Chapter 35: Unconsciousness

Start from the beginning
                                    

“Sh*t” tig-isang kamay ko ang pumipigil sa dalawang farm tools nato.

“Gustong-gusto nyo talagang makipaglaro sakin ha.”Una kong sinipa sa dibdib si HomoSapien sa kaliwa ko. Naagaw ko yung pala nya kaya yun ang naisangga ko sa crowbar na hawak ni Hellboy. Nakailag ako sa mabilis na pagsaksak ng matalim na bahagi ng crowbar sa tagiliran at katawan ko. Mas matangkad sya saken at mas malaki ang katawan. Para kaming naglalaro ng fencing sa pagsugod at pagsanggang ginagawa namin.

“SAN NYO DINALA SI NANA!” ipinukol ko sa ulo nya ang dulong bahagi ng pala sa saka tumilampon ang muka nya sa magkasabay kong pagsipa nito. Pumutok ang ulo nya dahilan ng pag-agos nito sa mata nya.

“MAKIKITA MO LANG SYA KUNG KAYA MONG TAPUSIN KAME!” sugod ni Kingkong. Naisahan nya ko ng suntok sa kaliwang pisngi. May patalim ang singsing nya dahilan ng pagkagalos at pagdugo ng pisngi ko.

“Bwiset!”Ibinato nya saken yung malaking lumang tangke. Peste! Muntik nako dun.

Nagpalitan kami ng mga suntok-sipa sa pagkakataong yun. Mixed martial arts ba gusto mo? Pwes hindi kita uurungan!

“HOY KINGKONG! MALAMAN KO LANG NA SINAKTAN NYO SI NANA, IPAPASOK KITA NG BUONG BUO SA BUTAS NG ILONG MO!”

“T@RANTADO! TINGIN MO MAABUTAN MO PA SYANG BUHAY?! PINAGPEPYESTAHAN NA SYA NG GANG NI BRIANNA!”

Ang gang ni Brianna?! Sh*t.. Sinakal ko ang Kingkong nato at pinataob ang muka sa sahig. Halos napangiwi sya at pumutok na nga ang nguso. Kadiri lang, naghalo ang laway at dugo nya sa sahig. Dinaganan ko sya habang sya’y nakadapa at nakahalik ang nguso sa sahig. Nakasabunot ako sa buhok nya, pangsuporta para mas idiin pa ang pagkakangud-ngod nya.

“SASABIHIN MO BA SAKIN KUNG NASAN SI NANA O KAKALADKARIN KO YUNG NGUSO MO PALABAS NG BUILDING NATO?!?! HA!!!”

“Acck!!!”

“HINDI KA PA RIN MAGSASALITA?!” iniuntog ko yung nguso nya sa sahig. Parang may kumaluskos at tumalsik. Geez.. tumalsik ang dugo kasabay ng isang pirasong ngipin nya..

“S-sabi-hin.. k-o na!”

“ANO?!!!”

“ N-nasa.. nasa 3rd floor sya!”

“AT ANONG BINABALAK NYO PAGKATAPOS BUGBUGIN NG GANG NI BRIANNA SI NANA?”

“P-pag..pag nabugbog na si N-nana, dudukutin sya.. dudukutin sya ni.. ni E-edge..”

“EDGE ANO?!!”

“Edge.. Edge Bang!” Mga kasamahan sila ni Edge. Nasa panganib si Nana.

HuntressWhere stories live. Discover now