chapter 1

270 9 4
                                    

"Pwede ba manligaw?"

Tatak na tatak pa sa utak ni Denden ang sinabi ni Aly ng magtapat ito sa kanya ng tunay niyang nararamdaman. Kahapon lang eh magkaibigan lang sila pero akalain mong ngayon eh magkakaibigan na pala sila.

Super saya ni Denden. Kasi finally, after all these years, nakita na niya ang taong pinapangarap niya. Yung taong saktong sakto para sa kanya. Yung taong kokompleto sa kanya.

Yung taong mamahalin siya at mamahalin din niya. Kaso hindi pwede. Dahil kabilin bilinan ng lola, huwag ng uminom ng cerveza. Ayyy mali.

Kabilinbilinan kasi ng ama niya bago ito binawian ng buhay eh ang maipresenta niya ang kanyang pamilya sa harap nito. And that goal? Is what hindering miss Dennise Michelle Garcia Lazaro from following her heart.

"Oo, okay lang. Ikaw ang bahala."

Matamis na pagkasabi niya sa manliligaw niyang si Alyssa. Pero what went wrong?

-----------
"Tae! Malelate na naman ako nito!" Bulalas niya sabay tingin sa relo niya. Super traffic and ang mas malala pa eh ang first subject niya ay ang terror niyang teacher.

"Kung may motor lang sana kasi eh di sana nalusutan ko na to." Maktol niya ulit at bumaba sa jeep. Tatakbo nalang siya. Baka sakaling mas madali pa siyang makakarating sa school kesa sa magintay na umusad ang mga sasakyan.

Inayos na muna niya ang kanyang sintas at strap ng kanyang bag dahil baka may lumabas na di kaaya-aya. 10 minutes na siyang late and kung lalampas pa yun ng 15 minutes, mabuting umabsent nalang siya.

So she run for it. Parang runner sa marathon lang kung makatakbo ang bulilit na si Dennise. Napatigil siya ng biglang may dumaang naka motorsiklo sa gilid niya, muntikan na siyang matamaan nito dahil sa sobrang bilis ng pagpapaandar nito.

Bigla itong tumigil, bumaba at dali-daling pinuntahan ang kinaroroonan ni Denden.

"Miss, okay ka lang ba? Di ka ba nasugatan?" Mahinahon at puno ng pagaalalang tanong nito. Di pa maaninag ni Dennise kung babae ba or lalaki ang estranghero pero kitang kita niya sa mga mata nito ang pagaalala at pagsisisi. Nakahelmet pa kasi.

"Ahhh ehh o-okay lang ako. Nagulat lang ako." Sagot niya rito at biglang nagalis ng helmet ang kanyang kausap.

Alam niyo ba yung mga ganyan na commercials noon? Yung may mga babaeng bababa sa motorsiklo at tatanggalin ang helmet tapos eh nakalugay ang buhok? Ganoon ang nasaksihan niya. Super ganda niya kasi kaya nastarstruck itong si Denden.

To say nabighani was an understatement. Morena, matangos ang ilong, red lips and most of all, mga matang super lalim. Alam niyo yun? Na isang tingin mo lang eh baka mawala ka na sa sobrang lawak at lalim?

"Pasensiya ka na talaga miss. Di ko sinasadya dahil malelate na kasi ako sa klase ko." Sabi nito at biglang lumaki ang mata.

"H-hindi, o-okay lang." 'Dennise naman, ba't pautal-utal ka kung magsalita?!' Sabi niya sa kanyang loob-loob.

"Wait, sa Ateneo din ang punta mo?"

"Well, oo a-actually."

"Sakay na. I'm sorry kung rude ito but I really need to be in that class. And ikaw din. Malelate ka na din kung di pa tayo aalis." Paliwanag niya sabay abot ng helmet niya kay Dennise. The latter looked at her like she has grown two heads.

"What?" Tanong nito sabay angkas sa motor niya at pinaandar ang engine.

"Bakit ako ang maghehelmet eh ikaw naman ang magdadrive?" Sabi ni Denden habang binabalik niya sa morena ang helmet na suot nito kanina.

"Ikaw na ang maghelmet. Mas panatag ako kung alam kong safe ka. Wag na madaming tanong." Sagot nito at nakinig naman si bulilit. Sa loob-loob ni Den eh kinilig siya sa small gesture ni ate girl. Napaka gentlewoman kasi kaya na appreciate iyon ng bulilit.

Sumakay na si Dennise sa motorsiklo at humawak sa balikat ni ate girl. Lumingon ulit ito sa kanya at nilingo-lingo ang ulo nito.

"Bakit?" Tanong ni Dennise. Narinig niyang tumawa ng bahagya ang babae at inalis ang kamay niya sa balikat nito. May dumaloy na kuryente sa kamay niya pero di niya pinansin.

"Di yan sa balikat nilalagay. Dito yan oh." Sabi nito at ipinulupot ang mga kamay ni Dennise sa kanyang bewang. Kung di pa to nakakakilig, ewan ko nalang. Denden blushed and thank god nakahelmet siya. Kung hindi baka mapansin iyon ni ate girl.

Little did Dennise know na super kilig din ngayon ni ate girl. Panay ngiti siya dahil nga nasunod si bulilit sa mga utos niya.

"Nga pala, ako si Alyssa. Aly or Ly for short." Pakilala ni ate girl at binalik ang stand ng motor sa kinaroroonan nito.

"Dennise. Denden nalang para madaling bigkasin." Hol'up? Pakinig niyo yun? Diretso yun ah?

"Well, Denden, hold on tight kasi aalis na tayo. Don't let go, okay?" Nakkkssssss. Double meaning ata yon ah? Sabi ulit sa loob loob ni Dennise. She then smiled and Aly felt her nod and tighten her grip around her.

Aly then sped off, careful to avoid the cars and was really making sure that they got out of that traffic safely. She can't help but smile at Dennise who was holding on her for dear life. She chuckled, and napagtanto na magiging masaya ang araw niya ngayon.

~well, watchu think? Ang pangit ng chapter 1. Hahahaha well, sabi ko diba, i suck at writing din. XD

Maling AkalaWhere stories live. Discover now