Chapter 29

10.7K 212 0
                                    

My Fake Wife
By: CatchMe

Chapter 29


"SALAMAT, Kuya. Ingat ka," paalam ni Izabelle sa pinsang singer na si Noel matapos siya nitong ihatid sa bahay ni Carmilo. Nang kumaway sa kanya ang pinsan ay gumanti rin siya at muling pinaalalahang mag-ingat ito sa pagmamaneho.

​Tuloy-tuloy siyang pumasok sa bahay para umakyat sa kanilang kwarto dahil hanggang ngayon ay nag-alala pa rin siya kay Carmilo.

Hindi kasi ito nakasunod sa kanya sa hospital at ni hindi man lang sinagot ang kanyang tawag dito. Kaya kanina pa siya hindi mapalagay sa hospital.

"How's my fake wife, huh?"

​Napatigil siya sa pag-akyat nang marinig ang boses ng binata. Napabaling siya sa mini-bar at nakita niya itong nakatayo sa pinto na nakaharap sa kanya habang hawak sa kanang kamay ang baso na may lamang alak.

​"What are you doing?" Naglakad siya muli pababa ng hagdan at lumapit dito. "Nagpapakalasing ka?"

"So, anong pakialam mo kung naglalasing ako?"

​"Carmilo, ano ba ang problema mo?" tanong niya na hindi pinansin ang sinabi nito.

​"Where have you been? Nag-enjoy ka ba?"

​"Carmilo, ano ba ang pinagsasabi mo? Nasa hospital lang ako at hindi na ako nakaalis doon dahil hinintay kita. You told me you're coming but you didn't. Instead, nandito ka lang pala at naglalasing, pinag-alala mo pa ako."

​"Nag-alala? Nag-alala ka ba talaga sa akin o sadyang nag-eenjoy ka kanina?"

​"Hindi kita naiintindihan, Carmilo...my god! Ano ba ang pinagsasabi mo? Baka pwedeng ipahinga mo nalang iyan? Dahil malamang lasing ka lang.. C'mon, let me help you."

​"C'mon, Izabelle.. Huwag mo ngang ibahin ang usapan.."

​"Ano ba kasi ang ibig mong sabihin dahil hindi ko talaga maiintindihan ang pinagsasabi mo," naiinis na rin na sagot niya.

"Where have you been?" Seryoso ang mukhang tanong ulit nito sa itinanong nito sa kanya kanina.

​"Sa hospital nga," napahilamos sa mukhang sagot niya sa binata.

"Really?"

​"Of course! Ano sa tingin mo, saan ba ako nanggaling?" balik-tanong niya rito.

"Liar.." mariing sambit nito na hindi sinagot ang kanyang tanong.

​"You're drunk, bukas na tayo mag-usap at pagod ako ngayon, Carmilo," aniya na lamang at inis nang tinalikuran ito.

Ngunit nakailang hakbang pa lamang siya ay marahas siya nitong hinablot sa kanyang braso at muling pinaharap dito.

"Carmilo, ano ba? Nasasaktan ako!" piksi niya nang maramdam ang mahigpit nitong pagkakahawak sa kanyang braso.

​"I know you're with Anthony this afternoon dahil nakita ko kayo!"

​Bigla siyang natigilan at sinalubong ang nagngangalit na mga mata nito. Ang pakikipagkita ba niya kay Anthony ang ikinagagalit nito? She shook her head and took a deep breath. "Yeah, you're right.. I'm with Anthony at nag-usap-"

​"So, you're dating with your ex?" pang-iinsultong putol nito sa kanya.

​"We're not, dating! Nag-usap lang kami at-"

My Fake Wife (2nd Version) Complete Where stories live. Discover now