.

Si Shamcey ang sumalo sa pag-iisa niya. Ngayon narealize niya.. Kung mawawala ito, ano pa ang mangyayari sa kanya? Because of her, he learn to love again. Natutunan ulit niya paano ang humalik at yumakap ulit. Parang bumalik siya sa kabataan niya. Damn, he's a thirty year old man now.

Pero pag kasama ang babae, parang gagong teenager lang siya na patay na patay. Nauuulul pag nakikita ito.

Malapit na siya sa apartment nito nang tawagan niya ito. She's not answering his calls. Kanina pa rin niya ito tinawagan at hindi ito sumasagot.

Di rin nagtagal ay nasa ipinarada na niya ang kotse sa harap ng tinitirhan nito. Kumatok siya sa pinto. Ang tagal bago 'yon nagbukas.

Tumambad sa kanya ang kaibigan nito. Natandaan pa niya kung paano siya nagselos noong mga panahon na nalaman niyang may kasama itong lalaki sa apartment. Only to find out na binabae ang kasama nito.

"Marsh, kumusta?" Ngumiti siya. Agad niyang napansin ang kawalan nito ng interes habang nakatitig sa kanya.

Nagtaas ng kilay ang binabae. "Wala dito ang kailangan mo."

"Ha?"

"Pumunta ka dito para kay Shamcey, di ba? Wala siya dito. Umalis ka na."

Akmang isasara na nito ang pinto. Ngunit pinigilan niya iyon. "Sandali lang. Anong sinasabi mong wala? May pinuntahan ba siya?"

"Oo. May pinuntahan siya."

"Saan?"

"Bakit ko sasabihin? Iyon nga ang point ng pag-alis niya dito sa apartment. Para hindi ka na niya makita pa. Para mawala ka na sa buhay niya."

Napalunok si Kiefer, iniignora ang pagbundol ng hindi niya mapangalanang emosyon sa dibdib niya.

"What the hell are you talking about? Where is Shamcey?"

"Narinig mo ang sinabi ko, Kiefer.. At hindi ko sasabihin sa 'yo kung nasaan ang kaibigan ko. Umalis ka na, pakawalan mo na ang kaibigan ko. Ayaw na niya sa 'yo."

Napatiim-bagang siya. "I don't believe you."

"Believe me, mas makakabuti sa kanya na lumayo sa manlolokong tulad mo."

"Paano mo nasabi?"

Napamura siya ng marealize ang sinabi.

"Nasaan ba si Shamcey?" Itinulak niya ang pinto para makapasok sa loob. "Shamcey!" tawag niya sa dalaga. Ginalugad niya ang kabuuan ng apartment para hanapin ang dalaga.

Pero tulad ng sinabi nito, wala doon ang nobya. Matalim na tumingin siya sa kaibigan nito. Pormal ang mukha nito habang nakamasid sa kanya.

"Where is she?" tanong niya, pinigilan ang sariling magtaas ng boses.

"Hindi ko sasabihin sa 'yo."

"And why is that?"

"Because she's my friend. Hindi ko siya ilalapit sa taong nanakit sa kanya."

Naguguluhan na umiling siya. "Diretsuhin mo na nga ako."

"Alam na ni Shamcey ang sikreto mo, Kiefer. Alam na niya ang tungkol sa ex mo at sa anak nyo. Alam niya na habang kayo, pumupunta ka sa dating nobya mo dahil nga may anak kayo. Lahat ng itinago mo kay Shamcey, nakarating sa kanya. At alam mo kung paano niya nalaman?" Lumapit ito sa isang box at iniabot sa kanya ang isang photo album. "Dahil dyan!"

Nanigas ang katawan ni Kiefer nang mabuklat ang album na naglalaman ng mga pictures ng anak niya.

"Kung naging totoo ka kay Shamcey, sana sinabi mo sa kanya ang tungkol sa anak mo. Pero itinago mo 'yun sa kanya. At iisa lang ang alam ko na intensyon mo. Iyon ay ang lokohin siya."

"I'm not cheating on her," madiing sabi niya. "Where is she? Tell me. Handa akong magpaliwanag."

Tumitig ito ng diretso sa kanya. "Hindi na siya babalik pa sa 'yo, Kiefer kahit sabihin ko kung nasaan siya at kahit makapagpaliwanag ka pa."

Parang binuhusan siya ng matatalim na bagay, at parang nasa isang masamang panaginip siya.

"Ibinigay ni Shamcey ang lahat lahat sa 'yo. Pinagkatiwalaan ka niya, kahit pagpapakagaga na 'yon sa part niya. Pero mas pinili mong baliin 'yon sa pagtatago na may anak ka na at nakikipagkita ka pa rin sa ex mo. Ngayon, nag-decide na siyang talikuran ang relasyon nyong dalawa. Pinapalaya ka na niya. Malaya ka nang bumalik sa ex mo at malaya na kayong bumuo ng pamilya." Sarkastikong ngumisi si Marsh. "Malayang malaya ka na dahil wala na siyang balak pa bumalik sa 'yo."

"No, no.." Marahas na nagmura siya at itinulak ito.

"Huwag mo na siyang hanapin pa dahil magiging masaya siya na wala ka sa buhay niya."

Malalaki ang hakbang na lumabas siya at nakatiim-bagang na sumakay sa kotse niya. Sumunod sa kanya si Marsh.

"Pinapabalik rin sa akin ni Shamcey lahat ng mga bagay na ibinigay mo. Ipapadala ko na lang sa bahay mo."

"Kung di mo sasabihin sa akin, kung nasaan siya. Ako ang maghahanap sa kanya."

"Hayaan mo na mag-move on ang kaibigan ko. You don't deserve her!"

Move on? Mapait siyang tumawa. Hayaan na mag-move on? Si Shamcey? He must be fucking kidding him. Hindi niya mapapayagan 'yon. Hindi niya papayagan ito na umalis sa buhay niya at iwan siya. Fuck that.

Nanginginig na bumuga siya ng hangin. Pinaandar na niya ang kotse.

"Malaki lang daw ang titi mo pero wala kang bayag!" pahabol pa ng bakla.

Claiming the BeautyWhere stories live. Discover now