"Wierd.." sambit ko bago nagsimulang kumain.

Pagkatapos kumain ay agad na akong naligo para sa lakad namin ni Ethan..Baka kasi tapos na siya at ako , magsisimula pa lang..

Matapos maligo ay nagbihis agad ako ng dark jeans at simpleng puting t-shirt..Flat shoes lang din ang sapatos ko..

Naka braid naman ang buhok ko at tanging pulbo at lip tint lang ang nilagay ko sa mukha ko.

At ayun..Tapos na akong mag ayos..

Kinuha ko ang tray para mailagay muna sa lababo at mamaya ko nalang huhugasan pagdating namin..

Pagkatapos kong ilagay sa lababo ang pinagkainan ay nakita ko nalang si Ethan sa pinto ng kusina at nakatingin sakin..

Naka dark jeans pants din siya at white t-shirt..Rubber shoes naman ang sapatos nito..

"Tara na?" aniya at ngumiti

Ngumti ako at naglakad na palabas ng kusina..

Ewan ko , pero bakit parang pareho lang atah kami ng damit maliban sa sapatos?

Para tuloy kaming couple sa suot namin..

Nang makasakay na kami sa kotse niya ay tahimik lang ako..Hindi ko parin kasi makalimutan ang nangyari kagabi..

Yung yakap niya na para bang ayaw niya akong pakawalan?

Yung sorry niya na sobrang seryoso at totoo..

Yung totoong siya , nakita ko kagabi..

Hindi Ethan na mayabang at masungit ang nakasama ko kagabi..

Kundi ang Ethan na walang ibang ginawa kundi ang mag sorry..At tanggapin kung ano talaga ang nagawa niyang kasalanan..

"Okay ka lang?"

Napalingon ako kay Ethan na seryosong nakatingin sa daan..

"Ah..Okay lang." tipid akong ngumiti kahit alam kong hindi niya yun mapapansin lalo na't nag da-drive siya..

"Alam mo , kahit simple lang yung suot mo , ang ganda mo parin.." 

Natigilan nalang ako dahil sa sinabi niya..

Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko habang nakatingin ako sa kanya..

Gusto lang bah talaga kita , Ethan?

O iba na akong nararamdaman..

"Oi , okay ka lang?" natatawang aniya

Tipid nalang akong ngumiti sa kanya at nag iwas na ng tingin..

Lahat ng toh..

Totoo bah talaga?

Nangyayari bah talaga ang lahat?.Niyayakap niya bah talaga ako?Kinakausap niya bah ako na para bang close talaga kami?

Hindi lang kasi ako makapaniwalang sa isang iglap , magbabago ang lahat..

Nang makarating kami sa mall ay agad niya akong hinila para manuod ng cine..

Hindi ko nga maintindihan yung pinapanood namin kami puro barilan at patayan..Tsk!.Hindi naman ito ang gusto kong mapanuod eh!

Nang matapos ang palabas ay hinila na naman niya ako para maglaro ng arcade.Pero hindi ko rin maintindihan yung nilalaro namin..

Talagang hindi ako nag enjoy sa totoo lang..

Hindi naman kasi ito ang inaasahan kong date eh..

I mean pamamasyal pala..Hindi nga pala toh date noh?

"Nag enjoy ka bah?" si Ethan ng matapos na ang nilalaro naming hindi ko naman maintindihan

Tumango lang ako at ngumiti..

Kahit hindi naman talaga ako nag enjoy.. -_-

"Saan mo gustong kumain?" biglang tanong niya

"Kahit saan , basta may pagkain." sambit ko

"Anong kahit saan?.Wala namang kainan na kahit saan ang pangalan.." aniya at tumawa

Umirap lang ako sa kanya..

"Hindi nakakatawa.." sabay irap ko

"Ito naman , nagbibiro lang naman ako eh..Sige na kasi , sabihin mo na kung saan mo gustong kumain.." pamimilit niya

"Gusto mo talagang malaman kung saan ko gustong kumain?" tinaasan ko siya ng kilay

"Oo nga.." aniya

Agad akong ngumiti at hinila na siya palabas ng mall..

Katabi lang naman ng mall ang park dito kaya mas madali kaming makakarating dun..

"Anong gagawin natin sa park?" takhang aniya..

"Kakain.." sambit ko at tumigil sa bilihan ng fishball

"Manong mainit pa po bah?" tanong ko dun sa nagbebenta

"Opo ma'am..Bagong luto po yan.." aniya at ngumiti

Agad naman akong kumuha ng stick at tumusok ng limang fishball at isinawsaw sa sauce bago kinain..

"Ano yan?" parang nandidiring nakatingin sakin si Ethan

"Fishball , tikman mo.." susubuan ko na sana siya pero bigla siyang umiwas

"Ayoko..Baka kung anong meron diyan..Baka magkasakit pa ako.." aniya

Tinaasan ko naman siya ng kilay..

"Alam mo , masyado kanbg maarte..Kapag hindi ka talaga kumain nito , walang pansinan.." pananakot ko sa kanya

Nagulat nalang ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at isubo yung dalawang fishball na natitira sa stick ko.

Napangiti nalang ako habang nakatingin sa reaksyon niya..

"Masarap bah?" tanong ko

"Hm..Masarap siya..Pahingi pa nga." aniya at ngumiti

"Luh?.Kumuha ka ng sayo..May kamay ka naman.." sambit ko at tumusok ulit ng fishball..

Kumuha naman si Ethan ng stick niya at tumusok na rin..

"Bakit ito yung gusto mong kainin?" biglang tanong ni Ethan

"Wala lang , gusto ko lang ipatikim sayo kung ano yung kinakain ko minsan.." sabay ngiti ko

Minsan lang , kasi katulad mo , galing rin ako sa marangyang pamilya..Pero hindi man lang maramdaman ang pagmamahal ng sariling ama..

Nakakatwa nga kasi inaakala nang lahat sa inyo , mahirap talaga ako..Pero ano pa nga bang magagawa ko?.Kailangan kong patunayan kay daddy na magaling din ako eh..

Kung hindi kaya ako lumayas sa bahay , makikilala kita?.

Kung hindi kaya ako sumuway kay mommy , nandito ka ngayon sa harap ko?

Ano kaya tayo kung hindi ako ang Kathlyn na nakilala mo?

Ganito pa rin bah?

O iba na..


My Cold BoyFriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now