Chapter 34: 3 Witches Down

Start from the beginning
                                    

“MAS MASAHOL PA KO KAY BRIANNA, KUNG DATI NAPABAGSAK MO KO. PWES QUITS NA TAYO NGAYON.”Apple laughed.

“N-nag-nagkakamali ka.. Anong patas dun kung tatlo kayong kinalaban ko!” isang malakas na sampal na naman ang tumama sa pisngi ko.

“NAGAGAWA MO PA TALAGANG SUMAGOT?!” mas idiniin pa nya ang pagkakatapak a dibdib ko, halos bumaon na yung spike ng rubber shoe nya.

“T-tigilan na natin to.. Apple.. Tanggalin mo na ang posas nato.” pakiusap ko.

“NAG-EENJOY PAKO EH. GUSTONG-GUSTO KO PANG MAKITA KITANG NALILIGO SA DUGO.BUMANGON KA’T MAGLABAN TAYO!”tumawa sya.

“Patawa ka ba?” singhal ko.

“ANONG SINABI MO?”

“Alam mo ba pakiramdam ng nakatali ang paa, nakaposas ang kamay saka sinusugod ng 3? Hindi quits tawag dun.” Nakangiti kong sabi.

“ANONG NAKAKATUWA!” Sigaw nya.Accck!!! Mas idiniin pa nya.

“Kase.. Kase ipararamdam ko sayo yun!” mabilis kong naiposas ang kanang paa nyang nakatapak sa dibdib ko saka ko hinila yun. My hands were fckin free this time! Nagdulas sya sa kinatatayuan saka hinagilap ko ang kaliwa nyang kamay. Ipinosas ko patalikod ang kaliwang kamay nya saka ang kanang paa.

“AHHHH!!! BWISIT KANG BABAE KA!! PANO MO NAKUHA NA ANG SUSI! PAKAWALAN MOKO DITO!! PAKAWALAN MOKO!!”Apple.

Muka syang nag-aacrobatic sa itsura nya. Nagagawa pa nyang sumipa.

“Ngayon alam mo na kung gano kahirap lumaban kung ganyan ang itsura?”

“BWISIT KA! BWISIT KA! FVCK YOU!!!”Apple.

“Tatlong sampal lang quits na lahat ng kasalanan nyo saken.” Itinaas ko ang kanang kamay ko. Napapaatras sya ng paggapang.

1st strike: Sinampal ko sya ng sobrang lakas sa kaliwang pisngi nya. Halos mapabaliktad sya sa ginawa kong yun.

“Para yan sa pananakit mo sa sakin at ng mga kasamahan mo. Pangalawang beses nato Apple. Madala ka na sana!”

2nd strike: Sinampal ko ang kanang pisngi nya. Mas bumakat ang kamay ko sa balat nya.

“Para yan sa isang pakiusap, tigilan nyo nako. Masama akong kaaway Apple. Kung iniisip mong kasalanan ko ang pagkaka-aksidente ni Brianna, nagkakamali ka.

3rd strike:

“At itong hule, para yan sa panggagaya mo ng style ko ng pagtapak sa dibdib ng talunan at nagkakalat ng tsismis na boyfriend ko ang lalakeng yun!”

BOOGSH!!

Nawalan na ko ng control. Nakalimutan ko na sampal dapat ang ikatlo pero nauwi sa tumitilampong sipa sa likod nya ang nagawa ko. Hindi ko mabilang kung ilang beses syang nagpagulong-gulong.

Sorry.. kung tutuusin kulang pa yan. Halos bumigay na buong katawan ko sa ginawa nyong pagpapahirap saken.

GEORGINA’S POV

“Aren’t you gonna treat me lunch?” I massaged Khalil’s back. He was tired sitting in his swivel chair. We’re in his office, kakatapos pa lang ng morning class.

“Later sweetie.. How’s your first 2 days..?” Khalil.

“Well, konting adjust lang for new comsci students but then I’m happier.” I kissed his cheek pero napaiwas sya.

“Hey.. May.. May problema ba?” I combed his hair through my fingers.

“I stink. I’m sorry I have to go. May seminar sa Plenary Hall, dun na kami magla-lunch. I’ll call you later. Bye.” Hinawakan na lang nya yung pisngi ko saka lumabas sa office. He’s cold. Nagbago na sya. He doesn’t seem happy since I’ve transferred here. He’s not the old Khalil sweet, playful and has time for me.

I picked up the poster from his table.

Isang invitation to all Manhattan faculty and students?

A cosplay event in Chrysanthemum Hotel this Halloween.

It’s near the end of first sem. That hotel is familiar. Isa sa well-known property ng Bang political clan. I remember the past, sa isang cosplay event ko nakilala si Chanel Cruz at naging schoolmate pa sa SE University. Naging kaibigan, naging kakumpitensya, naging kaagaw at kahit ngayong 4 na taon ka ng wala sa buhay namin ni Khalil, you’re presence is still there, very alive that it’s fvckin weird I’m damn jealous to a dead person like you.

Like living your soul to this girl named Nana Rossi.

I tore the poster into tiny pieces. Pwede naman akong makipaglaro sayo eh. Pwede naman akong makipaglaro sayo gamit ang cosplay nang hindi mo ako nakikilala.

NANA’S POV

Iniwan ko na ang building na yun, hinang-hina ako ng naglakad palabas. Ang mga kamay ko, halos naging pulseras na ang mapulang guhit sa pulso ko. Izinipper ko yung black jacket ko para matakpan ang pasa at galos sa braso’t katawan ko. Pinunasan ko ang jeans ko na napuno na rin ng alikabok at patak ng dugo.

Ang dumi ko na at hinang-hina. Ramdam na ramdam ko pa rin ang pagputok ng labi ko. Hindi ko maintindihan bakit sinusugod pa rin ako ni Brianna? Ng mga kaibigan nya? ano bang kasalanan ko sa kanila.

Maingat akong bumaba ng hagdan at nakita kong may aninong sumusunod sa likod ko. Anino ng isang matangkad na lalake. Pero bago ko pa man ako nakasipa---

“Hindi pa tapos ang palabas Nana..”

Kuryente..

Isang malakas na boltahe naman ang dumaloy sa tagiliran ko. Wala na kong lakas. Wala na kong maalala. Wala na kong malay na bumagsak.

HuntressWhere stories live. Discover now