Chapter 33

11.9K 256 12
                                    

My Fake Wife
By: CatchMe

Chapter 33


"IZABELLE!?" nasorpresang turan ni Anthony nang mapagbuksan si Izabelle ng pintuan sa bahay nito.

Madilim na ang paligid at hindi niya alam kung anong oras na. Nanggaling kasi siya sa isang bar kung saan ay mag-isa niyang nilunod ang kanyang sarili sa alak para makalimutan pansamantala ang sakit na nararamdaman niya.

At heto siya, of all places ay natagpuan na lamang niya ang sarili na nasa bahay ng mag-asawang Anthony at Alora.

​"Anthony..."

Hindi niya na napigilang mapaluha at yumakap dito dahilan ng pag-alala ng dating kasintahan.

​"Anong nangyari? C'mon," anitong pinapasok siya at pinaupo sa malambot na sofa.

​"Izabelle? What's wrong?" nag-alalang tanong naman ni Alora sa kanya nang makita siya.

Halata ang pag-alala nito sa kanya. Hindi niya namalayan kung paano itong nakarating sa kinaupoan niya nang ganoon kabilis. Agad siya nitong niyakap ng mahigpit na siyang ginantihan niya at mas lalo siyang napaiyak. ​

"What's wrong? C'mon, Izabelle.. Please, tell me what's wrong." Ulit nitong hinahagod siya sa likod.

​Napailing siya na nakayakap lamang sa kakambal kung kaya't hinayaan na lamang muna siya nitong umiyak sa balikat nito samantalang binigyan naman sila ni Anthony ng privacy na magkausap ng masinsinan hanggang sa gumaan ang kanyang pakiramdam.

Ilang sandali sila sa ganoong ayos, at nagawa rin niyang ikuwento sa kakambal ang dahilan ng kanyang pagsugod sa bahay nito.

"Izabelle..."

Napaawang ang labi na tanging nasambit ng kanyang kakambal matapos niyang ikuwento ang lahat-lahat tungkol sa kanilang dalawa ni Carmilo.

Ang pagiging pekeng asawa nito sa kanya para huwag siyang kaawaan ng kanilang pamilya, ang tuluyang pagkahulog ng kanyang loob sa binata at ang pagkadiskubre niya sa dating fianceé nitong si France Maristel.

"I don't know what to say, but..." anitong hindi napigilan ang pagbagsak ng luha.

​"Alora, please.. Ayokong kaawaan mo rin ako,"

​"No.." Napailing itong napahawak sa dibdib. "Izabelle, I'm sorry.. Nang dahil sa akin nangyayari ito sa'yo.. Ako ang dapat sisihin ng lahat ng ito. Kung hindi ko inaagaw sa'yo si Anthony, sana hindi mo nakilala si Carmilo at sana hindi ka nasasaktan nang ganito. I caused you too much pain, Izabelle.. I'm sor-"

​"Alora," pigil niya sa kakambal na napahagulgol na ng iyak dahil sa pagsisisi. ​"Sinabi ko na sa'yo, wala na iyon sa akin. Siguro hindi talaga kami ni Anthony ang itinadhana dahil may nakalaang ibang babae para sa kanya at ikaw iyon, Alora." Paliwanag niya na pinunasan ang luhaang mga mata.

​"Izabelle.."

​"Shhh.. Tama na, Alora.. Siguro, hindi lang ako maswerte sa pag-ibig.." aniya. "At huwag mo nang sisihin ang sarili mo sa lahat nang nangyaring ito, Alora. Tapos na iyon at ang importante ay masaya na kayo ni Anthony sa isa't isa.."

​"But, how about you, Izabelle?" hikbing tanong nito.

​"Huwag mo akong isipin, alam ko namang malalampasan ko ang lahat ng ito..." mahinang sagot niya at napabuntong hininga. Kung kaya't niyakap na lamang siya ng kanyang kakambal bilang pag-alo sa kanya.

​"Anong plano mo ngayon, Izabelle? Hindi mo ba kakausapin muna si Carmilo? Paano kung may dahilan siya kung bakit hindi niya naipagtapat sa'yo ang tungkol kay France?" maya-maya'y tanong ni Alora.

​Ilang sandali siyang hindi nakasagot at tanging buntong hininga na lamang ang naririnig mula sa kanya. Hanggang sa nakapagdesisyon na rin siya at napaharap sa kakambal.

"Uuwi nalang ako sa Iloilo, Alora.."

​"Hindi mo ba kakausapin si Carmilo?" muling tanong nito sa kanya.

"Para ano pa? Para mas lalo akong masaktan?" napabuga siya ng hangin at isinuklay ang mga daliri sa kanyang mahabang buhok. "Huwag na, Alora. At ayokong malaman niya kung nasaan man ako.." may pinalidad sa boses na wika niya.

MALAKAS na ibinato ni Carmilo ang hawak na kopitang may lamang brandy. Tulad ng mga nagdaang gabi, heto na naman siya at palaging naglalasing sa loob ng kanyang kwarto.

​Ilang linggo na ang nakalipas mula nang umalis si Izabelle sa kanyang bahay. At sa loob ng ilang linggong yaon ay halos gabi-gabi siyang naglalasing para hindi maalala ang dalaga.

​Pero bigo siyang kalimutan ito.

Dahil kahit isang minuto ay hindi maalis sa kanyang isipan ang dalaga. Ang magandang mukha nitong puno ng luha. Ang mapait na boses nito na huli niyang narinig mula nang iwanan siya nito sa hotel ay pabalik-balik sa kanyang isipan.

Damn! Anong gagawin ko?, napasabunot na tanong niya sa sarili.

Nang walang makuhang sagot ay napasuntok siya sa kanyang kama na tila doon ibinunton ang galit para sa sarili.

Hanggang sa maagaw ang kanyang pansin sa mantsang nasa bed sheet nito.

It was his idea na huwag palitan ang kubre kama noong tangkain ng dalaga na palitan iyon. Dahil natutuwa siyang isipin na siya lamang ang nag-iisang lalaki na dumaan sa buhay ng dalaga. At ngayon ay iyon na lamang ang alalalang iniwan ng dalaga sa kanyang kwarto mula ng iwanan siya nito.

Wala sa sariling hinaplos niya ang mantsang iyon. At muli niyang naalala ang gabing, inangkin niya ang dalaga. Kung saan isinuko nito ang pagkababae nito sa kanya.

​Hindi niya napigilang mangilid ang kanyang mga luha. How he really missed Izabelle. Ilang beses na niya itong tinawagan pero hindi talaga niya ito makontak.

Malamang, nagpalit na ito ng phone number. Hindi niya rin matagpuan ang kaibigan nitong si Sandra sa dating tinutuluyan ng mga ito.

​He already talked Alora regarding Izabelle, but she refused to tell him where she is.

Marahas niyang pinunasan ang luhang lumandas sa kanyang pisngi at pabagsak na nahiga sa malambot niyang kama.

Kailangan niyang mamili, kung sino kina Izabelle at France Maristel ang mas matimbang sa kanyang puso.

​Si France, mahal niya ito at isinumpa niya sa kanyang sarili na si France lang ang mamahalin niya. Kahit na iniwan pa siya nito ay umaasa pa rin siyang babalik ito sa kanya.

Yes, nagkatotoo nga ang lahat na muling bumalik si France Maristel sa kanya. Binalikan siya nito to stay with him for good. Kasama ang kanilang anak na si Joshua.

But how about Amyra Izabelle? sigaw ng kanyang utak.

Maatim ba niyang hayaan na lamang ang dalaga? Pero bakit umiiyak siya ngayon at nakakaramdam siya ng kalungkutan? Bakit niya namimiss ang dalaga? 'Di ba parati naman silang magkasama ni France?

​Ang kanyang mag-ina.

​Inis na napasabunot siya muli sa kanyang buhok. Ilang beses niyang tinimbang sa kanyang puso kung sino talaga ang kanyang kailangan. Kung sino ang kanyang mahal sa dalawang babae at gustong makakasama habang buhay.

Hanggang sa nakapagdesisyon na rin siya, kung sino ang gusto niyang makakasama hanggang sa pagtanda.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Where stories live. Discover now