CHAPTER 16: Questions. Answers.

Start from the beginning
                                    

'Bakit? DJ? Hindi ba pwedeng sabihin kung ano yung Emergency Fund?' Vice turned to DJ.

DJ raised a thumb and nod in approval.

'O, pwede daw Kath. Sabihin mo na. Ano nga yung Emergency Fund?'

'Hinde, kasi yung Emergency Fund, uhm, yun yung in case mabuntis uli ako. So andun lahat. Yung expenses habang buntis ako, hanggang sa manganak ako, hanggang sa expenses na ni baby once lumabas na sya, ayun.'

'Nagpplano na ba kayong sundan si Danilo?'

'Wala pa naman. Emergency Fund nga kasi, malay mo may makalusot diba? Hindi natin masasabi.'

'Oo nga naman. Minsan, kahit super maingat ka, pag may nakalusot na mumunting Padilla, tapos nakaabot kay Little Bernardo, aba!'

'Patay tayo dyan!' Kath exclaimed.

'Anong patay?! Buhay! May mabubuhay!'

Napahalakhak lamang si Kathryn at ang audience.

'Naku, ang dugo pa man din nitong batang 'to...' Turo ni Vice kay DJ. 'Maparaan! Shooter ka diba?'

Muling ipinakita sa screen si DJ na halatang namumula sa hiya.

'Tumahimik ka!' Hiyaw ni DJ.

'Shooter sa basketball ang tinutukoy ko! Diba ang galing mong mag-3 points?!'

'Oo na!'

'O, tingnan mo?! Buo tuloy si Danilo kaka-3 points mo!'

Namula na rin si Kathryn kakatawa.

**********

Kapwa nakatingin sina Kath at Vice sa malaking LED screen habang pinapanood ang teaser ng teleserye nito.

'Bakit before ipakita yung teaser, umalis yung mag-ama mo?' Tanong ni Vice matapos manood.

'Natatakot kasi si Danilo dun sa itsura ko dun.'

'Ah, yung ungguy-ungguyan?'

Tumango si Kathryn.

'Nung nag-look test ako, pinuntahan nila ako sa dressing room. E hindi pa ako nagtatanggal ng make-up nun. Tapos, pumasok sila, nakita ako ni Danilo. Umiyak sya. As in takot na takot sya. Alam mo yung takot na nanginginig na sya?'

'Yun ba yung post ni DJ sa IG nya?'

Bumulaga sa screen ang picture ni Kath na ipi-nost ng kanyang asawa sa IG account nito.

'Sira-ulo talaga 'yung lokong yon.' She murmured, which Vice was able to hear.

Humalakhak ang host.

'Sabi ko sa kanya, wag nyang i-post kasi!' Nakangiting sabi ni Kath.

'Pero nakakakilig ang hashtags ha! Um-effort!' Puna ni Vice.

'Parang tanga nga yung maglagay ng HT.' Walang chance mag-trend. At humagalpak sya ng tawa.

'Hindi sya nagselos?' Bigla namang sumeryoso ang tanong ni Vice.

'Ha?'

'Yan na namang mga tanong na sagot mo sa akin Kath ha!'

'Di ko kasi talaga narinig.'

'Tinatanong ko kung hindi nagselos si DJ.'

'Kanino?'

'Kathryn!'

Nagtawanan ang audience.

'Nung una talaga, ayaw nya na gawin ko.' Nagseryoso na rin si Kathryn. 'As in talagang pinag-awayan namin yon.'

'E kasi nga naman diba, iba yung role mo dun? Yung una, mukha kang halimaw tapos gumanda ka, tapos ang sexy mo...'

Inulit sa LED screen ang bahagi kung saan lumabas siya sa stage ng isang nightclub wearing a beaded bikini and a mask.

'Hindi ako yan.' Iling ni Kath.

'Seryoso?'

'Body double yan.' Ngiti ni Kathryn. 'Akala nyo ako no?'

'Ay ang daya!'

'Hindi. Nasa ano kasi ni DJ yun e. Kung tatanggapin ko yang project na yan, dapat may body double yang scene na yan.'

Tumango tango si Vice. Pinakita naman ang part na naglalakad sya sa opisina ni Piolo wearing that figure hugging bodycon dress.

'Ang sexy sexy mo dyan, day!' Vice gushed. 'Jusko! Pati yung lakad mo, yung projection mo, nagsusumigaw na: Sexy Ako! Tingnan nyo ako!'

'Dyan lang yun. Pag naman totoo na, hindi na.' She laughed.

'Pero hindi talaga nagselos si DJ?'

Saktong pagbalik ni DJ sa loob ng studio, ipinakita ang clip kung saan hinalikan ng character ni Dominic Roque ang labi ng kanyang character.

'Hindi naman.' Iling ni Kath.

Sumunod na ipinakita ang bahagi kung saan mas masuyong naghahalikan sina Mendez at Alicia.

'Sigurado kang hindi?' Vice prodded. 'Mamatay?'

Alanganing napangiti lamang si Kathryn.

'Ayan si DJ o. Bakit namumula ang tenga? Kilala ko yang batang yan Kath. Hindi pwedeng hindi magseselos yan sa ganyan.'

Napatingin lamang si Kath kay DJ na tahimik at tila abala lamang sa anak nila.

'Ano kasi...'

Napatingin na rin si Vice kay DJ.

'O e ganito na lang, kumuha tayo sa audience ng isa tapos turuan mo sya kung paano mag-project ng sexy. Sige. Ako ang hahanap.' Tumayo si Vice mula sa kinauupuan at pumunta na sa audience.

Nanatili lamang nakatingin si Kathryn sa asawa. Parang madudurog ang puso nya sa itsura nito na tila pinipilit ang sarili na walang nakikita o naririnig kundi ang anak nila.

Tama si Vice. Hindi pwedeng hindi magseselos ang asawa sa ganoong eksena. Nasa set din nang mga oras na yon si DJ nang kuhanan ang eksena na umabot sa halos sampung takes dahil kinakabahan si Dominic. It even came to a point that the prod had to ask DJ to temporarily leave the area. Dom was able to execute the scene perfectly after that.

Pero halos sumabog naman si DJ nang makarating sila sa bahay that Kath had to prove him that she is his. She hoped that'll be the last time that she'll deal with that kind of Daniel who was pretty barbaric and 'experimental' with their lovemaking that she wasn't able to move too much the first half of the day after because of soreness all over.

*********

Kath sits inside their toilet as she clutched on that tiny, plastic contraption for dear life. Napatutop sya sa bibig nya once she saw two pink lines.

'Shit.' She murmured, tears suddenly welling from her eyes.

**********

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Where stories live. Discover now