45 suspect#5- Chanel's Journal (Part 3)

8.4K 165 89
                                    

45 suspect#5- Chanel’s Journal (Part 3)

Nabato naman ako sa pwesto ko. Dapat ba akong matuwa dahil finally paid na ako at wala ng poproblemahin? Hindi na ba niya ako kailangan? May nagawa ba akong masama?

“Hays, buti naman! Sayang sana napaaga mo pang nasabi! At least makakapagpart time na talaga ako at makakaipon! Thanks talaga huh! Wala na akong reason para magkandauga-ugaga pag pinatawag mo!” masayang sabi ko but the real thing is I’m sad.

“Sino ba siya huh?”

Sinong sino?”

“Yung kasama mo kahapon.”

“Si Lydon. A friend of mine.”

“Friend of mine? Pero hindi yun yung nakita ko. Kung dikitan ka nya sa dancefloor kulang na lang kwarto.” sabi nya. Para naman akong nanliit sa pagkakasabi nya na kulang na lang ay kwarto. Ano bang akala nya saken? Nakakagalit talaga ang sinabi nya.

“Ano? Ganun ba tingin mo saken?” nilapitan ko siya. Hinarap niya ako.

“Binabayaran ka rin ba nya huh? How much? Twice? Thrice as you get from part-time?” sabi nya. Awtomatiko na lang na sinampal ko siya. He crossed the line. Nag-init ang paligid ng mga mata ko. Sumosobra na siya.

“Ang sama mo rin noh?! Yun ba talaga tingin mo saken? Mukang pera? Wala kaming ginagawang masama! At wala akong dapat ipaliwanag kung alam ko sa sarili ko na sarado ang isip mo at walang patutunguhan ang pagpapaliwanag ko! Hindi mo pako lubusang  kilala kaya wag mo kong husgahan dahil lang sa nakita mo! Bakit hindi ko sayo ibalik ang tanong mo?! Sana nakikita mo rin  yung sarili mo!” hindi ko mabanggit na bakit siya kasama niya yung babae nya! Ayokong iniinsulto ang pagkatao ko. Ang lakas ng loob nyang magparatang kung ang sarili nya hindi nya nakikita.

“Hindi ako ang topic dito Chanel! Kung kani-kaninong lalake ka sumasama! Kaya ka napapahamak eh! Umpisa pa lang ikaw na ang naglalapit sa sarili mo sa kapahamakan! Hindi na’ko magtataka dahil dun naman kita nakilala!” sobra na siyang magsalita. Pagalit kong pinapahid yung luha ko. Dahil lang ba nakilala niya ako sa bar nung hinila ng tropa niya inisip na nya na ganun ako kababa.

“Hindi ko kailangan magpaliwanag sayo! Wala ka ng pakealam sa akin mula ngayon! Bayad na serbisyo ko sayo kaya ayoko ng makita pa pagmumuka mo! Hindi na rin ako  magtataka na ganyan talaga ang ugali mo umpisa pa lang na nakita kita! Tapos na ko sayo!” itinulak ko yung dibdib nya sa inis saka ako tumalikod at naglakad paalis. Sobra na siya! Hindi ko na kaya pa siyang makita! Ang tindi ng pagkakainsulto nya saken! Sino ba siya sa akala niya?!

“Chanel!”nagpatuloy-tuloy ako sa paglalakad. Naiirita ako sa pagtawag niya! Lahat na! Sana hindi na lang nangyari yung sa bar at hindi ko na siya nakilala! Naramdaman kong bigla nyang hinila yung kamay ko at iniharap niya ako sa kanya.

“Ano ba bitawan mo’ko!” pagpupumiglas ko. ”Hindi ka pa ba tapos sa litanya mo? Kulang pa ba yung pang-iinsultong sinabi mo sakin? Fine! Magdagdag ka pa!” pinipilit kong magtigas-tigasan kahit patuloy pa rin sa pagtulo yung mga luha ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon