chapter 2

207 7 11
                                    

Nang umabot na sila sa eskwelahan at mismong pagbaba ni Denden sa motorsiklo ay bigla siyang napaupo sa semento. Aly, being maaalahanin, rushed to Dennise and tinanggal ang suot nitong helmet.

"Denden, okay ka lang ba? Ano nangyari?" Rinig mo sa boses ni Aly ang pagaalala. Na may kasamang lungkot. If that's possible. Dennise looked at her with that damn smile and Aly stopped herself from kissing the girl in front of her.

'Hep hep, hala, ang bilis naman.' Sabi ni Aly sa kanyang sarili. 'Ang manyak mo pa rin hanggang ngayon Ly, get a hold of yourself.' Suway nito sa sarili. Parang timang lang si Aly na nakikipagdebate sa kanyang utak.

Dennise then tried to stand up pero masiyado siyang nahilo sa pagkakadrive ni Aly kanina.

"Ahh ehhh o-okay lang ako Ly. Medyo nahilo lang ng konti." Paliwanag ni Denden at bigla namang binuhat ni Aly si bulilit, bridal style.

"Den, wag ka na lang muna pumasok sa subject mo ngayong umaga ah? Pahinga ka muna sa infirmary." Sabi ni Aly at nagtungo na sa loob ng skwelahan.

"Pero Ly..."

"Wag na kasi makulit. Yaan mo, di na rin ako papasok at babantayan kita. Pahinga ka lang doon." Paliwanag ni Aly. Mismong pagpasok nila sa skwelahan, head turner talaga ang dalawa. Whispers erupted and eyes looked at them like they were pieces of meat.

And Aly didn't like that.

"Okay ka lang?" Bulong ni Denden. Aly internally smiled kasi ang super cute nitong si bulilit. Kung pwede nga lang eh iuuwi na niya si Denden sa kanilang bahay.

"Oo okay lang. Malapit na tayo."

"Salamat Ly." Biglang sabi ni bulilit at malapit ng mabitawan ni Aly si Denden. It was a really sincere and heart warming na pagkakasabi kaya natamaan si Aly.

For 17 years of existence kasi, never ever naramdaman ni Aly ang ganoong feeling. Yung parang super tagos talaga sa puso. Yung pati kaluluwa eh nadala na sa salita. And it really feels good, hearing those words from somebody na talagang sincere.

"Miss, ano ba nangyari?" Tanong ng nurse as soon as they went inside the infirmary. Kasalukuyang silang tatlo lang ang nasa loob.

"Masakit po kasi ang ulo niya maam. Di po siya makatayo sa sobrang hilo and nasusuka din po siya." Paliwanag ni Aly and looked over at Dennise. Namumutla siya and parang matamlay ang mga mata niyang tumitig pabalik sa mga mata ni Aly.

'Dammit Ly, kung minalas kayo kanina, siguradong di dito sa infirmary ang bagsak niyo.' And Aly shook her head. 'Eh kasi nga late kaya ako nagmadali.' Sagot naman ng left side ng brain niya.

"Pakihiga nalang siya miss. Ako na bahala sa kanya." Sabi ng nurse na agad ring tumayo at pumunta sa kinaroroonan nila Dennise. Tumango si Aly pero di pa rin umaalis.

"Uhhhmm maam, pwede po bang dumito na rin muna ako at babantayan na lang din siya? Ako kasi may kasalanan kaya siya nagkaganyan eh." Nagulat si Denden sa sinabi ni Aly.

Eh kasi naman, wala naman talagang kasalanan si Aly. Yung hangin lang kasi, medyo malakas at mukhang pumasok sa katawan ni bulilit. Kaya ayun nga.

"Pero may klase ka diba?"

"Please po maam?" And the nurse didn't bother arguing with Aly. As soon as she looked at her eyes, biglang siyang nanlambot at ngumiti ng onti.

"Ikaw ang bahala." Sabi pa nito at biglang pumunta pabalik sa desk at may hinalungkat sa kabinet. May inilabas siyang itim na bag at binuksan ito. Kumuha siya ng tabletas at pati na rin nga tubig at bumalik sa higaan ni Denden.

"Salamat po maam." Biglang sabi ni Den at ininom na kaagad ang gamot na iniabot sa kanya. Humiga siya ulit at ipinikit ang kanyang mata.

"Pahinga ka na miss. Para mabilis tumalab ang gamot. Sabihin mo lang if masakit pa ang ulo mo or nasusuka ka." Bilin ng nurse at umalis muna ng infirmary.

Aly was about to say something kaso narinig niya ang mahinang paghilik ni bulilit. She then smiled. How can a person be this beautiful and cute at the same time? Parang anghel na nanggaling sa langit.

Nakakabighani. Nakakainlove. Naman kasi, Dennise is the epitome of a prefect girl. Matangos na ilong, maputi, matataas at curly na pilik mata, well defined cheekbones, mala dagat na kulay na mga mata and most of all, pouty lips na napakapula. If anything, magkakandarapa ang mga tao mapansin niya lang. Mapababae man o lalaki ito. Ganon kalakas ang appeal niya.

And maybe that's why Aly was drawn to her. Kasi natamaan siya ng pana ni kupido.

"Alyssa?" Biglang sabi ni Denden at tumingin ito sa kanya. She then jolted at the sound of her name.

"Bakit?"

"Pwede tabihan mo muna ako?"

"Kailangan ba talaga eh full name ko ha Den?" Aly asked but complied to her request. Gustong gusto kiligin ni Aly sa simple request na yun ni bulilit pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Si Dennise naman eh kahit nagkasakit na eh nagawa pa rin nitong lumandi. (Hihihihi)

Tumayo na rin si Aly at dahan-dahang humiga sa higaan ni Dennise. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Parang sasabog na ito anytime. Like a ticking bomb.

Kasalukuyang nakahilata ang dalawa at nakatitig sa kisame. Pwera nalang kay Denden na nakapikit na. Again, rinig pa rin ni Aly ang mahinang hilik nito.

'Ang swerte ng magiging jowa nitong babaeng to.' Isip ni Aly at tumingin sa babaeng tinutukoy niya. Tumitig siya and minemorize ni Aly ang features ni bulilit. Bigla namang humarap din si Dennise kay Aly kaya magkaharap na silang dalawa.

'Mas maswerte kung ikaw yung magiging jowa niya.' Sabi naman ng right side na brain ni Aly. She then sighed. Not because she didn't like the idea but because napaka imposible.

Dennise was an angel. She was just an ordinary person. Langit si Denden, lupa si Aly. She then sadly smiled at the girl in front of her.

'Di lang naman yun eh.' Dagdag pa ng left side brain ni Aly. And she knew right there na it's either go big or go home.

Aly then closed her eyes at sinantabi muna yung iniisip niya. She then felt an arm around her waist at napangiti siya. Dennise was hugging her. Ng walang kamalay malay ang bulilit sa pinag gagagawa niya. But Aly didn't mind. Hinayaan niya lang iyon.

Before she knew it, hinalikan niya ang noo ni Dennise at nagulat siya sa inasta niya. Buti nalang at di naman nagising si Den kaya dali dali niyang inayos ang kanyang sarili at pumikit ulit.

Blushing was never a thing for Aly. Pero simula kanina, noong nakilala niya si Dennise, well, it all changed. And she smiled, for the nth time and tuluyan ding nakatulog sa tabi ni bulilit.


--------------------------
Hayan. I still suck but hey mas mahaba na to sa chapter 1. :D Napansin kong masiyadong madaldal si author kesa sa mga characters. Hayaan niyo po, sa next chapters mas madaldal na ang mga characters kesa sakin. Hihihi pagpasensiyahan niyo na talaga itong mumunting istorya ko. Wala eh. Eto lang ang kaya ni author. :')

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon