Chapter44: The Question

Começar do início
                                    

"Wala ka talagang balak tumino?" tanong ko ng nakangiti.

"Ano ba, girl. Seryoso is me! Kasi, hindi naman por que sinabi sayo ng isang tao na gusto ka niya, eh obligado ka nang gustuhin mo rin siya. Hindi ganun 'yun. Hindi mo kailangang i-force ang feelings mo para maging mutual para hindi ito masaktan. Utak, girl. Utak." sabi niya sabay sundot sa noo ko.

"Epal nito," sabi ko sabay hawi ng kamay niya. "Naguguluhan lang kasi ako."

"Bakit naman?"

"May sinabi kasi siya sakin kagabi nung magkasama kami. May babae daw. Mag-best friend. Hindi niya alam kung gusto niya ba or what, pero 'yun nga daw ang nagpapagulo sa kanya." paliwanag ko at pinagtutusok ang kwek-kwek na nasa disposable na baso gamit ang barbecue stick na hawak ko.

"So, inexpect mo na ako at ikaw 'yun?" tanong niya. Tumango ako. "Alam mo, bes, hindi por que sinabi niyang may dalawang babaeng mag-best friend na nagpapagulo sa isip niya, means ako at ikaw na. Maraming magbest friend dito sa Saint Lorenz. Hindi lang ako at ikaw."

"Pero Celine, hindi mo kasi naiintindihan. Nababanggit ka niya sakin minsan eh. Tinatanong niya sakin dati kung may boyfriend ka na daw ba, or kung saan ka nakatira at kung anu-ano pang basic infos mo. Tapos, kagabi lang, sabi niya..."

Naalala ko na naman 'yung sinabi niya sakin kagabi na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Iba kasi ang impact nito. Para bang isa 'yun sa mga salita na gusto kong marinig mula sa bibig niya.

"Anong sinabi niya?" tanong ni Celine ng hindi ko muna itinuloy 'yung mahaba kong sinabi.

Tumingin ako sa malayo at inalala ang saya na naramdaman ko kagabi habang sinasabi niya ang mga salitang 'yun.

Alam mo, Chewie, kapag ganitong magkasama tayo, ang saya ko.

 

Ewan ko, ah? Pero sayo ko lang naexperince 'to.

 

Oo. Ikaw lang ang nagparamdam sakin ng ganito.

 

"Huy, ano na?" napatingin ako kay Celine ng tapikin niya ako habang inaalala ko ang mga salitang sa tingin ko, kailanman ay hindi ko na makakalimutan pa, unless magka-amnesia ako.

"Wala. Sinabi niya lang sakin na, kapag magkasama kami, ang saya niya; na sakin niya lang naexperience 'yun; na ako lang daw ang nagparamdam sa kanya ng kung ano man ang nararamdaman niya ngayon." paliwanag ko.

Ibinaba ni Celine 'yung disposable cup na hawak niya na may kwek-kwek sa bench na inuupuan namin bago ipinatong sa balikat ko ang kamay niya.

"Alam mo bang Business Administration ang course ni Kuya?" bigla niyang sabi.

"So? Anong connect nun sa usapan natin?" bored kong sabi.

"Basta kasi."

"Oo. Alam ko. At Marketing ang mine-major niya!"

"Good. Alam mo rin ba ang motto nila sa Accounting subject nila?" tanong niya ulit.

"Hindi. Ano daw ba?"

"Accounting says, Don't assume, unless stated."

 

Don't assume unless stated? Malinaw na magulo. Parang gets ko na hindi. Paano ko naman kasi mage-gets 'yun kung hindi pa naman kami nagco-college, 'di ba? May toyo rin itong si Celine eh.

"Tapos?"

"Haaay. Bobo mo, girl." sabi niya sabay tanggal ng kamay niya na nasa balikat ko.

"Grabe ka naman. Bobo agad? Slow lang!" sabi ko. Tumawa naman siya.

"Hindi kasi, ibig sabihin nun, wag ka munang mag-aassume kung hindi pa naman niya sinasabi ng diretsa sayo kung ano talaga 'yung nararamdaman niya. Masakit 'yun, bes. I know how it feels when it comes to this thing. Naging assumera din ako nung first year tayo, 'di ba? Kaya ayun. Nasaktan ako. Kaya if I were you, kahit na ipinaparamdam niya sakin na espesyal ako sa kanya, ayokong mag-assume ng something na mas higit pa sa kung anong meron kami. Aantayin ko nalang na sabihin niya sakin kung ano talaga."

Alam ko naman na minsan, (madalas pala) puro monkey business lang ang usapan namin ni Celine. Pero kapag seryoso, seryoso talaga.

"At 'yung iniisip mong baka may gusto sakin ang crush mo, ouch!" naputol siya dahil pinitik ko ang tenga niya, pero nagpatuloy parin, "Wag mo nang problemahin 'yun. Kasi, kung magkagusto man siya sakin, wala naman akong magagawa eh. Hindi ko naman pwedeng pilitin ang sarili ko na gustuhin rin siya pabalik. Almirah, may boyfriend ako. Mahal ko si Kevin kahit na ang pangit pangit nun. Mahal na mahal ko 'yun kaya hindi ko siya ipagpapalit sa kahit na sinong gwapo ang magkagusto sakin, dahil siya lang ang taong nagparamdam sakin na mahal niya ako. At kahit na ilang beses ko pa siyang binusted, hindi niya ako sinukuan. Mahal ko ang boyfriend ko, Almirah, okay?"

Nakaka-touch naman. Sigurado ako, kapag narinig ni Kevin 'yun, baka pakasalan na niya si Celine on-time. Pero syempre, joke lang 'yun. 15 years old palang sila kaya wala pa silang rights para magpakasal. Niyakap ko siya.

"Thank you, bes." sabi ko.

"Wala 'yun. Best friends tayo, eh. Kahit na inaagawan na ako ni Kenneth sa posisyon ko, okay lang 'yun. Nandito lang ako palagi para sayo."

--x

Magkasama kami ngayon ni Ginno. Nakaupo sa pavements dito sa labas ng computer shop nila Jiro. Tahimik. Walang nagtatangkang magsalita. Hanggang sa basagin na nga niya ang katahimikan na kaninang kanina pa nabuo sa pagitan namin.

"Problema?"

Napalingon ako sa kanya at halatang kanina pa niya ako inoobserbahan.

"Wala. May iniisip lang." sabi ko at ibinalik ulit sa kawalan ang atensiyon ko.

"Ano naman 'yun? Andito naman ako para makinig."

Bumuntong-hininga ulit ako bago tumingin sa kanya habang nakapangalumbaba. Medyo kinakagat ko pa ang dulo ng kuko ko sa kamay dahil nate-tense ako.

"Paano kung..."

"Paano kung?" tanong niya.

"Ugh."

"Ano?"

"Paano kung sabihin ko sayong, gusto kita, anong gagawin mo?"

Inside Feelings [2014] ✅Onde as histórias ganham vida. Descobre agora