Chapter 3

14 5 0
                                    

Wala namang nagbago sa akin bilang isang istudyante sa paaralang yun, except don na nanging magka-klase kami ni Ethan at hindi lang yun!!! Magkatabi pa, pahamak naman talaga!

"Ate.."

"Ano?! Kanina ka pa tawag ng tawag sakin ah..!!" Reklamo ko don sa makulit Kong kapatid na parang ano na nangyari sa kanya, kanina pa yan papansin..

"Diba dun tayo kakain kina Tita Veronica nag promise ka diba?"

Nag promise ba ako parang wala naman ata akong naalala aber!?

"Nangako ba ako?!!..diba wala?!"

" ate naman ohh!! Sege na!!"

"Wow..pinahiya mo ako kaninang umaga na malakas akong kumain tapos ngayon lapit-lapit ka sakin?? Kapatid ba kita?"

Bigla nalang tumulo yung luha nya at umiyak na napaka lakas..

"Anong nangyari dyan sa kapatid mo?" Tanong naman ni mama na bago lang kakapasok sa kwarto ko

"Mama, si ate ayaw akong samahan kina tita Veronica..."

"Bakit ayaw mo naman samahan,ate?"
Tanong naman ni mama habang naka cross arm.., MJ naman!! lahat nalang ng gusto nasusunod!!! Kung hindi lang kita kapatid naku!!!!

"E kasi naman mama maki kain lang naman po don kami e, Baka isipin nila na wala tayong pagkain dito...at tyaka may maniac syang anak don e, Baka mapano ako gabi pa naman ngayon? Hindi ka ba nag-alala sakin? Ma?"

" alam mo,.. Ang drama mo! At tyaka MJ sabihan mo si tita Veronica mo na hindi ako makaka punta ha may business meeting akong pupuntahan ngayon at alas-dose pa seguro ako makaka uwi, kaya ikaw ate! Wag mo na yang Pag aliwan yang kapatid mo.."

"Depende po yun" Sabay ngiti sa kapatid ko na parang may pina-plano na naman ako kahit wala, pang asar ko lang...gusto ko e paki niyo..

"Mama!" Sumbong naman ni MJ, binibiro lang e.

"Biro nga lang!!"sabi ko at padabog na akong pumunta sa closet, masarap sana matulog ng maaga ngayon e! Si MJ kasi!!!..so, ngayon alam niyo na kung sino yung patay gutom samin ha  kundi yung kapatid ko..hindi ako!

Nagpaalam naman si mama na aalis na sya at tapos narin akong nagbihis at si MJ narin, sabi ni mama kanina bago sya umalis na mag dress daw ako pero ayaw ko e.., at tyaka ano to? Formal dinner? Helloo..duh..

Ilang minuto din akong nag ayos sa buhok ng kapatid ko nang may biglang nag door bell si mama ba yun? Bat aga ata nyang bumalik? Si papa kaya??

Hinila ko na yung kapatid ko patungo don sa pinto paalis narin kami e, nagugutom narin kasi ako!! Hoi! hindi ako matakaw hah! tandaan niyo yan..

Pag bukas ko naman sa pinto... Lahat ng bwiset ko nadagdagan pa lalo, e ikaw ba naman nakita mo yung pinaka bwesit at maniac ma tao dito sa mundo!

"Oh! Anong ginagawa mo dito, ikawng gago ka?"

"May bata..grabe yang bunganga mo!"

"Wala akong pake, Sanay nayan.sinanay ko,tyaka tinatanong kita bat ka nandito?"

"Sinusindo kita..syempre!"

"Bat ikaw pa?!"

"E sino paba? E di naman pwede si ethan kasi sya naman yung nagluluto tapos si mama inutusan naman ako na sundiin ka kasi wala naman akong maitutulong don kasi hindi ako marunong mag luto...e ano pa ba magagawa ko diba? At tyaka hindi ka ba kinikilig na isang tulad ko na gwapo ang susundo sayo?"

"Pwe! Gwapo? Hindi ka ba nasusuka sa sinasabi mo?"

"Hindi kasi totoo naman tal–"

"Ate,Tito nagugutom na po ako..."

"Ikaw kasi.." Sabi naman nya Sabay turo sakin

Wow sinisisi pa talaga ako ng gago nato

"Halika na kay Tito,baby boy.."

Baby boy pa talaga tawag nya sa kapatid ko?,. Putcha!

Binuhat naman nya si MJ, na kahit may paa naman yung kapatid ko bobo lang seguro to. At agad naman kaming pumasok at ngayon alam ko na talaga kung saan yung kusina nila...

"Bat ang tagal niyo ata?" Tanong naman ni tita..teka tita ba yung itatawag ko ang weird naman... Pero Sege tita rin tinatawag ng kapatid ko e

"Kasi po tita, si ate at si tito Jared ay nag aaway pa..."

Wow inunahan pa talaga ako ng kapatid ko ha!

"Hay naku sa inyo...parati nalang kayong ganyan.. Bahala kayo sabi nga nila the more you hate, the more you Love"

Ewww!!! Fuck you niya!

"Here it comes.." Lumabas naman si Ethan sa kitchen dala yung mga pagkain,segurado ako na masarap to, my God na-alala ko pa tuloy yung sinabi nya na Ewan ko kung bakit...basta!!!!! Wag mo nang isipin Lea!

Na una na akong umupo, Bahala ka na dyan MJ mag aral ka nang magbuhay mag isa, nagugutom na ako... At akala ko dito uupo sa tabi ko si MJ pagtingin ko kasi sa tabi,si Ethan ang nandon, at yung kapatid ko don pala sya umupo sa maniac na lalaki nayun..

Ilang minuto din kaming nagkwe-kwentuhan at nagtatawanan, masaya naman pamilya nila yung mom nila nalang ang palagi nilang kasama kasi tulad namin ni MJ, busy palage yun dad nila sa company na pagmamay-ari nila.

"Ah tita, uwi narin kami natulog na kasi si MJ e"

Dahil sa kakalaro nila ni Ethan sa phone kanina pa naka tulog tuloy yung kapatid ko

"Sige..goodnight sa inyo,balik kayo dito ha"

"Sige po..salamat nga po pala sa pagkain na hinanda niyo"

"Si Ethan naman nun pero maliit na bagay naman yun basta kayo.."

At nung kukunin ko na sana sa kamay ni Ethan si MJ para maka uwi na kami kasi gabing-gabi narin nang biglang hinawakan ako ni Ethan at parang naging statwa ako bigla, at sinabi nya na ihahatid nalang daw nya kamai at pagkarating namin sa bahay ay hinatid na nya patungong kwarto si MJ, at pinahiga sya don ni Ethan.

At nung ihahatid ko na sana si Ethan sa labas nang bigla akong natapilok sa may hagdan at bigla ko naman nahawakan ang kwelyo ni Ethan at nagulat narin sya..

Namalayan ko nalang na masakit na yung buong katawan ko at may mabigat na nakapatong saki–teka si Ethan to ahh...

"Ethan..ang bigat mo!" Mahinahon kong sabi sa kanya..

"Masakit kasi yung isang braso ko, teka lang.." sagot niya at dahan-dahan syang bumangon at hindi ko sya matulongan kasi pati katawan ko hindi ko maigalaw...pero nabigla ako nung bumagsak uli si Ethan at meron ng malambot na labi na dumampi sa labi ko..at bumakas ang pinto namin at nakita ko don si Jared na naka tayo
Kaya bigla naman bumangon uli si Ethan

"Kuya paki tulong masakit yung braso ko.."

Walang ganang lumapit samin si Jared at tinulungan si Ethan..

At bigla din nya akong binuhat

"Okay lang ak–"

"Ako hindi"

Hindi nalang ako pumalag kasi hindi ko naman alam kung ano yung dapat kung gawin sa mga galaw na pinapakita nya ngayon..

The Truth UntoldWhere stories live. Discover now