Chapter45: She Avoids Him

271 12 1
                                    

Chapter45: She Avoids Him

 

"Ako? Gusto mo. . . ako?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumawa ako at nag-iwas ng tingin para mawala ang mas malaking awkwardness na nabuo sa amin.

"K-Kunwari lang naman. May kaibigan kasi ako, gustong gusto niya 'yung friend niya for so long. Pero hindi niya maamin dahil natatakot siya na baka mawala ang malalim na friendship nila nang dahil lang sa pag-amin niya." paliwanag ko ng nakatingin sa kawalan. Gabi na pala.

"Sino naman 'yun?"

"Basta. Hindi mo kilala."

Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa pagitan namin. Parang nag-iisip siya ng sasabihin niya. Maya-maya lang ay nagsalita na siya.

"Kung ako at ikaw ang nasa sitwasyon, Chewie, at ikaw ang aamin, wala namang magbabago eh. Walang mawawala. Siguro, magkakaroon ng kaunting awkwardness sa pagitan natin, pero ganun parin. Hindi nun mababago ang pagkakaibigan na mayroon tayo." mahabang sagot niya.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa isinagot niya. Alam ko naman na kunwari lang na ako at siya 'yung nasa posisyon. Pero kahit na, 'di ba? May iba akong naramdaman. Pain? Siguro.

"Pero paano kung totoo?"

"Anong totoo?"

"Paano kapag nalaman mong totoo pala kitang gusto?"

Matapos kong sabihin 'yon, tumawa naman siya at ginulo ang buhok kong mahaba.

"Ikaw talaga. Wag ka ngang jamming. Alam ko naman na mga mukhang Koreano ang mga type mo kaya imposibleng mangyari 'yun. Hindi naman ako Koreano eh. Hahaha." sabi niya ng natatawa-tawa.

"Ha-ha-ha. O-Oo. B-Buti alam mo? Kadiri kaya. Ha-ha-ha."

Medyo nakaligtas ako 'dun ng konti. Hindi ko naman kasi intensiyon na itanong sa kanya 'yun. Hindi ko naman sinasadya. Nagulat nalang rin ako na lumabas 'yun sa bibig ko.

"Ang haba ng buhok mo. Ang ganda. Ang bango." bigla niyang sabi habang inaamoy ang buhok ko.

"IKR." sabi ko sabay irap.

"Kapag pinagupitan mo 'to, ako ang kauna-unahang malulungkot." sabi niya pa.

"Bakit naman?"

Dumasog pa siya sa tabi ko kaya lalo kaming magkadikit ngayon. Ang awkward lalo na't madilim. Baka isipin ng makakakita, magboyfriend na nagde-date kami. Awkward, pero at the same time, nakakakilig.

"Alam mo ba na sabi ng ibang tao, kapag ang isang taong mayroong mahabang, maganda, at mabangong buhok, inlove." seryosong sabi niya.

Inside Feelings [2014] ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon