Chapter Fifty Eight

Start from the beginning
                                    

Napahikbi siya, at parang gumuho ang mundo niya.. Naramdaman niya ang sariling nakadapa sa sahig at nilalamon ng sobrang sakit.

Pero kailangan niyang tumayo. Hindi siya pwedeng magpatalo sa emosyon niya.. Pinangako niya sa sarili noon na hindi niya matatagpuan ang sarili sa ganoong sitwasyon. Kaya kailangan niyang tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Marsh na sinusundan siya.

"Haharapin ko siya. Gusto ko marinig sa bibig niya ang totoo."

"Shamcey, hindi ba pwedeng mag-ayos ka muna? Kumalma ka muna, girl!"

"Hindi ko na kaya ipaghintay pa 'to." Hinarap niya si Marsh, taas noo. "I want to know the truth. Kung hihintayin ko siya, baka matakot pa ako na harapin. Baka takasan ko pa ito.."

"Kumalma ka muna. Hindi mabuti na susugod ka sa office niya na nag-uumapaw 'yong emosyon mo. Ano, mag-eskandalo ka doon?"

"Kokomprontahin ko lang siya."

"Shamcey, hindi ka okay. Baka makagawa ka naman ng maling desisyon. Harapin mo siya kapag hindi na nangingibabaw--- Shamcey!" Hindi niya pinakinggan ang kaibigan. Tumakbo siya palabas, binalewala ang malakas na pagtawag nito.

Nag-taxi siya papunta sa opisina ni Kiefer. Pinahid niya ang luha sa pisngi. Namumula pa rin ang mga mata niya. May ideya siya na ang messy na ng itsura niya ngayon. Ngunit wala siyang pakialam sa itsura niya ngayon.

Parang oras ang binilang niya habang nakalulan ng sasakyan. Pagdating doon ay hindi siya nag-aksaya ng oras. Mabibilis ang hakbang na pinuntahan niya ang floor kung nasaan si Kiefer.

Pero nagulat siya nang makasalubong ito. Malayo pa ito sa kanya, pero agad niyang napansin ang lalaki. May kasabay itong lalaki din at matamang nag-uusap. Mukhang paalis ang mga ito.

Palihim siyang sumunod sa dalawa. Naririnig niya ang boses ng lalaki na may sinasabi kay Kiefer tungkol sa katatapos na meeting. Bumaba ang mga ito papunta sa parking lot.

Pinilit niyang makasunod na hindi siya nahahalata.

"Anyway, how's Kierro?"

Nakuha agad ang atensyon niya nang marinig ang pangalan ng bata. Nagtago siya sa likuran ng isa sa mga sasakyan na malapit sa kinatatayuan ng dalawang lalaki.

Sumilip siya. Nakita niya ang malawak na pagngiti ni Kiefer. Nawala agad ang iritasyon at dilim sa mukha nito kanina nang pinag-uusapan ang tungkol sa kompanya.

Naramdaman niya ang kirot sa dibdib pagkakita sa ngiting 'yon. Ang kislap sa mga mata nito pagkarinig sa pangalan ng pamangkin ni Shy, isang kumpirmasyon na sa tunay na relasyon nito sa bata.

"He's doing really good. Actually, magkikita kami ngayon. Sinabi ko tatapusin ko lang ang meeting and ipapasyal ko sila."

Sila. Kailan pa naging nakakamatay ang isang salita tulad non? Dahil ramdam niya, parag hinihiwa siya sa dibdib.

"Hindi maipagkakaila ang pagkakamukha n'yong dalawa."

"I know, Vincent. Marami akong dapat punan sa kanya.." Bahagyang humina ang boses ng kausap nito at ganoon din si Kiefer. Parang ang hirap pigilan ng pagkawala ng hikbi. Pero tiniis niya.

"Alam ko mahirap ang sitwasyon mo. Kahit noon pa. And all I can I say is that.. sundin mo ang puso mo, bro. It's time para punan mo 'yong mga pagkukulang mo.."

"Iyon naman talaga ang balak ko. Kailangan ko lang ng tamang panahon."

Matalim na tinitigan niya ang lalaki. Animal talaga. Ang haba ng panahon mo para mag-move on! Pero bakit hindi mo ginawa? Naghanap ka pa ng rebound sa katauhan ko!

"Hindi mo kailangan 'yon kung sigurado ka na ba sa nararamdaman mo. Tatanungin kita.. What do you feel about her? Ang nararamdaman mo sa kanya ang makakapagsabi kung tama ba na putulin mo na ang relasyon mo sa isa. Pero sa 'yo nakasalalay ang sagot. Hindi panahon ang makakapagsabi, Kiefer. Nabigyan ka na ng tamang panahon. Now it's up to you. Magdesisyon ka na habang maaga pa."

Marahas na bumuga si Kiefer, ugali nito kapag nahihirapan ito na magdesisyon sa isang bagay.

"Tatanungin kita. Do you love her?"

"I do."

"Gusto mo makasama?"

"Gustong-gusto.. Pero.."

"Bakit may pero? Wag mo sabihin dahil sa isa?" Natahimik si Kiefer, tiningnan ng mataman ang kausap nito. Maikling tumawa ang lalaki.

"Insan, hindi naman pwede na dalawa. Kailangan pakawalan mo na 'yong isa. Just a piece of advice, piliin mo 'yong mas nakaramdam ka ng saya. 'Yung nagbigay sa 'yo ng mas malaking dahilan para sumaya. At tingin ko naman, alam mo na kung sino 'yon."

Mariing napapikit si Shamcey. Sapat na ang narinig niya. Hindi niya kailangan lumaban.. Dahil simula pa lang talo niya. Hinintay niya na maghiwalay ang magkausap at saka tumayo na siya. Papasakay na si Kiefer sa kotse nito.

"Kiefer!"

Lumingon siya sa tumawag. Nanlaki ang mata niya. Ang babaeng 'yun na nakipag-agawan sa kanya sa sapatos! Lumapit ito sa binata.

"Kristina, what are you doing here?"

"Galing ako sa opisina mo. Sabi umalis ka na daw. Eksakto naabutan pa kita dito."

"Hindi mo kasama si Kierro?" tanong ni Kiefer at pinasadahan pa nito ng tingin ang babae. Di niya ito masisi. Napakagandang babae ng ex nito--- ex pa nga ba rin? Mapait siyang ngumiti.

"Hinihintay ka na niya sa bahay. Paalis ka na ba? Magsabay na tayo."

"S-Sige. Sakay."

Pinanood ni Shamcey ang papalayong kotse ng binata. Can someone die from heartbreak? Dahil parang pinapatay na siya ngayon pa lang.

 Ano? Sabi naman sa 'yo, Shamcey.. Huwag ka magtitiwala.. Huwag ka magmamahal. Masasaktan ka lang.


---

Itutuloy..

Claiming the BeautyWhere stories live. Discover now