sa kanya....chapter 28

Magsimula sa umpisa
                                    

"lumayas ka dito wala kang mapapala sakin!"

kahit hinahatak ako palabas ng kwrto ng papa ni lawrence pilit pa din akong nag mamakaawa sa knya, wala na din akong pakielam kung ilang mata na ngayon ung nakatingin sakin, kung nakakahiya ba tong ginagawa ko wala na din akong pakielam, ang importante sakin ngayon, maayos ko ung mga bagay na dapat matagal ng ayos

"bitiwan mo ung anak ko arnold!"bigla akong napaakap kay papa nung binitawan ako ng papa ni lawrence, galit na galit ung mata ni papa kaya mas lalalo akong kinabahan, ayokong madagdagan ung kasalanan niya sa pamilya ni lawrence dahil alam kong lalong magiging mahirap samin lahat

"hinayaan kita nuon pero ngayon hindi na!" hinigpitan ko ung pagkakahawak ko kay papa dahil mukang susugurin niya ung papa ni lawrence, na parang walang pakielam kung marami na ung nanunuod samin at nakikita kung gano siya kasamang tao

"matagal na tayong magkaibigan arnold, alam kong alam mo na wala akong kasalanan sa mga binibintang mo pero sige iopen mo ulit ung kaso, mag papakulong na ako, wag mo lang sasaktan ung anak ko!!!!" 

isang malakas na sapak ung natangap ng papa ni lawrence kay papa, wala akong naiintindihan sa mga pinag uusapan nila pero isa lang ang naiintindihan ko ngayon, hindi na tutol si papa samin ni lawrence, at alam kong eto na ung simula na magiging maayos na kami

lawrence's pov

nakakailang bato na din ako sa bintana ng kwarto ni gavin pero hindi pa din siya lumalabas, nakakailang txt na din ako pero hindi siya nag rereply, kinakabahan na din ako na baka mas lalong hinigpitan si gavin kaya mas mahirap para samin magkita ngayon

"sino tinatawag ng mahal ko diyan?" napangiti ako nung narinig ko ung boses ni gavin mula sa likod ko, boses na alam kong makakapag palakas sakin ngayong araw, lalo na wala na naman ngyari sa lakad ko, pag nakikita ko kasi si gavin para akong biglang lumalakas para subukan ulit, at lumaban

"mahal na mahal kita" pinipigilan kong wag umiyak kahit na hirap na hirap ako, ayoko ng dagdagan ung problema ni gavin, dahil kagaya ko mukang meron din siyang problema sa bahay

"mas mahal kaya kita" pinahiran ko ung luha ni gavin na tumutulo sa maganda niyang pisngi, gustuhin ko man kunin lahat ng sakit na nararamdaman niya parang hindi ko un makakaya, at tama nman talga siya mas mahal niya ako alam ko un, ramdam ko din un

"alam ko, pls mahal ko pwede bang wag mo akong isusuko?"

inakap ko na lang ng mahigpit si gavin at hinayaan ko na lang din ung sarili ko na maramdaman siya, ung malambot  niyang katawan ang nag papatibay sakin kasi, natatakot na din ako na baka isuko na ako ni gavin, lalo na hindi madali ung relasyon namin, kung bakit parang buong mundo kalaban namin ayun ang hindi ko alam, kung ano kasalanan namin hindi ko din alam, pero isa lang alam ko, kahit pa hindi kami ung nakatadhana gagawin ko lahat para maging kami hanggang sa huli

DI KITA CRUSH!!! plus THE SEQUEL ( sa kanya)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon