COH☆Chapter 7

2.8K 44 0
                                    

Fall

Nilibot ko ang paningin ko.
Puro puti.

Nasan ba ako?

Ang sakit ng ulo ko.

Bumangon ako bigla na pinagsisihan ko dahil sana hindi ko na lang ginawa.

"Ouch, my head"

Napahawak ako sa ulo ko.

"Humiga ka na lang ulit"sabi ng kung sino.

Tiningnan ko yun.

Kunot noo ko syang tinitigan.

"Nasan ako?"tanong ko.

"Nasa clinic"

Nag nod lang ako.

"Teka pano ako napunta dito?"muli kong tanong.

"Lumipad ka"sarcastic nyang sabi.

"A-Ano?"kinunutan ko pa sya lalo ng noo.

"Tss..hindi ka ba nag-iisip malamang binuhat kita, ang bigat mo! Sige lang diet pa ha!"sarcastic nyang sabi.

Inirapan ko sya.Nakakainis talaga tong lalaki na to!Kung hindi nya lang ako tinulungan babatukan ko to eh.

"T-Thank you"bulong ko.

"What?"

"Thank you"bulong ko ulit.

"Ano ulit?"

Nilapit ko ang bibig ko sa may tenga nya.

"I SAID THANK YO—

Kaso dapat hindi ko na lang din ginawa.Bigla sya humarap at sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko.Yung konting kibo pwede nang mangyare ang hindi dapat mangyare.

"Your welcome"sabi nya in sweet tone.

Hoyy!
Kaluluwa balik, bumalik ka.

Layuan mo tong lalaki na to si Vin. Si Vin lang hindi sya.

Tinulak ko sya para makalayo ako.

"Tss..bakit ka nga pala nandito..nadala mo na ako kaya pwede mo na ako iwanan"sabi ko habang inaayos ang nagulong buhok.

"No"

"Bakit naman?"

"Binabantayan kita....by the way nahilo ka diba?"

"Oo bakit?"

Tiningnan nya ako ng seryoso tapos umiiling iling pa sya.

"A-Ano ba?"

Kanina pa ako naiirita sa kanya.Kung hindi lang talaga nya ako tinulungan sinipa ko na sya palabas ng clinic.

"Grabe hindi mo kakayanin to kapag nalaman mo"umiiling iling pa sya.

"What?"

No!Hindi ako buntis...like duhh.

Wala nga akong boyfriend,bakit ako mabubuntis.

"Wait...kuyang mayabang I'm not like that, kung yun man ang iniisip mo hindi ako ganun"

"Really?"

"Oo naman, never pa nga ako nag ka boyfriend.Hindi pa rin ako nakikipag ano noh..yung ano...alam mo na yun"inis na sabi ko

Nagkunot na naman sya ng noo.

"What are you talking about?"

"Hindi ako buntis nahilo lang ako at nagdilim ang paningin ko pero hindi ako BUNTIS"

Change of Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon