Parang napasong binitawan niya ang babae.

"I'm warning you, Kristina. Huwag ka makikialam sa relasyon namin ni Shamcey. You don't know her."

"Wala naman akong balak makialam sa inyong dalawa.. Pero bakit natatakot ka sabihin sa kanya ang tungkol sa akin? Why not tell her about our son?" Tumaas ang kilay nito. "Natatakot ka ba na hiwalayin ka niya kapag nalaman niya ang tungkol sa anak mo?"

"Tumigil ka na!"

"Kiefer, I know what I did before was wrong. But I deserve another chance with you. Pero kung hindi mo talaga ako mapatawad. Isipin mo na lang si Kierro! Ang mga taon na inabandona mo ang sarili mong anak!"

"Unang una hindi ko inabandona ang anak ko. Ikaw ang umalis kasama ni Kierro!"

"Pero hinayaan mong mangyari 'yon, di ba? Nakinig ka sa ina mo. Hinayaan mong malayo sa 'yo ang anak mo dahil mas pinakinggan mo ang ina mo kesa sa akin!"

"Masisisi mo ba ako?" mababa ang galit na boses niya. "You betrayed me before. Pagkatapos ng lahat ng pagmamahal na ibinigay ko sa 'yo, hindi naging sapat 'yon."

"H-Hindi ako nanunumbat sa 'yo." nangatal ang boses ni Kristina. Namamasa ang namumulang mata nito. Parang pinipigilan lang nito ang maiyak sa harap niya. "Hindi kita masisisi noon dahil alam ko ang kasalanan ko. Hindi ko itatanggi na nangyari---"

Kumuyom ang kamao niya. "Stop. Don't dare say it."

Matigas na tumango ito. "Paulit ulit akong humihingi sa 'yo ng tawad. Alam kong hindi magiging sapat 'yon. But I'm begging you, Kiefer.. Para kay Kierro. Para sa anak mo.. Ilang taon ka niyang hinanap. Ngayon magagawa mo pa rin ba na abandonahin siya?"

"Anong gusto mong mangyari?"

"Tulungan mo ako na bigyan siya ng buong pamilya. Lumalaki na ang anak natin. Wala na kaming bumalik sa US. Balak na namin na mag-stay dito for good. Kaya mas kailangan ka niya sa tabi niya ngayon."

Bumagsak ang luha sa mga mata ni Kristina. "Alam kong may mahal ka nang iba. Alam ko rin na seryoso ka sa kanya.. Kaya hindi kita pinepressure na magdesisyon agad. Kung mahal mo anak mo, pag-iisipan mo 'to. I will you enough time to think about it, Kiefer."

Tinitigan niya ang pagpatak ng luha sa mga mata nito. Parang may sumakal sa mga laman niya.

"You want me to leave her.. For you?"

"No. For our son."

"You're really selfish," sabi niya. Ngumiti ito.

"Ako ba ang selfish? Iniisip ko lang naman si Kierro. Ayokong lumaki siya na walang ama. At kailan mo lang ba nakilala ang bago mo? Wala pa kayong kalahating taon. Wala ring tatlong buwan.. Mahirap ba na kumalas sa kanya para sa anak mo? Maybe, i'm being selfish that I want you to leave her. Call me selfish, call me names.. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa."

"Kaya kong suntentuhan ang anak ko, Kristina. Hindi ko kailangan na layuan si Shamcey para makasama ang anak ko."

"Pero kaya ko rin siyang ilayo sa 'yo. I'm the mother."

"Dadalhin ko 'to sa korte."

A cruel smile curled in her lips. "Paano? May record ka na before.. May mga ebidensya pa ako na kayang ipanlaban kung sakaling gawin mo 'yan. Tingin mo maipapanalo mo ang custody kay Kierro kung gagawin mo 'yan? Sure may pera ka, at meron din ako. Kaya kong tapatan 'yan. Pero paano kapag nalaman ng anak mo ang mga pinaggagawa mo? Baka kamuhian ka niya."

Napatungo siya. Sinapo ni Kristina ang mukha niya. "Hindi natin kailangan humantong ulit sa ganoon, Kiefer.. Just be with me and our son."

NATAGPUAN ni Kiefer ang sarili na nagda-drive papunta sa apartment ni Shamcey. Punong puno ng bigat ang dibdib niya at wala siyang alam na paraan para mapawi iyon. Hindi kayang pawiin ng ilang baso ng tequila ang nararamdaman niya. He felt so lost.

Claiming the BeautyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora