PROLOGUE

11.6K 107 3
                                    

-

"Yaya I want ice-cream!"

"Saan naman ako maghahanap nun baby"

"There, ice-cream yun diba?"

"Sige pero dito ka lang ha, maglaro ka lang dito babalik ako agad"

Young Wynchel nodded.

"Hi"

"Hello"

"Anong ngalan mo?"

"Chel...ikaw?"

"Vin"

"Hoy Wynchel bigay mo samin yan"sigaw ng batang lalaki na kanina'y kalaro ni chel.

"Yaw ko nga,akin to!"

Lumapit ang lalaking kalaro ni chel bago hinawakan ang manika nya.

"Akin na!"

Pilit inaagaw ng batang lalaki ang laruan ni chel.

"Akin to sabi!"

Nakipag agawan si chel sa batang lalaki.
Ngunit aksidenteng nasira ang laruan nya.Napugot ang ulo ng manika nya.

Nagsimula ng umiyak si Chel.

"Bakit mo ba inaagaw ang laruan ni Chel?bakla ka no?"sabi ni Vin sa batang lalaki.

"Hindi ako bakla"sabi ng batang lalaki at tinulak si Vin.
"BAKLA nangunguha ng manika ng babae"

Sinuntok sya ng batang lalaki.Sinuntok din ni Vin ang batang lalaki at natumba ito.Umiyak din ang batang lalaki at tumakbo.

Natigil sa pag iyak si Chel dahil sa eksenang napanood nya.

"Ayos ka lang Chel?"

"O-Oo S-Salamat H-Ha"pinahid nito ang luha bago pinulot ang ulo at katawan ng manika nya.

Niyakap nya si Vin bilang pasasalamat sa kabaitan nito, niyakap naman ito pabalik ni Vin.



_

Naging magkaibigan si Vin at Chel.Kapag inaaway si Chel nandyan si Vin para ipagtanggol sya. Palagi silang magkasama at magkalaro.

Hanggang sa sumapit na sila ay Elementarya na.Nanatili silang magkaibigan.Ngunit sa totoo lang sa kabaitan na pinapakita ni Vin nahulog ng tuluyan si Chel.Nagustohan nya si Vin ng higit pa sa kaibigan.

May mga araw na nais ipagtapat ni Chel ang nararamdaman nya pero natatakot syang biglang magbago ang tingin at pakikitungo sa kanya ni Vin.

-

Pumasok sya sa classroom nila Vin, sinigurado nya talaga na walang ibang tao dahil ayaw nyang malaman ni Vin na sya ang naglalagay ng Love letter sa Bag nito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon...

"Chel?"

Ang grupo ng mga babaeng may gusto rin kay Vin ay naabutan syang nilalagay ang love letter sa bag ni Vin. Kukunin na sana nya ito pero mabilis itong naagaw ng isa sa mga classmates ni Vin.

"Oy love letter?"

"Akin na yan!"pilit niyang inaabot ang papel sa kamay ng matangkad na babae.

Anong laban nya eh Grade 6 na ang mga ito at sya ay Grade 4 pa lamang.

"Para kay Vin ba to?"nagtawanan ang mga babae.

"Akin na sabi!"

Tumayo ang babae sa lamesa.

Naistatwa si Chel ng basahin ng babae ang letter nya ng malakas kasabay ng pagdating ni Vin at ng kanilang ibang mga ka-klase.

Naiiyak sya, gusto na nyang hilahin ang buhok ng babae at sabunutan ito dahil sa inis.

"Vin, kung sino sino pinaghihinalaan naming secret admirer mo yang kaibigan mo lang naman pala" nagtawanan ang mga classmates nya.

Hindi makapag angat ng tingin si Chel kay Vin dahil sa kahihiyan.

Tumakbo si Chel habang umiiyak, wala syang mukhang maihaharap kay Vin.







Matapos ang pangyayaring yun hindi na sila nagpansinan, tila umiiwas si Vin sa kanya.

"Kasalanan mo, tanga ka kasi"bulong ni Chel sa sarili nya.

Hanggang sumapit na nasa Highschool na sila. Kung saan mag-aral si Vin dun din gusto mag-aral ni Chel.
Kahit hindi na sila nagpapansinan gusto pa rin nya si Vin. Pero lalong lumala ang lamat sa pagitan nila ng magsimulang maging selosa si Chel lalo na at naging campus crush si Vin.

"Layuan mo si Vin!"sigaw nya kay Cindy,ang classmate ni Vin na may gusto dito.

"Bakit ko sya lalayuan?At bakit ka ba nagagalit dyan Chel ha?ANO KA BA NYA?"pinaka diinan ni cindy kay Chel ang 'ano ka ba nya?' Kaya naman nagalit ito at sinugod si Cindy.Sinabunutan nya si Cindy,dinambahan nya ito,umibabaw sya kay Cindy habang sinasabunutan nya ito.

"Ano ako ni Vin?Ako lang naman ang Girlfriend nya,narinig mong hayop ka!Ako ang GIRLFRIEND NYA"

"T-Tama na"tili ng tili si Cindy,hindi sya makapanlaban dahil nasa ibabaw nya si Chel.

Isang kamay ang marahas na humila kay Chel para ilayo kay cindy.Nag pupumiglas sya pero ng makita nya kung sino ito,ay napatigil sya.

"V-Vin?"

Hinila nya ito palayo sa mga tao.

"Vin aray"
Kinaladkad ito ni Vin palayo sa classroom nila.

Halos patulak na binitawan ni Vin si Chel bago itobinigyan ng masamang tingin.

"Hindi ba sinabi ko sayo wag kang makikipag away"sigaw nito kay chel.

"At talagang dun pa sa maraming estudyante Chel.Wala ka na bang hiya?"

"S-Sorry-

"Pwede ba Chel.Alam mo naman na nilalayuan kita diba?Alam mo naman kung bakit diba?kaya please lang,wag ka ng gumawa ng gulo"

Masakit man pero matigas ang ulo ni Chel.

"Sya ang nagsimula.Sya ang sisihin mo"

Napabuntong hininga na lang si Aaron.

"Sige,kung yan ang gusto mo.Pero ito ang tatandaan mo Chel,wala na akong pakialam sayo,hindi na tayo tulad ng dati.At hindi na magiging katulad pa ng dati"

Tinalikuran nito si Chel.

"Uulitin ko ulit Chel.Hindi kita gusto "bago ito nagpatuloy sa paglalakad.

Nag umpisang mamuo ang luha sa mga mata ni Chel.Hindi lang naman ito ang unang beses na iniyakan nya ang kaibigan.Palagi sya nitong pinapaiyak pero lahat yun ay tinatanggap nya dahil mahal na mahal nya si Vin.

Magmula ng araw na nalaman ni Vin ang tunay nyang nararamdaman doon na nag umpisang magbago ang lahat.

Maging ang ugali ni Chel nag iba dahil sa selos na nararamdaman nya sa tuwing may kasamang iba si Vin.

Nag iba ang tingin ni Vin sa kanya, hindi na si Chel ang dating Chel na palagi nyang ipinag tatanggol.

Hindi na rin si Vin ang Vin na tagapagligtas ni Chel noon.

Marami na ang nagbago.




Palagi si Chel umuuwi ng bahay na umiiyak.Wala namang ibang magtatanong kay Chel kundi ang yaya nya.Wala rin naman ang magulang nya dahil nasa ibang bansa.

Walang ibang gusto si Chel kundi si Vin.Dahil si Vin ang taong nagpasaya sa kanya at nagpapaiyak. Kung wala si Vin ay wala ng kwenta ang buhay nya.

Hindi nya susukuan si Vin.Ilalaban nya ito dahil naniniwala syang maibabalik pa ang dating sila.

"I can get you Vin.Not now, but soon"

_

__________

Change of Hearts
Written on 2018/2019

Change of Hearts Where stories live. Discover now